CHAPTER 1

1207 Words
Chris POV Hindi pa rin ako makapaniwala, na ang pinakapihikan sa babae sa amin, walang iba kundi si Rumir ay talagang ikinasal na. Ikinasal na si Rumir Excel Montano. I am deeply happy with his present life now. Pero hindi ko rin maiwasan na hindi makaramdam ng kaunting lungkot. Sa buong buhay ko, kaming apat ay talagang hindi maipaghiwalay basta-basta because of the deep closeness we have. We have strong bond of friendship, it's like that they were my true brothers in different mothers. Having mixed of emotions, napalagok na lang ako bigla sa aking inuming drinks habang paikot ikot dito sa wedding reception nila Rumir at Rain. Masaya sila ngayon na nagsusubuan ng kanilang malaking wedding cake na kasama sila Rocco at Reese. Pagkatapos ay sumayaw sila sa malawak na dance floor kasama ang dalawang magugulo at napaka-cute nilang magkambal. They truly deserve this kind of great happiness lalo na't dumaan sila sa napakarami at napakatinding pag-subok along their relationship. Napakasarap nilang pagmasdan, nakaka-inggit nga lang. Ako kaya, mararanasan ko pa ba ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko? Na ikasal sa babaeng mahal ko? Kailan ko pa ba matututunan ang umibig ng totoo? "What a stubborn heart Chris!" lagok ko muli sa aking inumin. "O, bakit ka nakatulala diyan Chris? Mukhang kinakausap mo na naman ng masinsinan ang sarili mo ha?" panimulang tanong ni Allen sa akin at tumubi sa aking pagkaka-upo. "W-wala. Ang ganda lang ng love story ni Rumir at Rain. Hindi lang ako makapaniwalang -- ikinasal na talaga silang dalawa." Pagsisinungaling kong dahilan sa kaniya. "I know! Eh napakamapili niyan ni Rumir!" sabat naman ni Lexter sa pag-uusap naming dalawa ni Allen. "No Lexter. Hindi pihikan si Rumir, kundi hinintay niya lang talaga si Rain. Besides, walang ibang minahal si Rumir kundi si Rain lang naman buong buhay niya." Malumanay naman na sagot ni Allen. "I had a wrong thought Allen! Akala ko pa naman ay siya ang huling makakapag-asawa sa ating apat! 'Yon pala ay siya pa ang mauuna!" saad ni Lexter at maging siya ay napalagok na lang muli sa kaniyang kinauupuan. "Parehas tayo ng iniisip Lexter. Well, iba kumilos ang tadhana eh. Siya ang may control ng lahat at heto, kasal na talaga ngayon ang isa sa ating matalik na kaibigan." "Pasampal nga ako ulit kong -- " hindi pa man siya tapos magsalita at dumapo na sa kaniya ang malapad at mabigat kong kamay. "Sh*t. Ang sakit talaga ng sampal mo!" napahawak na lang siya sa kaniyang namumulang pisngi. "Sayang, naunahan mo 'ko Chris. Kanina pa naman din ako nag-aabang sa inyong dalawa kung sino ang magtatanong ng ganiyan! Hahaha!" halakhak ng isang kasama ko. Maging ako ay napatawa rin dahil sa ingat na ingat ako na magsabi ng gano'n. Hobby kasi talaga namin ang magsampalan lalo na kung hindi pa nagsy-sync in sa amin ang mga bagay-bagay. "Pero seryoso ha. Chris, Allen, hindi pa rin ako makapaniwalang bawas na tayo ng isa." "Tama ka diyan Lex.Pero ang mahalaga naman ay mahal nila ang isa't isa at nasa ligtas na silang pamumuhay. Ang tanong diyan ay, sa ating tatlo, who will be next?" intrigang tanong ni Allen at tumingin ng masinsinan sa aming dalawa ni Lexter. "Next ikasal?" pagliliwanag ko namang tanong sa kaniya. "What the hell Chris. Marriage of course! Ikaw siraulo ka talaga! Ganiyan ka ba ka allergic pag-usaping kasalan na? Huh?" "Wala, wala hahaha. Sinisigurado lang eh. Hmm, sa tingin mo Allen, sino na sa ating tatlo ang isusunod na ikakasal?" "Who knows? Baka si Lexter na ang susunod!" "What a joke Allen. Ako na naman ang nakita niyong dalawa. Well, kung pwede lang! Kaso malabo pa talaga kami ni Shasha. Ang dami pa niyang inaasikaso, marami rin akong inaasikaso. Masyado pa kaming maraming ginagawa at priority sa buhay. Pero don't worry, bantay sarado naman ang isang 'yon sa akin eh. Baka si Chris Isaac Monreal na ang isusunod ikakasal!" "Damn you guys. Sa akin na naman huminto ang mga mundo niyo. Hindi pa ako magpapakasal. Hindi pa. Not now, not tomorrow -- and maybe not soon?" "Ano bang sinabi mo Chris? Eh 'di ba napasagot mo naman na si Carmela? 'Yong three years mo ng secretary? Tsaka one year engaged na kayo. Huwag mong sabihin na wala lang sayo ang relasyon niyong dalawa ni Carmela?" "Hm--mm." "Hayop ka talaga Chris. Pwede ba itigil mo na 'yang pangbababae mo at mag-focus ka na lang sa isa? Kailan ka ba titigil? Porke ba kamukha mo si Zayn Malik sa kagwapuhan ay habang buhay ka na lang mangbababae? Huh?" saad naman ni Allen. Hindi ko alam pero parang nakakaramdam na ako ng pressure sa mga kasama ko ngayon. Parang naririnig ko na ang boses ni mommy at daddy dahil sa mga pagsesermon nila sa akin. "Hey, pwede ba Lexter, Allen, supurtahan niyo na lang ako? We only live once kaya -- kaya we should enjoy first our twenties -- before -- before marrying someone." "Bahala ka sa buhay mo Chris. Swear, makakahanap ka rin ng katapat mo." Pangangasar pa sa akin ni Allen. Habang umiinom ng drinks, nalingat ang aking mata sa babaeng 'di kalayuan. "Allen, 'di ba ikaw ang nakakakilala sa babaeng 'yon?" itinuro ko ang aking tinutukoy at tiningnan niya rin 'yon kaagad. "What now Chris ha?" kunot noong tanong ulit ni Lexter. "Hahaha, bawal na ba magtanong ngayon Lex?" saad ko sa kaniya at humawak sa kaniyang balikat. "Hey Allen, sino siya?" napabuntong na lang sa paghinga ang mga kausap ko dahil sa iniisip na naman nilang nangbababae ako. Well, tama. Tama naman sila sa part na 'yon. "Si Amara. Amara Antoinette Garcia." "Woah, alam mo talaga ang buong pangalan niya?" manghang usal ko sa kausap at napalagok muli sa aking drinks. "Well, his father has a big company in Mandaluyong." "Y-you mean Mr. Ronaldo Garcia?" "Ahuh. Kaya huwag kang paloko-loko Chris." "Ano na naman ba? Bawal na ba talaga ako ngayon magkaroon ng bagong kaibigan ha? Haha!" saad kong halakhak sa kanila. "Teka Allen, 'di ba siya ang nag-organize ng mga bulaklak sa park? Siya rin ang nag-set up dito sa wedding reception 'di ba?" "Yup Lex. All we see here is behind her great idea. She did this all wonderful flower arrangements in just a short period of time." Napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Allen. Bigla akong na-curious at napatanong bigla. "May ari ang daddy niya ng kompanya 'di ba? Bakit nag-aayos siya ngayon ng bulaklak?" "Well, hiwalay na ang parents ni Amara. Her mom name is Lucia, may business at malaking flower plant sa Baguio." Napa-intriga ako sa mga narinig ko kaya nagtanong pa ako ulit sa kaniya. "K-kaya pala hindi ko pa siya nakikita. Daddy niya pa lang ang nakikita ko sa mga meetings eh. May idea ka ba -- kung bakit gano'n ang gusto niya?" "Actually natanong ko na siya minsan sa bagay na 'yan. Pero mukhang gustong gusto niya talaga ang ginagawa niya at ayaw ang buhay na mayroon sa opisina." "I-I see." I won't lie. I felt so intrigued and interested at the same time dahil sa mga sinasabi ngayon ni Allen tungkol kay Amara. Amara Antoinette Garcia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD