Carmela's POV Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko si Chris, kasama ang mga kaibigan niya sa isang dress shop. Mukhang nagdesisyon na talaga siya na magpakasal sa empaktang babaeng 'yon. "Mang-aagaw!" galit na saad ko at tinungga ang red wine sa aking harapan. Kailangan kung kumilos, kailangang may gawin akong paraan at hindi lang ang umupo dito! "Alam ko na, pupunta na lang ako mamaya sa kaniyang opisina! Tingnan ko lang kung hindi siya mataranta." Bago ako pumunta sa kaniya ay dumaan muna ako sa opisina ni Greg. Pagkarating ko ay tiningnan niya lang ako ng malamig na malamig. "Ano na naman ang kailangan mo sa 'kin Carmela." "Ano? 'Yan lang ang maririnig ko sayo? Kung ano ang kailangan ko? Hindi ka na nga talaga matino Greg!" "Ano bang pinagsasabi mo? Sa tingin mo ba ay nakaupo la

