Chris POV
Lumipas ang isang linggo, hindi ko pa rin alam kung paano ko malalapitan si Amara, para matanong sa kaniya ng personal kung siya ba ang posibleng gumaya sa pirma ni mommy.
"Chris! Lutang ka na naman!" singhal sa akin ni Carmela.
Nandito kami ngayon sa magaling na designer kung saan tinahi ang mga pangkasal na gagamitin namin sa susunod na isang linggo.
"Sabi ko, bagay ba sa akin ang wedding gown?"
"O-oo." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Pumasok na siya ulit sa fitting room na masama ang loob at iritado ang mukha.
Para akong nilalagnat sa loob habang papalapit ng papalapit ang kasal naming dalawa ni Carmela.
"Bro, okay ka lang ba?"
"Alam mo ang isasagot ko diyan Allen." Napabuntong hininga na lang siya maging sina Lexter at Rumir dahil sa sagot kong sarkastiko.
"'Tol gusto mo bang lumabas muna tayo para magpahangin." Pagyayaya ni Rumir sa akin.
"Oo nga, pati kami ay pumuputi na rin ang buhok dahil sa stress sayo." Dagdag pa ni Allen sa pahayag ni Rumir.
Tumungo ako bilang pagtugon at tumayo na para magpaalam sa aking magiging bride sa susunod na linggo.
"Carmela, lalabas na muna kami."
"Hindi mo man lang ba ako hihintayin?"
"Hindi na. Si mang Tadeo na rin ang bahalang maghatid sayo sa bahay mo."
"P-pero." Hindi ko na hinintay ang mga kasunod na sinabi niya at umalis na ng shop.
Hindi na kami pumupunta sa Tom's Kitchen lalo na noong nalaman namin na si Greg pala ang nagmamay-ari no'n. Kaya dito na lang kami sa Starbucks nagpapalipas ng sama ng loob at stress. Malilipasan pa kaya ako ng sama ng loob o habang buhay na?
Habang humihithit yosi, speechless pa rin ang tatlong kasama ko.
"I'm sorry Rumir."
"Sorry for what Chris?"
"Dahil -- hindi ko buong matutupad ang pangarap mo."
"Anong bang pinagsasabi mo."
"Oo, iikasal nga ako. Pero hindi naman sa babaeng pinangarap ko. Haha, fifty percent lang -- kasal lang ang matutupad ko. Sorry 'tol." Hindi na siya naka-imik at labis kong nadama ang lungkot niya para sa 'kin.
"Hays, pwede ba huwag niyo na ako bigyan ng ganiyang mukha? Huwag na kayo malungkot. Well, I think -- I deserve this dahil karma ko na rin siguro 'to. Hayaan niyo na ako, wala na akong magagawa eh."
"What? Wala ka ng ibang gagawin para makuha si Amara?" gulantang na tanong ni Lexter.
"Wala na Lex, nagbabala na rin sa 'kin ang ama niya. Ni hindi na nga ako pwedeng lumapit sa kaniya para magtanong kung siya ba ang pumirma sa -- " napahinto ang dila ko sa pagsasalita, dahil sa kagustuhan ko na ako na lang sana ang nakakaalam sa bagay na 'yon -- ang tungkol sa gabing napasa-akin si Amara.
"W-what? Don't tell me -- "
"F-forget what I've said. It's just nothing." Pagpapalusot ko sa nadulas kong dila.
"There is something! What is that thing Chris!" sigaw ni Lexter.
"Chris, your hiding something from us!" usal naman na malakas ni Rumir.
"Sasabihin mo ba sa amin Chris o iiwan ka na namin dito?" dagdag niya pang pagbabanta sa 'kin.
"F-fine."
"Chris! Ang sabi mo hindi mo nakita si Amara no'ng birthday ni tita Glinda? at sumama na bigla ang pakiramdam mo kaya dumaretso ka na lang sa kwarto mo?"
"I-I did saw Amara. M-malapit sa kwarto ko." Mas naka-focus na ngayon ang tingin ng tatlo sa 'kin ngayon.
"Don't tell me -- "
"You r***d her!"
"What the -- hell no Lexter! What the heck! I won't do that!"
"'Tol I'm sorry, I know -- it should be private but I think I should asked you this. Is there's something happened -- between you two?" si Allen naman ang naglakas loob na magtanong sa 'kin.
"Y-yes."
"YOU FORCED HER!"
"I said no Lexter! Damn it what's your problem!"
"I'm -- I'm sorry dude! You didn't tell us about this thing! Gulat pa rin ako!" tumayo siya at kinamot na malala ang kaniyang sintido.
"Totoo ba 'to o -- " hindi na natapos ni Allen ang pagsasalita dahil sa sinampal na siyang malakas ni Rumir.
"What the f -- " hawak ni Allen sa kaniyang namumulang pisngi at nakatingin sa kaniyang katabi.
"'Tol, ibig ba sabihin nito ay posibleng si Amara ang may gawa ng pekeng pirma ni tita Glinda?"
"I-I think so."
"Then we should investigate this matter more than your pathetic wedding Chris!" napabuntong na naman ako sa sinabi niya.
"No need, pumayag na rin si dad dahil one year contract lang naman 'yon. Sa susunod ay mas magiging maingat na lang kami sa mga pagpirma at pagdala ng papel." Usal kong pagpapaliwanag sa kanila.
Habang humihigop naman ng aming mga kape, napansin naming biglang natulala si Rumir.
"Taksil si Amara."
"A-ano?"
"Ako ang nagpatay ng plaka. Isang beses nakita ko siya, aligagang-aligaga. Pakiramdam ko ay plinano niya ang lahat."
"Tama ka diyan. Kanino galing ang kontratang napirmahan na?"
"Kay Greg galing. Pinaabot sa 'kin at binigay ko kay tita Glinda." Sagot ni Allen sa tanong ni Lexter.
Sinubukan kong pagdugtong dugtungin ang lahat, unti-unti ko na rin napapalitan ang pagmamahal ko kay Amara ng napakatinding galit.
"Kaya pala huli ng dumating si Greg ng gabing 'yon. Nakita ko rin na sabay silang umuwi no'ng birthday ni tita Glinda."
Ang hawak kong baso ay dahan-dahan kong niyupi dahil sa labis na pagkadismaya sa buhay ko ngayon.
"Nagkamali ako ng babaeng minahal. Amara is a first class piece of sh*t! Puntahan natin ngayon siya at babawiin ko ang isang taong kontrata!"
Sa sobrang gigil ko sa kaniya maging ang tatlong kasama ko ay wala na kaming sinayang na oras at agad ng pumunta sa Garcia Group.
Sumugod kami kaagad sa lobby para itanong sa staff kung anong floor ang opisina niya.
"Sir wala po si ma'am Amara dito." Pagpipigil sa amin ng kaniyang sekretarya.
"Pwes nasaan siya!"
"N-nasa Salazar Solutions po." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bumyahe na naman kaming apat sa sinabi niyang pesteng kompanya.
"What is the floor office of Greg Salazar!" sigaw ko sa lobby staff.
"S-sino po sila?"
"Hindi mo ako kilala? Ipakilala mo nga ako Allen!"
"He's Chris Isaac Monreal, one of the newest investor dito sa Salazar Solutions. Ngayon kung hindi mo sasabihin ang floor office ni Greg ay natitiyak kong huling araw mo na ngayon sa trabaho mo." Lumaki ang mga mata niya at biglang nanginig ang kaniyang mga kamay.
"F-fifty fifth floor po." Pagkasagot niya ay sumampa na kami kaagad sa elevator para gulatin sila sa itaas.
Nang makarating na kaming apat, dahan-dahan kaming naglakad papasok sa loob na kung iisipin mo ay mga magnanakaw.