CHAPTER 4

1105 Words
Amara's POV Narito na naman ako sa ospital dahil tuwing sasasapit ang ikatlong linggo ng buwan ay chemotherapy na naman ni mama. "Mama, malapit ka ng gumaling!" saad kong masaya sa kaniya sabay abot ng kaniyang paboritong prutas, walang iba kundi ang mangosteen. "Oo nga naman Lucia! Malapit ka ng gumaling! Breast cancer lang 'yan at mas malakas ka pa diyan!" saad naman ni tiya Amie na matagal na naming kasambahay. Dalawang taon ng nadiagnose sa sakit na breast cancer si mama. Mabuti na lang at naagapan naman ito kaagad, dahil kung hindi, tiyak na aakyat na sa stage four ang kaniyang cancer sa dibdib. "Lalabas na po muna ako, kukunin ko lang po ulit sandali ang result sa lab test ni mama. Aakyat rin po ako kaagad tiya Amie pagnakuha ko na." "Sige, sige iha nang makabalik ka na rin kaagad dito." "May gusto ko bang kainin mamaya 'ma? Para makabili na rin ako sa labas?" "Huwag ka ng bumili Amara dahil may iniluto naman na ako bago tayo pumunta dito." Saad naman ni tiya Amie. "Ahh, sige po. Lalabas na po muna ko 'ma, tiya." Saad ko at lumabas na ng pinto. Bago bumaba ng hagdan, napansin ko ang isang lalaking nakaratay na katabi ng kwarto namin dito sa fourth floor. Imbis bumaba na ng hagdan, nakuha ko pang pumasok sa loob ng kwarto niya. "Oh my!" napatakip ako bigla ng aking bibig ng makilala ko ang kaniyang mukha. "A-anong ginagawa mo rito -- Chris Isaac Monreal?" Hindi ako makapaniwala. Kanina ay kinasal lang ang kaibigan niya at masaya siyang lumilibot doon. Pero ngayon, nakaratay na siya dito sa hospital bed. Lumapit pa ako ng mas malapit sa kaniya kaya mas naaninag ko pang mas malinaw ang kaniyang mukha. "Alam mo Chris Isaac Monreal, hindi ko alam ha. Nakausap ko kanina ang mommy mo. Napakabait niya, at sa akin pa daw siya o-order ng mga bulaklak na gagamitin niyang birthday party next month." "Mabait ang mommy mo, how come naging babaero ka? Sa dami ng bulaklak na inayos ko kahapon ay ganoon din karami ang babaeng hinarot mo ngayon. Maybe this is the time na kailangan mo ng magbago." "Pero hayop ka ’di ba? Naalala mo noong grade four pa tayo? Binigyan mo ako ng love letter pero pati pala kabilang section ay binigyan mo rin. Siraulo ka talaga. Nasa dugo mo na talaga ang pagiging babaero mo." "O ha, saan ka ngayon. O ano? Ano? Saan ka pinulot ng pagiging babaero mo? O ’di ba sa hospital bed? Wala na yatang gamot diyan sa kati mo eh." "O baka sinasabi mong immature ako? Kasi grade four pa tayo no’n pero binabalik ko na parang kahapon lang ang nangyari? Eh paanong hindi! First time kong makatanggap ng love letter that time tapos budol agad mula sa isang Monreal!" "Alam mo ba na simula noong binigyan mo ako ng love letter, I mean babaero letter, minalas malas na ako sa pag-ibig? Buti na lang at mayroon na akong Greg ngayon na mahal ako. Blehh." Para ako ngayong tanga na nakikipag-usap sa taong walang kamalaymalay ni hindi ko nga alam kung naririnig ba niya ako o hindi. "Hi, kayo po ba ang girlfriend ng patient?" biglang tanong ng nurse sa aking likuran. Para akong naging bato sa kinatatayuan ko dahil hindi ko man lang siya namalayang pumasok kakausap sa mokong na 'to. Mukhang mapapahamak pa ako ha! Magpapanggap na lang muna ako dahil baka mamaya ay makasuhan pa ako ng trespassing! "O-opo." "Okay po. Ma'am stable na po si sir Cris. Wala pong kahit anong fracture sa mga buto niya, maging sa lahat ng ct scan niya. Mapalad po si sir dahil nakaligtas siya sa matinding trahedya. Mukhang kayo po ang anghel na nagpagaling sa kaniya." "H-huh?" "Ay sandali ma'am, puntahan ko lang po sandali ang kabilang patient. Wait na lang po muna kayo kay doc." "S-sige." Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Binalikan ko muli si Chris at tinitingnan kong may malay na siya. "T-thanks God at tulog pa ang isang 'to." "Anong ginagawa mo dito Amara?" "D-doc Max." "Kilala mo ba ang patient?" "H-hindi po. N-nandito po ako para magpaalam na sa inyo. Lalabas na po kasi si mama ulit mamaya, d-doctor Max." Pagsisinungaling ko sa kaniya. "Gano’n ba, mabuti naman kung gano’n. Sabihin mo sa kaniya na magpatuloy lang siya sa pag-inom ng kaniyang mga gamot, maging ng mga natural remedies. Magpakulo rin ng mga halamang tanyag sa mga bitamina at antibiotic." "C-copy po doc. L-labas na po pala ako." "Sige Amara, mag-iingat kayo ng iyong ina pauwi." "Ay doc, bakit po bayad na ang bill namin this month sa chemotherapy ni mama?" "Mukhang hindi pa nasabi sa iyo ng daddy mo. Binayaran na ito ni Mr. Garcia." "A-ahh. Sige po doc!" saad ko ng may rumaragasang babae na papasok sa silid. "CHRIS! Kumusta na siya doc!" "Carmela? Ikaw ang girlfriend ni Chris ’di ba?" "Opo! Kumusta na po ang lagay niya!" saad niya na dahilan ng paglaki ng mga mata ko! "Akala ko ba ay naipaliwanag na sayo ng nurse?" "Ang alin doc? Kakarating ko lang!" habang nag-uusap sila ay lumabas na ako ng pinto. Halos kainin na ako ng lamig dahil sa tinding kaba na nararamdaman ko ngayon! Nakuha ko na ang labtest result sa baba at paakyat na muli sa kwarto. Pahakbang na ako sa ikaapat na palapag at pilit pa rin pinakakalma ang sarili dahil ang kaba ko ay ramdam na ramdam ko pa rin. Nang nakarating na ako sa fourth floor ay agaran na akong lumakad takbo para makapunta na agad kung nasaang kwarto sila mama. "O anak, okay ka lang ba? Bakit mukhang may humahabol sayo?" "W-wala ma." "Hay nako, hindi ka pa rin talaga nagbabago Amara. Simula bata ka, hanggang ngayon na dalaga ka na ay takot ka pa rin talaga sa multo." "H-hehe. O ano, naka-ready na po ba kayo?" "Oo, pwede na tayong umalis dito." Saad ni tiya Amei at binuhat na ang ilang gamit ni mama. Nai-upo na rin sa wheelchair si mama para hindi siya mahilo sa paglalakad. Pagbaba ng hagdan, nasalubong namin sina Lexter at Chris, mukhang nagtake-out lang sandali ng kanilang pagkain. Niyoko ko ang aking ulo dahil baka mamaya ay makilala nila ako. Hindi na kasi ako nakatitiyak kung narinig ba ako o hindi ni Chris kanina, habang kinakausap siya. Salamat na lang talaga dahil kahit gumugulo siya sa isip ko habang nagmamaneho ay nakauwi pa rin kaming ligtas at payapa sa aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD