CHAPTER 13

1228 Words
Amara's POV Mula sa bahay ko dito malapit sa flower plant, hawak ko ang kamay ngayon ni Chris habang hinihintay na siyang magkamalay. "Chris, I'm sorry. Nadamay ka pa." Hindi ko na naman mapigilan na hindi umiyak ngayon. "Hays, gumising ka na nga diyan. Nakaluto nako oh, special 'to dahil ako pa mismo ang gumawa. Teka nga, palakasan ko ang aircon para -- " hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil ayaw ni Chris bitawan ang kamay ko. "Y-you, a*shole!’’ ’’Hi.’’ Sambit niya. ’’Kanina pa ako umiiyak iyak dito tapos may malay ka na pala!" "H-hindi, kakagising ko lang. K-kumusta na ang mga bulaklak? Sandali -- lalabas muna ako at titingnan ko lang kung -- " "Tumigil ka nga Chris! Gusto mo na naman ba mawalan ng malay? Kumain ka na muna, please?" "S-sige." Inihanda ko na ang maanghang-anghang na bulalo at inilagay sa kaniyang plato. "Okay ka lang ba Chris? Bakit nakatunganga ka diyan? N-na trauma ka ba sa nangyari kanina?" "Hindi. Sinusubukan ko lang alalahanin ang panaginip ko kanina. Kaya lang hindi ko talaga maalala." "Bunga lang ’yan siguro ng sunog kanina. Please kumain na muna tayo, alasyete na na rin ng gabi." Tahimik na naming pinagsaluhan ang napakasarap na bulalo. "Salamat dito Amara." "What are you thanking about? I should be the one who's thanking you. Anyway, may inihanda akong something sa labas, pampabawi sa naudlot nating lakad kanina." Ngiti kong usal sa kaniya. "Parang gusto ko 'yan." Dali-dali na namin kinain ang mainit na pagkain at tumungo na sa labas para ipakita sa kaniya ang aking surpresa. "Tadaa." Saad ko at pinapasok na siya sa isang katamtamang laking tent kasama ng mga bulaklak. "Woah, you did this?" "Yes, of course. Have a seat." Naghanda ako ng makapal na panglatag at pinaupo na siya sa tabi ko. "What's this for Amara?" "Pampabawi ko nga sayo, ang kulit. Thank -- thank you so much Chris. Hindi lang bulaklak ang sinalba mo kundi ang buhay ko. Buhay ko ang mga bulaklak na 'to kung alam mo lang." Ngumiti lang siya sa sinabi ko. "Para saan naman ang laptop?" "Mag-mo-movie marathon tayo." "Then I think -- this is the best date ever." "Date ka diyan. Playboy!" ngumiti lang siya at binuksan ang isa sa mga tsitsirya. "Anong gusto mong movie Chris?" "Ayoko manood, mas gusto kong mag-usap lang tayo." "A-alright." Pumwesto na ako sa kabilang gilid niya at nakihati na sa kaniyang kinakain. "Chris?" "Hmm?" "May itatanong ako sayo." "About saan?" "Basta. Hmm, dapat honest ka sa sagot mo ha?" "Honest naman ako mag-critic." "Pero sa babae?" "Hmm, haha. Dali na, ano ba ang itatanong mo?" huminga muna akong malalim bago ko sabihin ang aking itatanong. "Actually, n-natanong ko na ang bagay na 'to sa -- kaibigan ko. Regarding 'to sa pag-aayos ko ng bulaklak. Tingin mo Chris, masyado lang akong duwag kaya ayaw kong lumabas sa comfort zone ko, at imbis nasa opisina ay nasa pag-aayos lang ako ngayon ng bulaklak?" "At ano naman ang isinagot sayo ng kaibigan mo?" "Huwag mo ng alamin kasi kasi iba-iba naman ang -- " "I want to hear it Amara. Ano ang naging comment niya? Say it." Napabuntong hininga na naman ako sa pahayag niya. "Well sabi niya, oo daw. Na takot daw ako lumabas sa comfort zone ko, na sayang lang daw ang pinag-aralan ko. Tinanong pa nga niya ako kung gusto ko ba daw na tumanda na lang ako ay nag-aayos pa rin ako ng bulaklak. And it's -- cheap daw." Tumingin siya sa ’kin sandali at biglang sumimangot. "Sino ba ang inutil na nagsabi niyan sayo?" "K-kaibigan ko nga." "From the kind of word na sinabi niya, lahat puro basura. Mayabang." "Oh 'wag ka ng magalit, iba-iba naman kasi ang opinion ng tao. O ikaw ano ang say mo? Tingin mo duwag ako masyado para subukan ang pinag-aralan ko?" "Una. Hindi ka duwag dahil your the bravest woman I've ever met. Ikaw lang ng katangi-tanging babae na nagbato sa akin ng crumpled paper at sa harap pa ang mga kaibigan ko." Bigla naman ako natawa sa sinabi niya dahil biglang nag-flashback sa isipan ko ang araw na 'yon. "Second. Amara are you insane? Nila LANG mo lang ang ginagawa mo? Are you degrading yourself just because your a flower arranger? Nakakalimutan mo na bang passion mo talaga 'yan? Ang huling alala na punta ko sa bahay niyo ay puro certificate ang nakalagay doon na nanalo ka sa mga flower arrangements." Nakakapunta na rin kasi siya minsan sa bahay. "A-akala ko kasi, nakasanayan ko lang." "Amara, for me person is defined by there deep passion of something. Na gusto gawin, o kung ano ang gustong matutunan. You create your own world and it reflects it in your own perception." "Ang talino mo tagala Chris no?" "Mas matalino ka dahil your a designer. Ako, may sinusundan lang akong obligation and need to do while you, you design it all, just from a scratch through your wild imagination." "Hmm. May point ka. Siguro may mga bagay lang talaga na madali dahil gusto mo ang isang bagay. Mahirap sayo ang ginagawa ko dahil hindi mo hilig ang pag-aayos ng bulakalak, and likewise sa ’kin sa buhay opisina mo." "Exactly Amara. We have different roles, purpose, function and use in real life. Kaya pakisabi kay Grey ay napaka-inutil niyang tao." Nanlaki bigla ang mga mata ko sa huling linyang kaniyang sinabi. "P-paano mo nalamang -- " "The way palang ng yabang ng sagot, alam ko na kaagad na si Greg 'yon. Ngayon saan na siya inaabot ng yabang niya." "H-hayaan mo na siya dahil -- " napatakip kami bigla sa bibig namin dahil sa may narinig kaming foot steps. "Aba? Bakit hindi pinatay ang ilaw sa tent! Ako na naman ba ang magpapatay!" galit na saad ng aking kasambahay, sabay hugot sa pinaka-main ng saksakan. Wala ng silbi ang extension kaya binuksan ko na lang ng bahagya ang tent. Tanging buwan na lang ang nagbibigay ngayon ng liwanag sa aming dalawa. Biglang tumaas ang balahibo ko. Kung kanina ay nakaupo siya, pwes ngayon ay nakahiga na. "B-balik na lang tayo sa loob Chris?" "No, mas gusto ko dito. Tabihan mo 'ko." Lalo lang lumamig ang pawis ko dahil sa sinabi niya. Wala na rin akong choice kundi ang tumabi na lang sa lalaking sumagip sa mga bulaklak ko. "Amara?" "Hmmm?" "Mahal mo ba si Greg?" bigla siyang tumagilid at humarap sa ’kin habang nakahiga pa rin. "B-bakit mo naman -- natanong 'yan." "Wala, just asking." "Hmm. Y-yes." Siya naman ang nagbuntong ng hininga. "Look at me Amara." Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kaniya. "Amara." "Hm -- mm." "I know, I've been so bad ass for long long years. I had girls in just a snap of my fingers. Pero noong nakilala kita, you've -- you've changed my stubborn heart." "Pero may Carmela ka na." "Kapag ba nakipaghiwalay ako kay Carmela ay makikipaghiwalay ka na rin kay Greg? Amara, I'm so deeply in love with you now. Pero -- pero kung -- si Greg talaga ang gusto mo -- irerespeto ko 'yon. Tulad ng pinayo sa akin ni Lexter, titigil na ako kung may pinili ka na." Sa ilalim ng gabi, saksi ang buwan at mga tala sa malalim na halik na ibinigay ni Chris ngayon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD