Chris POV
Masaya man ang isip ko dahil napasa-akin si Amara kagabi, ganoong kabaliktaran naman na lungkot at pag-aalala ang nararamdaman ng puso ko dahil magpapakasal na raw siya ngayon kay Greg sa Davao.
Pagkatapos ko siyang angkinin ng pangalawang beses kagabi ay nagdisisyon na siyang lumabas na. Tumawag na rin kasi si Lyka at natapos na rin ang ginawang party ni mommy.
Tanghaling tapat ay nandidito pa rin ako sa kwarto, iniisip kung totoo ba talaga ang mga nangyari kagabi o imbento lang ng isip ko.
"Chris?"
"Mang Tadeo? Pasok po."
"Hindi ka ba ngayon papasok sa opisina mo?"
"P-papasok po. Half day lang po muna ko mamaya."
"Kung masama ang pakiramdam mo, huwag mo na lang muna ipilit. Bukas ka na lang ulit pumasok."
"Kaya naman po, ipapahinga ko lang muna sandali ang katawan ko." Itinungo niya naman ng dahan ang kaniyang ulo.
"Syanga pala Chris, may sasabihin pala ako sayo."
"Ano po 'yon?" lumapit siya at umupo sa kama malapit sa 'kin.
"Naalala ko na ang ibang nasa isipan ko noong ako'y nasa ospital, noong pansamantalang nawalan ako ng buhay."
"T-tungkol po sa ikinasal daw kami ni Amara?"
"Oo."
"Alam mo mang Tadeo, dahil sa pinaalala mo sa akin 'yan, pakiramdam ko tuloy ay hindi siya ngayon magpapakasal kay Greg."
"Ha? Magpapakasal na daw sila?"
"Oo, nagkausap kami kagabi ni Amara."
"Sa pagkakaalam ko ay matagal pa dahil lagi raw busy si Greg."
"P-paano niyo po nasabi?"
"Anong paano nasabi? Nasaan ka ba kagabi?"
"M-maaga na po akong humiga -- dahil masama po ang pakiramdam ko kagabi." Pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Gano'n ba. Dumating kasi si Greg dito at may dala dalang regalo para sa mommy Glinda mo. Mukhang nililigawan niya ang kompanya niyo ng sa gayo'n ay maging investor niya din."
"Ano pa po ang hindi ko narinig kagabi mang Tadeo?"
"Tinanong kasi ng mommy mo si Greg na si Amara pala ang tagapagmana ng Garcia Group bilang pagkumpirma. Doon na rin siya nagtanong kung kailan ang kasalan nilang dalawa."
"Ano naman ang naisagot ni Greg sa kaniya?"
"Tulad ng sinabi ko kanina ay busy pa raw siya ngayong taon. Kaya baka sa susunod na mga pagkakataon na lang daw." Sumaya ako bigla sa narinig dahil mayroon biglang naglaro sa isip ko.
"C-Chris."
"Po?"
"Tigilan mo na si Amara."
"P-pero mang Tadeo? Malay mo ay kami talaga ang ikasal dahil nakita mo na sa isip mo."
"Mag-iingat ka kay Amara. Mukhang, may iba akong nararamdaman para sa kaniya."
"A-ano bang sinasabi mo mang Tadeo?"
"Oo Chris, nakita ko nga na ikinasal kayo sa isip ko. Pero -- " kinilabutan ako paraan ng pagsasalita niya kaya tumayo na ako sa gilid ng kama at mas lalo pang lumapit sa kaniya.
"P-pero ano?"
"Chris. Ang kulay ng wedding gown niya do'n ay-- itim."
Biglang tumigil ang isip ko, kundi ang pakiramdaman lang ang mga nagtataasang balahibo ko sa batok.
"Alam mo ba Chris, na paniniwala sa probinsya namin na masamang kapalaran ang nagbabadya sa itim na wedding gown?"
"B-baka iba lang ang ibig sabihin -- no'n."
"Simple lang ang ibig sabihin niyan Chris kundi ay iwasan mo na ang babaeng 'yon."
"Mahal ko siya."
"Pero 'yang pagmamahal na 'yan magpapahamak sayo."
"Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Bakit hindi mo na lang pagtuonan ng pansin si Carmela? Matagal na kayong dalawa Chris. Kilalang kilala mo siya at maging siya sa iyo. Maaaring wala siyang nararamdaman sayo dati pero ngayon ay mayroon na. Iho, ito an isipin mo. Paano kung makipaghiwalay ka kay Carmela at lumapit ka na naman kay Amara? Paano kung hindi ka talaga umubra sa kaniya? Tandaan mo kung totoong mahal ka ni Amara, bakit hindi siya nakipaghiwalay kay Greg no'ng una pa lang? Paano 'yon kung magkamali ka ng desisyon at nawala na si Carmela sayo? Masyado ka lang nahuhumaling ngayon sa mga bago mong nakakasalamuha Chris."
Sa haba ng sinabi niya, gaanong haba rin nakatulala ako at pilit iniintindi ang kaniyang mga sinasabi.
"Pero paano naman kung magtagumpay ako na makuha siya?"
"Pakiramdam ko Chris, kahit makuha mo pa siya, kahit makasal pa kayong dalawa, malakas ang kutob ko na hindi ka pa rin ganap na magiging masaya."
"Paano niyo ba nasasabi sa akin 'yan -- mang Tadeo."
"Ang itim na wedding gown ay hudyat ng kamalasan at kapahamakan Chris at subok ko na 'yan. Noong magkasintahan palang kami ng aking asawa ay nanaginip ako ng ganoon din. Sumaya ako, dahil lalong lumakas ang loob ko na siya talaga ang para sa akin. Pero dumaan ang napakabilis na araw mula noong kinasal kami ay ganoong bilis rin na ninakaw niya ang aking alkansya at nawasak na ang pinangarap kong pamilya."
Napabuntong hininga na lang ako sa mga bagay na sinasabi niya sa akin ngayon lang.
"Iho, pahalagahan mo ang totoong nagmamahal sayo. Baka na-iinfatuate ka lang kay Amara at iho, lagi mo itong pakatatandaan. Kahit makasal ka pa kung sino man ang totoong maibigan mo, mayroon laging nakahihigit. May dadating na mas maganda, mas matalino at mas kagusto-gusto. Kaya aralin mo na maging tapat sa magiging ka-partner mo kung sakaling nakapili ka na ng mamahalin."
May punto naman siya. Pero bakit bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya. Parang may hindi magandang mangyayari!
"Sir Chris, tawag po kayo sa office room ni sir Marcelo." Bigla sabat ng aming kasambahay.
"O sige na Chris, lalabas na muna ako at mamalengke rin kami ngayon sa bulungan. Umakyat ka na sa itaas sa daddy mo." Tumungo na lang ako at umalis na siya sa aking kwarto.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko pero hindi ko na lang 'yon masyadong pinansin pa dahil dala lang ito sa itim na wedding gown ng panaginip ni mang Tadeo noong siya'y na-ospital.
Umakyat na ako sa taas tulad ng ibinilin ng aming kasambahay.
"Dad, tawag mo daw ako?" napansin ko rin ang lalaking nakatalikod sa pagkakaupo.
"H-have a seat son."
Nang makita ko ang lalaki, halos matunaw na ako sa kinatatayuan ko.