Chris POV
Tinatahak ko na ang daan pauwi sa aking condo. Same-same na naman ang ganap ko sa buhay dahil back to reality na naman bukas. Habang nagmamaneho ay biglang vibrate ang aking telepono. It's mommy calling me.
"Yes mom?"
"Pauwi ka na ba sa condo mo?"
"Yes, I’m on my way home. Kayo ni dad? Nakauwi na ba kayo?"
"Oo, sobra naming na-enjoy ng daddy mo ang wedding nila Rumir at Rain. Naalala naming dalawa ang kasal namin noong araw."
"I know, ang ganda rin ng pagka-set up ng park kung saan sila ikinasal maging sa wedding reception sa mansyon ng mga Montano."
"Yes anak. Actually I've already met the girl who arranged the event so well."
"Y-you mean -- Amara?" utal kong usal sa kaniya habang nagmamaneho pa rin.
"Yes siya nga. I already got her calling card para sa birthday ko next month."
"A-alright."
"Ingat son at mag-update ka sa akin kung nakarating ka na sa condo mo. Love you!"
"Copy mom, love you too." Pagkababa ko ng tawag ay muli na namang nag-vibrate ang aking cellphone.
"Yes, hello?"
"Hi!"
"Oh si Sandra ba ito?"
"No, it's Gina! Silly!"
"Ohh. Oo, of course it's you Gina! Yes Gina napatawag ka?"
"Gusto ko lang sana malaman kung nakaalis ka na ba sa venue?"
"Y-yes nakaalis na."
"Alright. Take care baby boy."
"Take care also, baby girl."
Pagkababa ko ng tawag ay bigla na namang nag-vibrate ang aking telepono.
"Chris!" teka, kanino na naman kaya 'tong boses?
"Hi, may I know who's this?"
"Is this Chris? The hot man I've met at the venue and the look like twin of Zayn Malik?"
"I'm flattered. Yes it's me speaking."
"Ano kailan tayo lalabas?"
"T-text na lang kita kapag may free na ako."
"Alright. Asahan kita yummy babe."
"Hahaha, okay."
Just the same scene, kapag may natatapos akong call ay may pumapasok na naman sa aking linya. Ilan ba ang nakausap kong babae kanina? Bente? Trentra? O singkwenta!
"Hello Chris!"
"Hi! M-may I know if who's this?"
"Bilis mo namang kalimutan ako! Kausap mo lang ako kanina sa venue eh!"
"J-janna?"
"Anong Janna! It’s me Jhendel!"
"Oh, I'm sorry. H-hindi yata nag-record sa phone ko -- ang cellphone number mo Jheca."
"Anong Jheca? JHENDEL NGA ’DI BA? BABAERO! MAMATAY NA SANA ANG LAHAT NG BABAERO!"
At sa bilis ng pangyayari, isang napakaliwanag na ilaw ang nakita ko. Ganoong katulis din siguro ang dila niya dahil papasalubong na sa aking daan ang napakalaking track.
ALLEN'S POV
Wala na akong sinayang pa na oras, dali-dali na akong pumunta kung nasaan naka-admit ngayon si Chris. Tinawagan ko na rin kaagad agad si Lexter at sinabi sa kaniya ang karimbal-rimbal na aksidente.
Pagkapasok ko sa ospital ay buong lakas akong tumakbo papalapit sa lobby nurse.
"I'm Allen. Nurse, saan po ang kwarto ni Chris Isaac Monreal!"
"S-sir, nasa emergency room po siya ngayon. Maghintay na lang po muna kayo diyan para sa update."
Sa tinding kaba ko ngayon, ni hindi ko na kayang umupo sa mga bench dito. Nakatayo lang ako at paikot ikot sa paglalakad.
Nako yari na. Hindi ko pa naman pwedeng tawagan ang magulang niya dahil una, high blood si tito Marcelo at takot na takot sa dugo si tita Glinda. Kami na lang munang bahala ni Lexter ang mag-handle sa kaniya ngayon.
Habang sumisilip sa kwarto kung nasaan ngayon si Chris, bigla namang nag-ring ang telepono ko.
"Hello Allen, nasaan ka na!"
"Nasa emergency room si Chris, h-hindi pa stable."
"ANO! Sandali, parking lang muna ako! Hintayin mo 'ko diyan!" saad niya at pinatay na ang tawag. Ilang sigundo lang lumipas ay dumating na rin siya kung nasaan ngayon si Chris nakaratay.
"’Tol ano raw ang nangyari!"
"H-hindi ko pa alam kung paano nangyari sa kaniya 'to Lex."
"Hindi naman umalis si Chris ng lasing ’di ba!"
"Wine lang naman ang nandoon Lexter at wala namang nalalasing sa wine. At sa mokong pa na 'to? Eh ang taas-taas ng alcohol tolerance ni Chris."
"Ano ang sabi ng doctor? May sinabi na ba ang doctor!"
"Hindi pa siya lumalabas. Hintayin na lang muna natin siya dito."
"Teka alam na ba ito nila tita Glinda!"
"H-hindi pa."
"Baliw ka ba? Dapat tinawagan mo dahil -- "
"Para? Oo anak nila ang nasa bingit ngayon sa kamatayan pero papayag ka ba na may iba pang mapahamak ng dahil sa labis na pag-aalala? High blood si tito Marcelo at may fear of blood si tita Glinda. Tayo na muna ang mag-handle nito Lex." Napahinga na lang siyang malalim at sumuntok ng malakas sa pader.
"I’m assuming that you already called Rumir." Inobserbahan niya ang mukha ako at mas lumapit pa sa akin.
"H-huwag na dahil -- " hindi na ako natapos sa pagsasalita ng bigla na niya akong kinunwelyuhan.
"BAKIT ALLEN! Ikinasal lang siya pero tandaan mong kasama pa rin siya sa barkada natin!"
"Alam ko naman 'yan Lex! Kaya lang isipin din natin na crucial ngayon ang pagbubuntis ni Rain! Kambal ang dinadala niya baka nakakalimutan mo! Bago rin silang kasal ngayon at kung kailangan natin siya dito, mas kailangan siya ngayon ni Rain!" pinakawalan niya ako at napilitan na lang muna siyang napaupo na sa kabilang side ng aisle.
Sobra kaming stress-out ni Lexter ngayon na halos dinig na namin ang mga t***k ng puso namin. Mabuti na lang at lumabas na ang doctor sa wakas.
"Kapatid ba kayo ni Cris Isaac Monreal?"
"More than brothers. Ano na po -- ang balita Doc. Max?" halos nginig na tanong ni Lexter sa kaniya.
"Okay na si Chris. Pero kailangan pa rin natin siyang antabayanan para sa kaniyang vitals. Maswerte siya, mukhang may plano pa talaga ang Diyos sa kaniya."
"A-ano po ang ibig sabihin niyo Dr. Max?" ako naman ang naglakas loob na magtanong sa kaniya.
"Ang sabi sa akin ay yuping yupi na ang sasakyan niya noong naabutan siya ng ambulance. Magpasalamat na lang tayo dahil hanggang ngayon ay tumitibok pa rin ang puso niya."
"T-thank you po Doc. Max sa magandang balita."
"Walang anuman. Pwede niyo na rin tawagan ang mga magulang niya. Please update them regarding this dahil they have the right to know this situation right away."
"M-masusunod po."
"Maiwan ko na muna kayo." Saad niya at lumakad na. Si Lexter naman ay agad na rin tinawagan sina tito Marcelo at tita Glinda.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Regalo pa naman ang sasakyang ’yon ng kaniyang ina noong siya'y highschool pa. Pero ang pinakamahalaga ngayon ay buhay pa at humihinga ang matalik naming kaibigan na si Chris Isaac Monreal.