Chris POV
Nakarating na kaming payapa sa mansyon at inilagay na kaagad si Amara sa guest room habang hindi pa rin nagkakaroon ng malay.
"Anak, now we have to talk." Saad ni dad katabi si mommy
"Anak, hindi pwede itong ginagawa mo, ang manira ng ibang relasyon."
"Pero anak ko ang dinadala niya dad! I have the right thing to do this!" hindi na siya naka-imik sa sinabi ko at umupo na lang sa sofa dito sa guest room.
"Anak, hindi pwedeng -- magka-anak ka ng hindi kasal."
"Mom, ano ba ang ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong sa kaniya.
"What I'm saying is nakakahiya kapag nalaman ito ng mga tao, ng mga kliyente natin, ng mga kalaban natin sa industriya, kung malalaman nilang magkakaroon ka ng anak na hindi ka naman kasal. Hindi pwedeng ganito ang mangyari sayo Chris, huwag kang magdala ng kahihiyan sa pamilya natin."
"At ano ang gusto mong mangyari mom?Na magpakasal ako sa babaeng taksil na 'to! Hindi ako papayag!"
"Tama ang sinabi ng iyong ina. Irespeto mo naman kaming mga magulang mo at bilang pangulo sa pamilyang ito ay ako pa rin ang masusunod. Kung ayaw mo makinig sa amin ay pwede ka ng lumabas sa mansyon at ikaw na ang bahala at umayos sa gulong pinasok mo." Saad ni daddy at lumabas na sila sa guest room. Tanging mga kaibigan ko na lang ang nandidito ngayon na kasama ko.
Napahinga na lang akong malalim noong umalis na sila mommy at daddy sa kwarto.
"Nakalimutan na ba nila ang ibig sabihin ng salitang kasal? Ang kasal ay para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan! Na kahit kailan ay hindi pwedeng gawin namin ni Amara ng dahil lang sa nagka-anak kaming dalawa!"
"Pero wala ka ng magagawa 'tol kundi ay ituloy na lang ang kasal. Tandaan mo, batas ni tito Marcelo ang nasusunod dito at hindi ikaw."
"Oo nga naman 'tol. Tsaka huwag kang mag-alala dahil mayroon namang annulment o divorce. Kung tungkol lang sa usaping annulment ay wala ka namang magiging problema dahil marami ka namang pera at marami kaming koneksiyon. We got you from lawyers to divorce process."
"So gusto niyo na pumayag akong magpakasal sa taksil na babaeng 'to? Kayong tatlo, hindi niyo ba naiintindihan? Niloko lang niya ako, pinagkaisahan lang nila ako ni Greg! Kung hindi pa tayo pumunta doon sa opisina nila, ay hindi ko pa malalaman na nagdadalang tao na pala si Amara!"
Bigla akong napaupo sa sofa dahil sa biglang gumuhit ang sakit ng ulo ko sa aking sintido.
"Lexter, ano ang mabibigay mong payo sa 'kin? Lahat kayo ay kailangang magsalita. Sang-ayon ba kayo na pagpakasal ako kay Amara?"
"'Tol, harapin na natin ang totoo. Wala ka namang ibang choice kundi ang magpakasal na lang sa kaniya."
"Tama si Allen 'tol kundi si tito Marcelo na ang makakalaban mo." Dagdag pang saad ni Rumir sa pahayag ni Allen.
"'Tol, katulad ng sinabi kanina ni Rumir ay pwede ka naman magpa-annulled. Hintayin mo na lang ang halos siyam na buwan at pagkatapos no'n ay pwede ka ng maging ganap na malaya. Alam kong napakahirap nito Chris, pero gawin mo na lang muna, alang-alang sa pamilya mo at sa kalagayan ng Monreal Corp. Tandaan mo, hindi pwedeng makatulad na naman ng pagbagsak ng kompanya niyo ng dahil na naman sa issue tulad noong tatlong taon na ang nakalilipas." Mahabang pahayag ni Lexter sa akin.
Habang pilit pinapasok at prinoproseso sa aking isip ang mga pinag-usapan naming apat ay dahan-dahan ng nagkakamalay si Amara habang nakahiga pa rin sa malaking kama.
"And the b*tch finally woke up." Saad kong malakas sa taksil na babae.
"Chris, mauuna na muna kaming tatlo. Tawagan mo na lang kami ulit kung kailangan mo ng kausap."
"'Tol, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Be patient when handling her."
"Alam kong galit ka Chris pero sana huwag mong kalimutang buntis si Amara."
Tanggap ko naman ang mga payo nila sa akin, lalo na ang huling sinambit ni Rumir. Pero hindi naman nila nabanggit ang salitang respeto kaya ang iyon ang bagay na hindi ko ibibigay sa kaniya.
"Kumusta, manlolokong Amara?"
"N-nasaan ako, nasaan si Greg!"
"Pwede ba Amara, huwag ka ng magkunwari? Alam kong alam mo kung nasaan ka ngayon. Ito ang mansyon kung nasaan ka nabuntis."
"Please, hayaan mo na lang na makasama ko si Greg!"
"Hayaan? Ang galing mo rin eh no! Dahil baog si Greg ay sa akin ka lumapit? Ginamit mo lang ako Amara! Plinano mo ang lahat! Napakataksil mo talaga!"
"Hayaan mo na lang ang bata sa 'kin Chris, please parang-awa mo na! Hayaan mong maging sa amin na lang ito ni Greg!"
"TANGA BA AKO! TANGA BA AKO AMARA! Ginagawa mo ba akong inutil? Anak ko ang nasa sinapupunan mo at hindi ako papayag na mapunta lang 'yan sayo lalong lalo na kay Greg!"
"Anong -- anong ibig mong sabihin?" patak na luhang tanong niya.
"Pagkatapos mong manganak ay kukunin ko na ang bata. Malaya ka ng makakabalik kay Greg, total bagay na bagay naman kayong dalawa. Mga manloloko, pareho ang dugo at balahibo!"
"No, hindi ako papayag sa gusto mong mangyari Chris! Sa akin lang ito at hinding hindi mapupunta sayo! This is my child at ako ang may dala sa kaniya kaya kahit na lumabas pa siya sa sinapupunan ko, ay mananatiling sa akin pa rin ang batang 'to!"
"Go on Amara, lokohin mo muna ang sarili mo. Total diyan ka naman magaling 'di ba? Ang manglinlang at mangloko?"
"This baby will be mine forever and ever Chris!"
"In your f*cking dreams, Amara."
"M-magbigay ka ng halaga, at tatapatan namin ni Greg, makuha lang naman ang bata Chris, parang-awa mo na."
"Ano? Ano ang tingin mo sa anak ko, aso? Na hayop at pwedeng tapatan ng pera? Anong tingin mo Amara, na negosyo lang ang pinag-uusapan nating dalawa ngayon! Baka nakakalimutan mong dugo ko ang nananalantay sa bata kaya kahit gaano pa kalaki ang presyong halaga ay hindi niyo kayang tapatan ang dugo ng isang Monreal!"
Hindi na siya napasagot pa at nanatili na lang nakahawak sa kaniyang sinapupunan.
"Napakasinungaling mo Amara. Pasabi-sabi ka pang nagpipills ka! Tulad ng sinabi ko noong mga nakaraan, your a first class piece of sh*t!" sigaw ko sa kaniya at padabog na isinirado ang pintuan.
Habang galit na nilalakbay ang hagdan pababa papunta sa aking kwarto ay bigla akong may naalala na sinabi sa akin noon.
"Ito ba ang ibig sabihin ng panaginip ni mang Tadeo? Na ikinasal daw kaming dalawa ni Amara pero naka-itim siya na wedding gown!"