Chris POV Pagkatapos ng dalawang linggo na nagkasundo na kami ni Amara ay naging maayos na rin ang tulog ko, maging ang tulog ng buntis kong kasama. "Magbihis ka na Amara." "Nakabihis naman ako ah" "I mean bihis pang-alis at hindi pangbahay." Nanlaki ang mga mata niya bigla. "Bakit, saan naman tayo pupunta?" "Magsusukat ka ng gagamitin mong gown sa kasal." Mas lalo siyang namangha sa narinig. "W-wedding gown?" "Oo kaya magbihis ka na." Wala siyang naging imik sa 'kin at nakahiga pa rin sa malaking higaan. "Chris, is this really necessary?" "Oo, dahil ayaw kong maging pulubi at matulog sa kalye kaya maligo ka na at hihintayin kita sa sala." Saad ko sa kaniya at lumabas na sa kwarto. Sa susunod na linggo na ang kasal namin ni Amara. Inayos na lahat ni mommy at naibigay na rin a

