Chris POV
Nakakapanghina, ngayon ko lang hindi nakuha ang gusto ko sa buong buhay ko. Hindi ko mapaliwanag ang eksaktong nararamdaman ko ngayon.
"Chris, nakakarami ka na ng inom, baka mamaya ay -- "
"Allen, parang awa niyo na. Hayaan niyo na nga muna ako. Please!"
"Chris naman kasi, bakit hindi mo 'to sinabi sa amin kaagad? Mukha ba kaming manghuhula? Huh?"
"Para ano Lexter? Para pagtawanan niyo lang ako? Para sabihin na talo na ako sa pustahang mai-in love ako?" usal ko at tumungga muli sa aking baso.
Kasama ko ngayon sina Lexter at Allen. Si Rumir naman ay hindi na namin isinama dahil masama ang pakiramdam ni Rain.
"Lexter your right. Iba pala talaga kapag na in love ka na." Napatahimik na lang sila bigla sinabi ko at nagtinginan sa isa't isa.
''D-don't tell me na tungkol to -- kay Amara?" hindi ko na sinagot si Allen, sa halip ay tinungga ko na naman ang alak sa aking harapan.
"'Tol, may boyfriend na si Amara!" sigaw ni Lexter sa 'kin dahil sa napakalakas na ingay dito sa bar.
"Pero hindi pa naman sila kasal! May pag-asa pa ako Lex!"
"Nahihibang ka na ba Chris? Huwag kang maninira ng ibang relasyon! Maghanap ka ng ibang babaeng pwedeng maging sayo!"
"Pero mahal ko siya! Mahal na mahal!"
"Pwes hindi porke mahal mo Chris ay mapapasayo na!" lalo lang akong nagkaroon ng dahilan para mas malasing pa ngayong gabi!
"'Tol." Sambit ni Lexter na may pag-alala at tumabi sa 'kin.
"'Tol, 'di ba sinabi ko naman sayo. Na malaya kang mahalin kung sino man ang babaeng magugustuhan mo, unless sa isang bagay. Unless nakapili na siya kung sino talaga ang gusto niya makasama. At hindi ikaw 'yon Chris. Ngayon ka lang niya nakilala at si Greg sa pagkakaalam ko ay two years na sila."
"Pero siya ang gusto ko Chris. Siya ngayon, siya bukas at sa mga susunod pa na panahon!"
Napahingang malalim, napasandal na lang ang mga kasama ko at maging sila ay napainom na rin sa kani-kanilang mga alak.
"A-ano na ang gagawin ko?" paklang tanong ko sa kanila.
"Chris, alam kong alam mo ang sasabihin namin sayo, kung ano ang aming maipapayo. Ngayon nasa iyo na 'yan kung susundin mo."
"Pero pakiramdam ko, mahal na rin ako ni Amara."
"Mahal? Edi sana ay nakipaghiwalay na siya kay Greg ng sa gayo'n ay maging opisyal na kayo ni Amara. Pero hindi naman gano'n ang ginawa niya."
"Oo nga 'tol, mukhang pinagsabay lang kayong dalawa ni Greg. Hindi ka ba nagtataka?"
"Anong bang pinagsasabi niyo, hindi ganiyan si Amara! Oo, sandali pa lang ang pinagsamahan naming dalawa pero kilala ko na siya. Hindi kami pareho ng balahibo, hindi siya manloloko!"
"Pero paano Chris kung gumaganti lang siya? Na gusto niya lang iparamdam sayo, ang pakiramdam ng pinaglalaruan?"
"Common Chris, your smarter than this."
"Smarter. Ano bang tingin niyong dalawa? Na business negotiation lang ang problema ko? Mahal ko si Amara! Hindi niyo ba iyon maintindihan!"
"Pero paano ka naman kina tita Glinda? Ayaw mo naman sigurong baliin ang ugnayan ng Monreal sa De Guzman 'di ba?"
Napasuntok na lang ako sa kinauupuan ko ng maalala ko na naman ang agreement ng pamilya ko at ng pamilya ni Carmela.
Nagsimulang magkaroon ng isang confidential agreement ang pamilya ko at ng mga De Guzman. Nagkaroon ng matinding crisis ang aming kompanya, tatlong taon na ang nakakalilipas. Sila ang tumulong noon sa amin at ang kapalit noon ay contract marriage naming dalawa ni Carmela.
Sinubukan kong lumapit sa mga kaibigan ko, mula kay Allen, Lexter hanggang kay Rumir. Walang alinlangan ay pumayag sila at disindido talagang tulungan ako. Kaya lang pag-uwi ko noon sa mansion ay pamilya De Guzman na ang bumungad sa akin.
Hindi ako pumayag noon, kahit maging si Carmela dahil mayroon din siyang boyfriend sa pagkakaalam ko ng mga panahong 'yon. Kaya lang matalik na kaibigan ni mom ang mga magulang ni Carmela at minsan niya na itong naging panauhin sa isang seminar.
Ayaw kong pumayag, kahit ng mga kaibigan ko dahil isa raw iyong malaking kahibangan. Kaya lang dahil sa pagmamakaawa ng mga magulang ko, lalo na ng aking ina ay napa-oo na ako. Isa din sa nagpatibay na pumayag ako, ay ang kadahilang kahit kailan, I know I have a kind of stubborn heart, na hindi na yata ako makakaramdam ng affection sa isang babae.
But the wind change, nabago ako ni Amara. Nagkaroon na ng thrill ang araw ko, nakararamdam na ako ng kaba ng dahil sa kaniya, lalo na ang magplano at sumulong ng buhay may asawa.
Pero pano naman 'to? Mayroon siyang Greg at ako ay nakatali sa isang agreement?
"'Tol, hindi ka ba talaga nagkagusto kay Carmela?" umiling lang akong sumagot kay Allen.
"Matagal mo siyang naging sekretarya. Sinadya pa nga 'yon ng mga magulang niya ng sa gayo'n ay matutunan niyong mahalin ang isa't isa. Hindi ka man lang ba na-develop sa kaniya?"
"Wala. Edi sana masaya ako ngayon kung talagang nagkagusto ako sa kaniya. Tsaka mahal na mahal niya pa rin ang namayapa niyang ex."
"Pero niligawan mo siya 'di ba?"
"Oo, pero trip-trip lang 'yon."
"Napa-oo mo ba siya?"
"Hindi. Hindi nga ako ang gusto no'n. Hindi pa 'yon nakaka-move on."
"Ang gara ng mga buhay niyo. Si Carmela in love pa rin sa ex niyang patay na. Si Amara may Greg kaya hindi ka pwede pumasok. Tapos ikaw naman may confidential agreement sa De Guzman." Kahit si Allen ay sumakit na yata ang ulo kaya napahilot na lang sa kaniyang sintido.
Napapikit na lang ako at sumandal sa aking kinauupuan.
"Sa tingin niyo? Karma na ba 'tong nangyayari sa 'kin?" usal ko habang nakapikit pa rin.
"'Tol don't be so pessimistic. Pagsubok lang 'yan ng buhay kaya tatagan mo lang."
"Sa susunod na buwan na raw ang kasal naming dalawa ni Carmela. Anong masasabi niyo."
"Una, binali mo na ang pangarap ni Rumir."
"Pangarap na?"
"Ano pa ba? Edi ang maikasal tayo. Pero sa gusto sana nating babae at hindi tulad ng sayo na sapilitan lang." Malungkot na saad ni Allen.
"Ikaw Lex, ano masasabi mo?"
"'Yong totoo? Nalulungkot ako. Nadudurog ang puso ko dahil sa nararanasan mo ngayon Chris. Gusto kitang tulungan sa problema mo, pero wala naman akong kayang gawin kundi ang damayan ka lang sa pagkakataong 'to." Saad niyang puno ng lumbay at lumagok muli sa kaniyang inuming alak.