Amara's POV
Habang nag-aayos ng bulaklak dito sa flower shop, hindi ko mapigilan na hindi magtalo ang isip ko.
"Hmm? Mamaya, saan na naman kaya kami pupunta ni Chris?"
"Nababaliw ka na ba? This is cheating! This is infidelity! You have Greg, Amara Anthoinette Garcia!"
"Ha? Lumalabas lang naman kaming dalawa and wala naman kaming ginagawang masama."
"Pero hindi mo ba napapansin? Ang amoy niya, ang prisensya niya! Hinahanap hanap mo na siya Amara! Nahuhulog ka na sa kaniya!"
"No, naghahanap lang ako ng kuya no."
"Kuya lang ba talaga ang tingin mo sa kaniya? Pagkatapos ka niyang halikan noong nakaraang gabi?" para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa huling sinambit ng isip ko.
Tama.
Hindi na pwedeng ganito dahil mukhang nahihibang na nga talaga ako kapag kasama si Chris -- hindi maari kung ano man ang gusto niyang mangyari sa amin.
Mayroon na akong Greg Salazar, may Carmela De Guzman naman siya.
Habang nag-aayos ng mga bulaklak para sa susunod na linggong birthday ng kaniyang ina, inuunti-unti na namin ni Lyka ang mga trabaho maging ang mga gagamitin sa kaniyang kaarawan.
"Amara, parang may mali sa gawa mo. Parang hindi mo gawa eh. Pagod ka ba? Wala ka yatang focus ngayon?'' pansamantala muna akong napatigil sa pag-aayos ng bulaklak dahil sa isinambit ni Lyka.
Ito na ang kinatatakutan ko -- ang maapektuhan na ang trabaho ko!
''Mas maganda Amara na ako na lang muna ang magtatapos at mag-aayos nito para maiwasan natin ang paulit-ulit na gawa. Umupo ka na lang muna doon at magpahinga."
"Lyka." Tulala kong tawag sa kaniya.
"Hmm? Gusto mo ba ng tubig?"
"Lyka may sasabihin ako sayo. Pero mangako ka sa 'kin na sa atin lang 'to."
"Sige. Ano ba kasi 'yan Amara? Kasi mukhang naapektuhan na ang trabaho mo. Nag-aalala na 'ko sayo."
"S-si Chris." Bigla nanlaki ang mga mata niya dahil sa pangalang narinig.
"Oh bakit? Sinaktan ka ba niya!"
"Hindi." Huminga muna ako ng malalim bago ulit nagpatuloy na magsalita.
"Lyka, lumabas na kaming madalas ni Chris."
"A-ano? Pero 'di ba galit na galit ka sa isang 'yon dahil sa napakababaero niya?"
"Oo, pero -- "
"Pero ano? Nahulog ka?"
"Pero nakilala ko kung ano talaga siya, kung sino talaga siya Lyka. Kung gaano siya makapagmahal na tao, kung gaano niya na-appreciate kung ano talaga ako."
"Pero -- " napaputol siya sa pagsasalita ng biglang tumunog aking phone.
From: Chris Playboy
''I'm here. Tara na? Pumunta ka na kaagad dito sa parking kung ayaw mong sunduin pa kita mismo diyan sa flower shop mo. See you.''
Napatayo na ako bigla at inaayos na ang sarili para makipagkita na sa kaniya, ng biglang dumating si Mrs. Glinda, ang kaniyang butihing ina sa shop.
"Iha, kumusta?"
"Hi ma'am Glinda! Welcome to our flower shop po!" masayang salubong sa kaniya ni Lyka.
Pumasok pa siya sa loob at napansin ang ilang mga gawa ko.
"I-is that your work, Ms. Amara?"
"Ay ma'am hindi -- hindi pa po 'yan tapos. May kulang pa pong bulaklak na isisiksik sa gitna." Pantatakip sa akin ni Lyka.
"I see. Akala ko ay 'yan na ang final product eh." Paklang ngiti niya.
"Advance happy birthday ma'am ha. One week na lang po at ide-deliver na po namin ito sa mansion ng mga Monreal."
"Thank you Lyka, oh siya napadaan lang naman ako para makita ng personal ang mga bulaklak na nagawa na. What a beautiful shop Amara. Anyway, aalis na ako -- Chris? What are you doing here?" nanlaki ang mga mata ko, halos tumigil na ata ang t***k ng puso ko!
"Y-yes Ch -- sir Chris?" putol-putol kong usal sa kaniya.
"Bakit ka nandito, son? Bibilhan mo ng bulaklak si Carmela?"
"Ah -- oo -- mom."
"Ang sweet ng anak ko talaga. 'Yong sunflower ulit ang bilhin mo para sa kaniya."
"S-sige mom."
"Teka, alam na ba ni Amara?"
"Ang alin?"
"What? Don't be so ridiculous, son. Anyway Amara, I have great news for you. Bukod sa birthday ko ay malapit na rin ang engrandeng kasal ni Chris at ni Carmela. Sayo rin kami kukuha ng mga bulaklak at ikaw rin ang mag-aayos nito okay?"
Hindi ko alam.
Salita lang naman 'yon, pero derecho sa puso ang hapdi at kirot. Mas gusto ko pa atang mabaril sa harap nila kaysa makarinig ng ganitong mga klaseng salita.
"What are you talking about mom?"
"Anak, one year na kayong engaged ni Carmela. Kaya dapat ay ikasal na kayo. Please? Iregalo mo na lang ito sa akin ng sa gayo'n ay magka-apo na ako. O siya, tutuloy na kami Amara. Tara na Chris." Lumabas na sila sa store akay-akay ang anak niya, hawak ang sunflower para kay Carmela.
"O-okay ka lang ba Amara?"
"Lyka, hindi ako okay. Hindi ako okay." Kinuha ko ang ibang mga bulaklak sa harap at nagsimula na rin bumagsak ang mga luha ko.
Humarap ako sa mga bulaklak na kung iisipin ko ay parang naiintindihan nila ako.
"Naisalba nga kayo. Pero ang gamit niyo pala ay para sa kasal ni Chris? SANA PALA AY NASUNOG NA LANG KAYONG LAHAT!" hinablot ko na ang mga bulaklak at pinagputol putol 'yon. Wala namang nagawa si Lyka kundi hayaan na lang ako.
Ng nasapatan na ako sa mga nasirang bulaklak, napaupo ako sa sahig at tumuloy sa paghagulgul sa pag-iyak.
"Lyka, nahulog ako. Nahulog ako sa lalaking 'yon!"
"M-madalas na kayong lumalabas ni Greg, pero bakit mukhang siya pa rin ang nasa isip mo?"
"S-siya ang kasama ko lagi Lyka at hindi si Greg!"
"Ano!" napahingang malalim siya at tumabi sa akin.
"P-pero ikakasal na siya -- Amara."
"How dare him! Pagkatapos niyang umaligid sa 'kin at pahulugin ako sa kaniya, iiwan niya lang ako sa ere at magpapakasal na sa iba? Napakabobo ko Lyka dahil hinayaan ko lang ang sarili ko na mapamahal sa kaniya!"
"B-bakit mo hinayaan ang sarili mo -- na umabot sa ganiyan? May Greg ka Amara at baka masaktan mo lang ang lalaking totoong mahal ka talaga at kaya kang ipaglaban."
Litong lito na ako, hindi ko na alam kung ano ang susundin ko. Ang batas ba ng tao, o ang hangarin ng puso ko.
"Lyka, pumunta tayo sa Pasay mamayang gabi!"
"Huwag mong sabihing -- "
"Oo! Magpapakalasing ako do'n! Magpapakalasing ako hanggang sa makalimutan ko na si Chris Isaac Monreal!"