Chris POV Nakakainis! Nandidito nga ako ngayon sa opisina, kaharap ang isang katerbang papel at trabaho, pero ang isip ko ay naiwan ko na ata sa mansyon! "Damn it!" napatayo ako sa aking office chair at napaharap na lang dito sa malaki kong bintana. "Ano ba ang susunod na dapat kong gawin!" marahil nahihirapan na ako mag-track ng mga trabaho at importanteng appointment dahil wala na ang sekretarya ko na si Carmela. "Pupunta na lang ako sa HR para kumuha ng sekretarya. This time, gusto kong lalaki na lang ang magiging sekretarya ko." Hindi na ako nagtagal sa HR at bumalik na lang kaagad sa opisina. Pagbukas ng pintuan ay sinalubong ako ng mga tingin ni Carmela. "Please Chris, kailangan natin mag-usap dalawa. You have to explain this to me properly." Hindi na 'ko nakatutol pa dahil mukh

