CHAPTER 17

1153 Words
Amara's POV Habang nagdidilig ng mga halaman dito sa labas ng bahay, biglang lumapit sa akin si tiya Amei. "Iha, nahatiran ko na ng umagahan ang iyong ina sa itaas." "Okay po tiya." "Amara, ilang araw ka ng ganiyan. Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa sunog sa flower plant?" "M-medyo pa lang po tiya." Pagsisinungaling ko sa kaniya. "Hays, huwag kang mag-alala at makakalampas ka rin sa pagsubok mo na 'yan." "Sana nga po tiya." Napahawak na lang siya sa kamay ko at pumasok na siya sa loob. Ngayong araw, hindi ako umalis ng bahay. Nanonood lang ako ng mga palabas, naglinis sa bakuran at kung anu-anong mga gawain pang-bahay, maaliw ko lang ang aking sarili. Alaskwatro na ng hapon, nagpasya na akong umakyat sa kwarto ni mama para painumin naman siya ng kaniyang gamot. "Ma? Nakainom ka na ba ng gamot?" "Hindi pa anak, pasuyo na lang ako. Hinintay ko si tiya mo pero mukhang tulog pa ata." Kinuha ko ang ilang mga gamot niya at kumuha ng isang basong tubig. "Here's your medicine ma. Yehey, malapit ka ng gumaling!" "Oo, malapit na anak. Ikaw, kailan ka gagaling?" biglang nagbago ang expression ng mukha ko sa kaniya dahil sa tono ng kaniyang pananalita. "M-magaling saan ma? Lagi naman ako magaling pagdating sa usaping bulaklak! Syempre, manang-mana kaya ako sayo eh!" masayang saad ko sa kaniya. "Anak, umupo ka sa harap ko." Sinunod ko ang bilin niya at hinawakan ang kaniyang kamay. "Anak, kumusta ang puso mo?" "Okay naman ma, masaya naman po kami ni Greg." Kunwaring ngiting saad ko sa kaniya. Biglang tumulo ang kaniyang luha, kaya mas naging mahina na ako ngayon sa harap niya. Isa sa pinaka-kahinaan ko ay ang makitang umiiyak si mama lalo na't sa harapan ko pa. "Anak, hindi porke may sakit ako ay lagi na lang kitang makikitang masaya, na wala ka lang problema." Nakatakas na ang isang luha ko sa aking pisngi. "Anak, ipakita mo rin sa akin kung nalulungkot ka ba, kung may sakit ka ba, o kung nasasaktan ka. Huwag mong pigilan ang bugso ng 'yong damdamin." Napatingin akong maigi sa mga mata niya at dali-dali ng bumagsak ang isang katerbang luha. "Si Chris ba." Lalo akong napahagulgul ng marinig mula sa bibig ni mama ang pangalan ng lalaking nagbibigay hapdi ngayon sa puso ko. "Sige, ilabas mo muna lahat 'yan ng sa gayo'n ay gumaan naman ang pakiramdam mo." Napayakap akong mahigpit sa kaniya at mas naramdaman pa kung gaano ako kahina ngayon ng dahil kay Chris. "M-ma. M-mahal ko si Chris ma. Hindi ko naman sinasadya ma!" hagulgul kong yakap sa kaniya. "Shhh, matagal ko ng alam. Simula noong nakaraang buwan ay ngayon lang kita nakita kung gaano ka kasaya, kung gaano kasaya ang puso mo, anak." "Ma, paano? Paano ko siya makakalimutan?" "Anak aaminin ko sayo, walang madaling paraan para makalimutan mo siya. Kahit ano pa ang gawin mo, kahit anong aliw mo pa sa sarili mo." "Ma, ang sakit-sakit. Walang kahalintulad na sakit!" "Anak, kambal ng pagmamahal ang masaktan. Tatagan mo lang at sisikat din ang araw." Habol hinga ako ngayon dahil sa naipong iyak na ngayon ko lang nailabas. "Handa ka na ba sa bagong buhay mo anak?" "Oo ma. Tama lang ang desisyon ko na ibenta na lang ang flower plant sa Baguio. Sa susunod na buwan ay baka isisirado ko na rin ang flower shop ko sa Crisostomo. Sana no'ng una pa lang ay nakinig na ako sa iyo ma, sana nakinig na lang ako sa inyo ni Greg." "Huwag mo naman sisihin ang sarili mo anak. Ang mahalaga naman ay may pagkakataon pa. Tulungan mo na lang muna ang iyong ama na si Ronaldo dahil sa pagkakaalam ko ay may problema ang kaniyang kompanya." "Opo ma, mamamalagi na po ako sa Garcia Group kasama ni papa." Saad ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang aking pisngi. "Nandito lang ako lagi sa tabi mo Amara at asahan mong laging buo ang suporta ko sayo kahit ano pa ang tahakin mo." Saad niya sa akin at humalik sa aking noo. "Anak, hindi ka ba pupunta sa birthday party ngayon ng kaniyang ina?" "H-hindi na ma. Itinuro ko naman din kay Lyka ang lahat ng nalalaman ko." "Saan ba ang venue anak." "Sa labas lang po mismo ng kanilang mansyon." Napatigil ang pag-uusap namin ni mama ng biglang pumasok si tiya Amei dala-dala ang mga isinampay na damit. "Grabe ang lakas ng ulan! Buti at hindi pa nabasa lahat!" wala pang sigundo ay nag-ring na ang aking cellphone "Amara! Kailangan ko na ang tulong mo! Napakalakas ng ulan at ang ilang bulaklak ay nasisira na!" sambit ni Lyka at ibinaba na ang tawag kaagad. "Ma, tiya Amei, p-puntahan ko lang po si Lyka." Nginitian ko na lang silang dalawa at dali-dali ng sumakay ng kotse. Papalapit nasa venue, hinanda ko na ang sarili na makita muli ang lalaki na dahilan ng pagdurusa ko ngayon. Alasais eksakto ay nakarating na ako at bumungad sa akin ang ilang nagkalat na petals sa labas ng kanilang mansyon. "Amara nandiyan ka na pala!" saad sa akin ni Mrs. Glinda. "I'm happy your here Amara! Please pakigawan ito ng paraan dahil eight pm ang simula ng birthday party ko!" "D-don't worry Mrs. Glinda dahil gagawin ko po ang best ko ng sa gayo'n ay maging mas maganda ang party niyo." "Thank you iha. Sa loob na ang magiging venue dahil baka mamaya pa tumila ang napakalakas na ulan." "Noted po ma'am. Sisimulan na po namin ni Lyka maging ng buong team ang pag-de-decorate sa loob." Tumungo lang siya bilang pagtugon at agad na naming sinimulan. Nang 'di kalayuan, nakita ko si Chris, kasama si Carmela. "Sh*t." "Ano Amara?" "Sabi ko paabot ng sheet Lyka." "Ay okay okay, pasensya ka na 'di kita masyado marinig. Ang lakas talaga ng ulan." Paikot-ikot kami sa buong paligid hanggang sa mas napaganda na namin ito. Isang oras lang ang itinagal at na-decorate na namin ang buong sala ng mansyon nila. "Your a genius Amara!" pagpuri sa akin ng kaniyang ina. Ang kaniyang asawa naman, hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang binibigay sa akin. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o hindi sa ginawa ko. "Nako syempre, si Amara 'yan eh! Sayang lang po ma'am Glinda dahil huling event na po ata namin ito." "What? Why?" "Binenta niya na po kasi ang flower plant doon sa Baguio." Bigla ko naman nasiko si Lyka dahil sa napakatabil niyang dila. "Why you did it Amara?" "C-change of plans po. Sa kompanya na po ako ni papa magtratrabaho." "Anong kompanya?" "Sa Garcia Group po." "Garcia? 'Yong pumunta kahapon at naghahanap ng investor? Mr. Ronaldo Garcia?" "O-opo." Lahat sila ay nagulat sa bagay na ngayon lang nila nalaman tungkol sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD