Amara's POV Halos tatlong buwan na akong nakatambay sa guest room ng mga Monreal. Matagal na akong naghahanap ng malilibangan ko dito pero wala talaga akong makita. Wala naman kasing telebisyon o di kaya'y cellphone para may paglaruan ako dito. Kaya kahit alam kong bawal lumabas, nilabag ko na ito para lang makakita naman ako ng bagong tanawin sa labas. Mula sa aking bintana ay tanaw na tanaw ko ang mga bulaklak sa garden. "Alam ko na kung ano ang pagdiskitahan ko ngayon." Pababa ng hagdan, pasilip silip muna ako sa labas ng pinto. Sa pagkakaalam ko ay nasa opisina na ang mag-asawang Monreal at ang anak nilang -- never mind. Dahan-dahan na akong bumaba sa mataas na hagdan, hanggang sa nakalabas na ako ng tuluyan. "Woah." Manghang mangha ako ng makitang mas malapitan ang mga bulakla

