CHAPTER 2

1104 Words
Chris POV Mag-aalas osto na ng gabi, paunti unti na rin humuhupa ang mga tao dito sa wedding reception sa mansyon ng mga Montano. Dahan-dahan na rin nagpapaalam ang mga bisita sa dalawang bagong kasal. "This is the sweetest day of the year guys." Saad ng isa sa aking kasama. Bago tuluyan ng umalis, naghihintay na lang kaming tatlo dito sa upuan para ulit bumati sa kaniya maging sa asawa niyang si Rain. Habang nag-aasaran, biglang lumapit ang anak nilang si Reese sa amin, may dala dalang maliit na baso. "Hi, baby Reese!" bating saad sa kaniya ni Lexter. Bahagya naman siyang napatago sa aking tagiliran marahil natakot ng kaunti sa malakas na boses ng kasama ko. "Lexter, pwede ba bawasan mo 'yang lakas ng pagsasalita mo. Natatakot sayo ang bata eh." Usal naman na kalabit sa kaniya ni Allen. "S-sorry baby Reese. B-bati tayo ha. Peace." Saad niya sa bata pero hindi na siya pinansin pa. "Baby Reese, do you need anything?" lumuhod akong bahagya at tinanong ko muli ang bata. "Tito Chris, can I have one glass of water? Please?" "Sure, wait ka lang muna dito kasama sina tito Lexter at tito Allen mo ha." Ngiting sabi ko sa kaniya at kinuha ang kaniyang maliit na baso. Pagkasalin ko ng kaniyang iinumin ay bumalik na ako sa lamesa kung saan siya payapang naghahantay. "Here's your water baby Reese." "Thank you po so much." Kinuha niya ang tubig at agaran iyong ininom. "Tito Chris, I'm so happy." Saad niya at umupo na muli. Kaharap niya kaming tatlo ngayon sa lamesa. "Why baby Reese?" "Because finally, I've already have a dad. I and Rocco have a dad now and our family won't seperate anymore. Dati kasi, paulit ulit na tanong namin 'yon kay mommy kung nasaan ang daddy namin pero hindi naman niya kami sinasagot." "Don't worry baby Reese dahil maging kami ng mga tito mo ay hindi na papayag na magkawatak watak na naman kayo." "And sabi pa pala ni daddy sa akin ay ikaw, si tito Lexter at tito Allen ay pwede ko rin daw na maging pangalawang daddy." "Of coarse baby Reese. You and Rocco always have us three. We are your fairy god father's." "Really tito Chris? Does it mean you can do impossible things! Anyway tito -- you look like Zayn Malik -- who sang A Whole New World! May magic din po ba kayo tulad ni Alladin!" "Yes! Hmmm. Ano ba kasi ang gusto ng baby Reese na 'yan?" "Kasi tito Chris, mommy said yesterday that she's pregnant again. And another twin." "And what about it?" tanong ko habang umiinom ng malamig na tubig. "Can you get out the baby tonight?" bigla ako nabilaukan habang umiinom. Pinunasan ko naman kaagad ang aking bibig, maging ang natapong bahagi sa aking coat. "B-baby, you have to wait nine months -- to meet your younger twin brother or sister. Don't worry, mabilis lang naman ang araw. Makikita at makakalaro mo rin sila finally." "What? Why? Why do I have to wait that long? I thought you can do impossible things, then why can't now! I badly want to meet our another twin!" saad niyang may pagkadismaya sa 'kin. Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kaniya, at ang walang hiyang Allen at Lexter! Imbis na tulungan akong magpaliwanag ay pinagtawanan lang ako sa gilid! "Anong pinag-uusapan niyong dalawa huh?" sabat ni Rumir na kakalapit lang sa table namin. "Daddy! Tito Chris is a liar! 'Di ba bad 'yon? Tito Chris your not nice!" napatingin naman sa akin bigla si Rumir. "Love, Rocco is looking for you over there. Common, go to him." Pinunasan niya ang kaniyang luha at tumungo na sa kaniyang kuya. "Ano na naman ang ginawa mong kalokohan Chris?" sambit ni Rumir na pinaliit pa ang kaniyang mata. "May pa god father kapang nalalaman diyan Chris ha! HAHAHA!" pangangasar naman sa akin ni Allen na halos hindi makahinga dahil sa paghagikgik. "Haha, ano ba kasi ang itinanong ng anak ko sayo?" "Paano ba naman, gusto na niyang makita ang pangalawang kambal niyo. Eh wala naman akong magic." "Sus, pero sa mga babae, lakas mong mag-magic." "Shhh. Kay Reese lang tayo nag-uusap 'di ba? Hahaha." Ang asarang pag-uusap namin ay napunta na naman sa dramahang moment naming apat. "Guys, thank you for being here, for being my bestman -- to my very memorable and unforgettable wedding." "Nagka-asawa ka lang Rumir, ang drama mo na sa amin, hahaha." "Chris, magiging madrama ka na rin siguro kung ikakasal ka na." "What? Ikakasal si Chris? Ni hindi nga marunong mag-handle ng bata! HAHAHA! " pangangasar pa sa akin Lexter. "Hmmp! Atleast ako kinausap ko. Eh kayo nga diyan tahimik lang eh! Kayo ang hindi pwedeng magka-asawa! Hahaha!" "Edi ikaw na ang malapit ikasal! HAHAHA!" si Allen naman ang nangasar sa akin. Nahawaan na talaga siya sa tawang mayroon si Lexter! "Again, congratulations sayo 'tol Rumir." Biglang lungkot na saad naman ni Allen sa kaniya. "Masaya ka ba o malungkot?" "Hmm. Pwede dalawa? Teka nasaan si Rain?" "Nasa itaas na, pagod kaya nauna na munang magpahinga. Anyway, bakit ka ba nalulungkot?" "Syempre mababawasan na ng isa." Pagsisingit naman ni Lexter. "Mababawasan ng isa? Ano bang pinagsasabi niyo?" "Syempre, hindi na kami ang priority mo. Kapag may gimik, baka hindi ka na makasama." "Hey, pwede ba huwag na kayo malungkot? Promise, gagawin ko pa rin ang best ko, na makasama ko kayo." "Ito si Rumir, porke kasado na ay hindi na pwedeng mabiro. Pamilyadong tao ka na kaya we understand kung hindi ka na makakasama sa mga susunod na biglaang outing. Ayaw rin naming awayin kami ni Rain no! HAHAHA!" "Congratulations ulit 'tol. We love you. Mahal ka namin pati si Rain. Ingatan mo ang asawa mo, okay? Kundi nako kawawa ka sa aming tatlo." Saad ni Lexter at yumakap na sa kasama. "'Tol, mag-iingat kayo palagi. Mahal kita, kayong lahat sa pamilyan mo and best wishes again sa inyong dalawa ni Rain." Yumakap din si Allen sa kaniyang kausap. "At sayo Chris, ano naman ang magandang maririnig ko sayo? Huh?" Hindi naman ako nakapagsalita kaagad at isinampay muna ang coat ko sa aking balikat. "Hmm. No words can express, how exactly happy I am today dahil sa buo na ang pamilya mo 'tol. Tandaan mo, lagi kami nandito para sa 'yo, sa inyong lahat maging ng mga anak mo. We're always two steps behind you." Saad ko at huli ng yumakap sa kaniya. Nag-group hug kaming lahat at pumunta na sa kaniya-kaniya naming mga sasakyan at nilinisan na ang wedding reception venue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD