CHAPTER 18

1117 Words
Chris POV Kung hindi pa rin maalis ang tingin ni mommy kay Amara, dahil sa gulat na tagapagmana pala siya ng Garcia Group, pwes ako naman ay hindi makapaniwalang binenta niya na ang malaking flower plant sa Baguio. "Mamaya ka lang sa akin Amara." Taimbagang saad ko sa sarili. Umikot pa ang sampong minuto ay dahan-dahan ng dumadating ang napakaraming bisita ni mommy, three hundred guest to be exact. Kasama ang barkada, palingat-lingat ako ng tingin sa paligid kung nasaan na posibleng nagpunta si Amara, pero bigo akong makita siya kahit saan. "'Tol, kamusta ka na?" panimulang tanong sa akin ni Allen. "Same pain of yesterday." Sagot ko sa kaniya at napabuntong hininga. "Nasabi na ng dalawa sa akin ang problema mo. Mukhang napakahirap ng sitwasyon mo ngayon Chris." Usal naman ni Rumir sa akin. Habang kausap sila at patuloy pa rin ako sa paglingat-lingat sa paligid, umaasang makikita ko na si Amara. "Looking for me?" tumingin ako sa likod ko pero it's not who's I've expected. "Bakit ganiyan ka na makapulupot sa kaniya ngayon Carmela?" prangkang tanong sa kaniya ni Rumir. "Well, hindi ba pwedeng natutunan ko na siyang mahalin ngayon?" bigla akong nawindang sa sinabi niya maging ang tatlong kasama ko. "Rumir, sa susunod na kaming buwan ikakasal ng kaibigan mo. Masaya at excited ka ba para sa amin?" "Hindi." Tipid na sagot ni Rumir dahilan ng pag-iba ng mukha ni Carmela. "Si Carmela naman, hindi mabiro. Niloloko ka lang niyan ni Rumir eh." Pagsisingit at pilit na pagtatakip naman ni Allen sa kaniya. "Isayaw mo ako Chris." Iniangat niya ang kaniyang kamay at hinintay niyang hawakan ko siya. But no, I can't dance with her. Lalo pa ngayon na may nararamdaman na pala siya para sa akin. Sa halip na ako ang humawak sa kamay niya ay si Allen ang gumawa ng sa gayo'n ay hindi siya mapahiya at magalit. "Ako na muna ang isayaw mo Carmela at ihuli mo na ang gwapong utol ko na si Chris." Salamat na lang talaga at pumayag naman siya sa pag-alok ni Allen sa kaniya. "'Tol, ano ang gusto mong gawin ko." Panimulang tanong ni Rumir no'ng nawala na ng dalawa sa harap namin. "Bakit mo ako tinatanong 'tol. Mismong ako nga ay hindi ko alam ang gagawin ko." "What the heck. Paano kong maisingit ni tita Glinda mamaya ang tungkol sa nalalapit niyong kasal ni Carmela?" Tumaas bigla ang mga balahibo. Dahil doon ay may naisip na akong paraan. "May idea na ako." Mas lumapit pa ang dalawa sa akin para marinig nila kung ano man ang posibleng ibubulong ko. "Copy 'tol." "Alright, ako na ang bahala Chris." Sagot ng dalawa at ako, pilit na hinahanap na rin si Amara. I looked outside pero wala siya, lalo na na mas lumakas pa ang ulan. Nakita ko rin ang sasakyan niya sa labas, kaya mas lumakas pa ang pakiramdam ko na nandidito pa rin siya sa mansyon. Kalahating oras ang tumagal, hindi ko pa rin nakikita Amara, kaya nagdisisyon na lang akong bumalik na sa party ni mommy. "'Tol, nasa akin na ang lahat ng invitation ng kasal niyo." Saad sa akin ni Lexter. "Papakiramdaman ko na lang muna si tita Glinda. Ngayon kung sa tingin ko ay sasabihin niya na 'yon, ako na ang bahalang magpatay ng plaka." Saad naman sa akin ni Rumir. "'Tol, ikaw na ang maghawak nito kung saan mo 'to itatago." Iniabot niya sa akin at pilit inilagay lahat sa loob ng coat ko ang mga wedding invitation. "Sige na 'tol, hanapin mo na si Amara. Huwag mo rin isipin si Carmela dahil si Allen na ang bahala doon." Tumungo na lang ako bilang pagtugon sa kanila. Napatingin din ako kay Allen at itinaas niya ang kaniyang isang kilay sa akin, hudyat na siya na ang bahala kay Carmela. "Saan ko naman kaya ilalagay 'tong invitation? Ahh, sa kwarto ko na lang." Binaybay ko na ang kwarto ko dito sa ibaba. Nang hindi ko inaasan, nakita ko bigla si Amara at mukhang naliligaw siya. "Hmm. Are you lost baby girl?" "S-saan ang daan -- pabalik?" "Dito." Madalim ang dulong bahagi ng mansyon kaya napapasok ko siya sa kwarto ko. Ng maisigurado ko ng naka-lock na ang pintuan, tsaka ko na binuksan ang ilaw. "T-this is your bed! THIS IS YOUR BEDROOM CHRIS!" "Kanina pa kita hinahanap Amara. We have to talk." "Chris, wala na tayong dapat pag-usapan pa." Isinirado ko ng maigi ang aking pintuan ulit. Papalapit ng papalapit ako sa kaniya at paatras ng paatras naman siya hanggang sa umabot na siya sa aking malaking kama. "Chris, palabasin mo na ako. May -- pupuntahan pa kami ni Lyka." "Sa Pasay ba?" biglang nanlaki ang mga mata niya. "Wala ka ng pakialam kung saan man ako nagpupunta punta." "Kung hindi pa sinabi sa akin ni mang Tadeo na nakita ka niyang sumusuka sa daan kasama si Lyka ay hindi ko pa malalaman na nagba-bar ka na!" "At ano ang ikinagagalit mo? Ikaw lang ba ang may karapatan! Kung kaya mong mangbabae, pwes kaya ko rin manlalaki!" uminit bigla ang tainga ko sa sinabi niya kaya ibinuhat ko siya at ibinagsak sa aking kama. Hindi ko rin maiwasan na hindi mag-init sa kaniya lalo na't naka sexy spaghetti dress lang siya at hanggang hita niya lang ang haba. Hinawakan ko ang kamay niya at pumatong sa harap niya. "Chris, please tigilan mo na ako!" "Pwes kung gusto mo talagang tigilan na kita, sabihin mo munang hindi mo ako mahal!" napakalapit na ng mga mukha namin at nakadagan ako sa buong hita niya. "M-mahal ko si Greg!" "Hindi 'yan ang sinabi ko Amara! Ang sabi ko ay sabihin mong hindi mo 'ko mahal!" "H-hindi tayo pwede." Kumalma na siya at biglang tumulo ang kaniyang luha. "Ikakasal ka na Chris." "Edi makikipaghiwalay ako kay Carmela!" "Pero ikakasal na rin ako kay Greg." "A-ano?" "You heard me. K-kaya please, bitawan mo na ako Chris." "I-ikakasal ka na sa kaniya?" tumulo na bigla ang mga luha ko sa pisngi niya. "Hindi mo ba naiintindihan Chris? Hindi tayo para sa isa't isa!" "Tsaka lang ako maniniwala kapag nagawa mo na muna ang gusto ko! Sabihin mo muna sa pagmumukha ko na hindi mo ako mahal!" tulad niya ay sunod-sunod na rin pumapatak ang mga luha ko. "H-hindi kita mahal." "Sabihin mo ng nakatingin sa mga mata ko Amara!" "H-hindi kita -- " hindi na siya natuloy pa sa pagsasalita dahil sa namatay na bigla ang ilaw. Mukhang ginalaw na ni Rumir ang plaka kaya ang tanging maaliwalas na buwan na lang ang nagbibigay sa amin ngayon ng liwanag, mula sa aking malaking bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD