Chris POV
Napakasakit ng ulo ko, siguro dahil sa naparami ang ininom ko kahapon. Nagpapahangin ako ngayon dito sa harap ng aming swimming pool, inaalala kung gaano ako kawasak kagabi.
Sa pagkakatanda ko, sa sobrang kalasingan ko ay parang narinig ko pa nga ang boses ni Amara. Gano'n na ba ako kabaliw sa kaniya?
"Uminom ka muna ng mainit na tubig Chris."
"Salamat po mang Tadeo."
"Mukhang napakabigat ng problema natin ha at naparami ang inom mo kagabi." Napangiti na lang akong mapakla sa kaniya.
"Salamat po sa pagsundo sa 'kin kagabi mang Tadeo."
"Buti nga kamo ay nakatawag pa sa akin si Allen. Pagkatapos kitang ihatid dito ay sila naman ang inihatid ko sa kani-kanilang mga condo. Mukhang bigat na bigat din sila sa problema mo. Ano ba 'yang bumabagabag sayo at baka may maitulong ako?"
"I-ikakasal na po ako."
"Kay Carmela? O edi maganda!"
"Pero hindi ko siya mahal, hindi ko po siya kayang mahalin."
"N-nako. M-mukhang problema nga talaga 'yan."
"Mang Tadeo, naniniwala po ba kayo sa marriage?"
"Marriage." Hingang malalim niya.
"Naniniwala ako sa kapangyarihan ng kasal Chris. Hindi lang 'yan batas ng tao kundi ay batas 'yon mismo ng Diyos. Subalit -- hindi ako pinalad ng mabuting asawa." Malungkot na saad niya.
"Mas mabuting ang tanungin mo ang 'yong ama dahil siya ang patunay ng masayang pamilya at naikasal sa iyong butihing ina. Mas magandang sa kaniya ka manghingi ng payo." Hinawakan niya ang aking balikat at lumakad na.
Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Puno ng pagkalito, pagkagalit, pagkadismaya at sari-saring emosyon dahil sa problemang binabalot ako ngayon.
Nakinig ako kay mang Tadeo at inakyat na kaagad si dad sa kaniyang office room.
"Dad."
"Come in, umupo ka at magsalita."
"M-mag salita tungkol saan?"
"Mula sa aking bintana ay kitang kita ko kayong dalawa ni Tadeo na nag-uusap ng masinsinan. Nakakaramdam na nga ako ng kaunting selos dahil mukhang siya pa ang una mong nilapitan kaysa sa 'kin."
"Dad naman, syempre busy ka."
"Anak kita Chris, pwede mo ako lapitan kung may problema ka. Ano bang suliranin na kinakaharap mo ngayon at bakit napakatamlay naman yata ng mukha mo?"
"D-dad? Paano mo nalamang si mommy na talaga ang para sa iyo?" napatigil siya sa pagtitipa ng kaniyang laptop ng marinig ang aking sinabi.
Tinanggal niya ang kaniyang salamin, kumuha ng baso at iinuming alak.
"Mukhang kailan ng pampainit 'yang mga tanong mo anak." Nagsalin siya sa dalawang baso at ibinigay niya sa akin ang isa.
"Dad, do you believe in marriage?"
"Yes, of course."
"Pero how come na nalaman mong si mommy na talaga ang para sayo? For I know na sayo ako nagmana ng pagiging babaero."
''Loko!'' hinampas niya ang aking kanang braso sa narinig.
"Hmm. Si mommy mo kasi ang nanligaw sa akin, hanggang nahulog na lang ako sa kaniya."
"A-ano!"
"Joke lang ito naman 'di mabiro! Sobrang seryoso ang mood mo ha!"
"Dad naman, nagtatanong kaya ako ng maayos. Akala ko totoo na eh!" nako kung kaibigan ko lang ang kaharap ko ngayon ay baka nasakal ko na!
"Dad, paano mo nakilala si mom?"
"Hmm, paano ko ba sisimulan. Well, 'yang mommy mo ay magaling mag-host noong mga college pa lang kami. Kaya nga no wonder at kabilaan ang mga seminar niya ngayon. In short, college sweet heart kami ng mommy mo. Kaya lang isang araw, nahuli niya ako."
"Nangbabae?"
"Oo. Nakipaghiwalay siya sa akin noong nahuli niya akong nangbababae." Saad niya at uminom sa kaniyang alak.
"Pero paano kayo nagkabalikan ulit ni mommy? Paano ka humingi ng tawad sa kaniya?" napahinga na naman siyang malalim habang inaalala ang napakatagal na panahong lumipas na.
"I've apologized to her so many times hanggang sa napagod na ako, lalo na no'ng nagkaroon na siya ng bagong katipan. That is the time that I stopped stalking her at tumigil na rin humingi ng tawad sa kaniya. Sinubukan kong magkaroon ng girlfriend ulit noon para ipakita sa kaniya na masaya ako kahit wala siya, pero I didn't succeed. Kaya hindi na ako naghanap ng bago at inubos na lang ang attention sa Monreal Corp."
"Woah. S-saan ka humugot ng lakas -- no'n dad?"
"Kung sa lakas lang, kaya ko naman. Kaya ko namang lokohin ang sarili ko. Pero ang puso, kahit anong gawin ko ay pinapaalala pa rin sa akin kung gaano ko siya kamahal. Pilit ko pa rin siyang hinintay kahit alam kong may iba na siya. Hanggang sa dumating ang punto na, pumunta siya sa opisina ko, at may bagay na ipinagtapat sa akin. Pinsan niya lang pala 'yon at sinubukan lang ako para makita kong nagbago na ba talaga. Kinabukasan, kinasal kami kaagad. That's why now, we have you and your little sister Cassie."
"W-woah."
"Kayo ni Carmela, kumusta naman kayo? Nahuli ka rin ba niyang nangbababae? Tandaan mo sa susunod na buwan na ang kasal niyong dalawa."
"Dad, hindi ko kayang magpakasal sa kaniya." Lumaki ang mga mata niya at agad pumunta sa pintuan. Sumilip muna siya sa labas kung may posibleng nakarinig sa amin tsaka ito sinirado at pinadlock.
"What did you say son? Are you out of your mind?"
"Dad, I'm in love with -- someone else."
"Pero we have confidential agreement with the De Guzman!"
"Dad, tulad ng dati mong naranasan, na hindi mo na kayang magmahal but only mom, 'yon din ang nararamdaman ko ngayon sa babaeng mahal na mahal ko."
"Who is this woman." Kalmado niyang pahayag.
"She's Amara Antoinette Garcia, the flower arranger at mayroong flower shop sa Crisostomo."
"You mean, the girlfriend of Greg Salazar?"
"Yes, how did you know?"
"Dahil -- " hindi na natapos ang pagsasalita niya ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Darling, open the door please." Bago niya buksan ang pintuan ay lumapit muna siya sa akin at may ibinulong.
"Let's continue our talk later son." Maikling sambit niya at pinagbuksan na si mommy.
"Marcelo, I -- , oh son! Nandito ka pala sa office room ng daddy mo."
"Y-yes mom."
"Ano ang sasabihin mo Glinda?"
"Sa 'yo ko sana muna ito sasabihin Marcelo pero since nandito na rin si Chris, sabay ko na itong ipapakita sa inyo." Inabot niya sa amin ang hawak niyang booklet.
"Nakahanda na ang lahat ng invitation para sa kasal niyong dalawa ni Carmela anak." Bigla kaming nagtinginang dalawa ni dad at sabay napainom na lang sa hawak-hawak naming alak.