CHAPTER 21

1081 Words
Chris POV Kinuha niya ang kaniyang baril sa gilid ng kaniyang tagiliran at dahan dahang itinatapat kay daddy. "M-Mr. Garcia -- ano po ba ang dahilan -- kung bakit po kayo -- n-nandito?" kabadong tanong ko sa ama ni Amara dito sa office room. "Maupo ka muna iho." Pangisi niyang pahayag at sa 'kin naman itinutok ang kaniyang baril. "P-pwede bang, pakibaba niyo po muna -- ang baril niyo? P-pag-usapan po natin 'to -- ng maayos." Utal-utal kong pakiusap sa kaniya habang naka-angat pa rin ang aking mga kamay. Mabuti at nadala siya sa pakiusap ko at itinago niya na ang kaniyang nakakamamatay na armas sa kaniyang tagiliran. "Mr. Garcia, nandito na ang anak ko sa harap mo. Bakit ka ba napadpad bigla dito? Kung tungkol ito sa pag-alok mo sa akin para maging investor sa kompanya mo,ay sana'y huwag mo ng idamay ang anak ko." "Your thinking Mr. Monreal na 'yon ang dahilan kaya ako napapunta dito? If you're having a thought of that, then ngayon pa lang ay burahin mo na 'yan sa isipan mo. Ang anak mo ang sinadya ko dito at hindi ikaw." "A-ano po ang sadya niyo at -- hinahanap niyo ako?" sabat ko sa pag-uusap nilang dalawa. "Gusto ko lang naman itanong kong pinapahirapan mo ba ang anak ko." "P-pinahirapan saan?" "Nagsumbong sa akin si Greg na pinahirapan mo raw sa pag-ayos ng mga bulaklak si Amara kagabi sa party ng mommy mo." Magsasalita na sana ako ng biglang hinampas na malakas ni daddy ang kaniyang lamesa. "This is non-sense Mr. Garcia! Umulan bigla ng malakas kagabi kaya imbis na sa labas ang venue, ay ginawang sa loob na lang idinaos ang party!" "A-at, kasama naman niya si Lyka -- maging ang buong team sa pag-aayos ng mga bulaklak." Dagdag ko namang pagpapaliwanag. "Umayos ka lang Chris, alam kong matalino ka at magaling magdahilan. Pero sa oras na may ginawa ka sa anak ko na hindi maganda, makakatikim ka na sa 'kin. Kaya bantayan mong maigi 'yang anak mo na 'yan Mr. Monreal." Galit na galit na saad niya. Kinuha na niya ang kaniyang sombrero at aaktong lalabas na sa pinto. "And Chris, before I forgot. Once na malaman ko, na may kinalaman ka kung bakit binenta ni Amara ang flower plant sa Baguio, hmm. Magtago ka na." Pangisi ngunit taimbagang pahayag niya tsaka lumabas na ng pinto. Napakalamig ng pawis ko, pakiramdam ko ay lalagnatin na talaga ako ngayong araw! "Anak, umiwas ka na kay Amara. Malilintikan ka lang ng daddy niya sa ginagawa mo. Tsaka -- ikakasal ka na kay Carmela." "Dad, paano ko ba mababali ang agreement natin kay Carmela?" "Ano bang sinasabi mo? Ngayon ka pa gaganyan na may petsa na sa susunod na dalawang linggo ang kasal niyo!" "Dad alam mong hindi ko mahal si Carmela!" napatitig na lang siya sa 'kin sa labis na stress. "Dad, tell me. Paano ko mababali ang agreement?" "Pero imposible!" "Then I'll do whatever it takes!" napaupo na lang siya at napasandal ng wala sa oras sa kaniyang office chair. "Dad, I'm begging you, please tell me. Ang alam ko lang ay ang nilalaman agreement pero hindi ang paraan para mabali ko ang ugnayang mayroon ang Monreal at De Guzman." Napahinga siyang malalim at dahan dahang lumapit sa akin. "Anak, mababali mo lang 'yon kung magkakaroon ka na ng anak sa iba." Bigla akong napaisip sa nangyari kagabi pero sa naalala ko ay nagpipills si Amara kaya nalugmok lang ako sa pagkadismaya. "Don't you ever do, whatever you thinking now son. Huwag na huwag kang lalapit kay Amara kundi malilintikan ka sa daddy niya." "Paano kung bayaran na lang natin sila, kahit doblihin pa natin kung magkano man ang naitulong nila sa atin noon?" "Walang problema kung tungkol sa pera anak. Pero ang punto doon ay walang kapangyarihan ang salapi sa agreement kundi -- ang sanggol lang." "A-ano? Paano kung -- " "Chris. Huwag kang umabot sa punto na you'll hire a baby maker. Please don't do bullsh*t out of this. Huwag ka mangdamay ng ibang bata." Napahingang malalim na lang ako dahil bukod sa wala akong maisip kung paano ko mababali ang agreement naming dalawa ni Carmela ay mukhang hindi na rin ako makakalapit kay Amara. "Pumasok ka na sa opisina mo Chris at baka may mga mahahalagang bagay kapa na gagawin doon. H-huwag mo na lang masyadong isipin, kung ano man ang nangyari ngayong umaga." Usal niya na bahid pa rin ang labis na pag-aalala sa kaniyang mukha. "Sige dad." Lumabas na akong lupaypay sa opisina niya dito sa mansyon at bumalik na kaagad sa aking kwarto. Ayoko na sanang pumasok ngayon ng biglang tumawag sa akin si Allen. "'Tol, nasaan ka na?" "Bakit?" "Anong bakit? Hindi mo ba na-recieve ang text ko kanina? Urgent meeting natin ngayon kasama sina Greg! And pumayag na pala si tito Marcelo na mag-invest sa kompanyang Salazar Solutions?" "ANO! Mag-invest kay Greg! Hindi ko alam ang bagay na 'yan!" "Pumunta ka na dito at huwag mo ng abalahin si tito. Mukhang si tita Glinda ang mga pumirma sa papel." "Pupunta na ako diyan kaagad." Pinatay ko na ang tawag at nag-asikaso na para pumunta sa Monreal Corp. Pagdating ko ay sinalubong akong galit na galit nila Lexter at Rumir. "Chris, bakit ka pumayag na maging konektado na si Greg sa 'tin!" panimulang usal ni Lexter. "Hindi ko alam kung paano nangyari 'yan. Samahan niyo ako at pumunta kay mommy." Kasama ang dalawa ay umakyat na kami sa itaas para tanungin siya ng personal. Pagbukas ng elevator sa kaniyang opisina ay naabutan namin siyang kausap si Allen. "Allen, hindi ko nga alam kung sino ang nagpirma niyan!" sagot ni mommy sa kaniya at tumayo sa kaniyang office chair. "Thanks God your here Chris! Mukhang pinagbibintangan ako ng mga kaibigan mo!" "Mom, pwede ko ba makita ang hawak mo?" kinuha ko sa kaniya ang papel at kitang kita ang pirma sa ibabaw ng one year contract ng Monreal Corp. sa Salazar Solution. Sinusubukan kong isipin ang nangyari, pero hindi ko naman basta maalala kung paano ito napirmahan. "Mom, saan mo ba kasi iniwan ang bwisit na kontratang 'to?" "Pinasuyo ko 'yan sa kasambahay natin na ilagay kahapon sa kwarto mo para personal mong mapag-aralan." Biglang nanlaki ang mga mata ko. Napa-atras akong bahagya, dahil bukod sa akin ay may iba pa akong nakasama sa kwarto ko. HINDI KAYA SI AMARA ANG GUMAWA NITO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD