CHAPTER 12

1206 Words
Amara's POV Tatlong linggo mula no’ng narinig ko kay mang Tadeo na ikinasal daw kami ni Chris, heto ako at pakiramdam pa rin na lumulutang sa hangin. Kung gaano ako kadalas yayayain ni Chris, ganoong din kadalas na lumalabas kaming dalawa. H-hindi ko alam, hirap akong -- tanggihan siya. "Friend, okay na ang set sa burial ni Mr. Velasco. Nakakalungkot dahil patay na ang isa sa mga loyal customer natin. HUY AMARA!" "A-ano?" "Bakit ka nakangiti? Masaya ka ba dahil patay na si Mr. Velasco?" "H-hindi may naalala lang ako bigla." Pagsisinungaling ko. "Aba, madalas ka ng ganiyan ha. Mukhang napapasaya ka na ni Greg ngayon." "Huh? Anong sinasabi mo Lyka?" "Iba ang ngiti mo ngayon Amara. Pati mga mata mo, may spark na." Bigla ko na naman naalala ang sinabi ni mama tungkol sa spark. Does love spark really exist? Or just illusion of mind? "Oh ’di ba, positive! Super in love ka na kay Greg ngayon! Sabi ko naman eh time lang ang kailangan niyong dalawa." Saad niya ng biglang nag-vibrate ang aking phone. Tiningnan ko ito kaagad at binasa ang nilalaman ng text. From: Chris Playboy "Naka-park na ako sa labas ng Crisostomo." Lumaki na naman ang mata ko dahil sa kalalabas lang namin noong nakaraang araw. Agad ko naman din siyang nireplayan. To: Chris Playboy "Nasisiraan ka na ba ng ulo?" sigundo mula noong na-send ko sa kaniya ang aking reply ay sunod-sunod ko na rin narinig ang malalakas na busina ng sasakyan. "Hala Amara may banggaan yata sa labas, matingnan nga kung may -- " "Wala lang 'yon Lyka!" "Hindi, gusto ko lang tingnan kung -- " "Dito ka lang! M-may kailan pala akong bilhin, lalabas muna ako -- ha. B-babalik din ako kaagad at sasabihin ko -- kung may banggan nga ba." Usal ko sa kaniya at dali-dali ko ng kinuha ang aking bag palabas ng flower shop. Tumakbo na ako papalabas ng Crisostomo at hinanap ang animal at eskandalosong si Chris. "Your totally insane Chris!" "Shhh, hop in now. Sayang ang oras." Wala na akong magawa kundi pagbigyan ang mokong na 'to. O siguro gusto ko rin? "Saan ang gusto mo ngayon Amara?" "Ikaw, wala ka bang ganap sa buhay kundi ang guluhin lang ako?" "Gulo talaga? Tumigil ka Amara, alam kong na-enjoy mo rin ang gala natin lalo na noong pumunta tayo sa Palawan." Napahingang malalim na lang ako sa sinabi niya. Oo, napakadalas na naming lumabas na magkasama at minsan ay halos buong araw pa. Nagulat na nga lang ako dahil minsan na niya akong naisama sa Palawan. "Suggest ka na." "Ikaw na bahala Chris." "Tapos na rin tayo sa Tagaytay, Batanggas, Antipolo at Laguna. Saan naman ang gusto mong bagong puntahan?" "Hmm." Habang nag-iisip ay biglang tumawag sa akin si Lyka, sinagot ko kaagad ang tawag niya. "ANO! OO PUPUNTAHAN KO NA!" halos hindi ako makahinga, parang nawala pansamantala sa isip ko sa totoong mundo! "Anong nangyari Amara?" "Chris -- n-nasusunog ngayon ang flower plant namin!" nang marinig niya 'yon ay mukhang alam na niya, na sa Baguio kami pupunta. Halos isang oras ng pumapatak ang luha ko sa magkabilaang pisngi habang binabaybay ang daan papunta sa lugar na gusto ko ng makita. Nang makalapit-lapit ay isang malaki at makapal na usuk ang tumamban sa amin. Gusto kong sumugod pero hinawakan na akong maigi ni Chris. "Hindi ka pwedeng lumapit do’n Amara! Gusto mo bang mapahamak!" "HINDI MO AKO NAIINTINDIHAN CHRIS! Napakahalaga ng nasusunog ngayon na flower plant namin!" binuhat niya ako at pinaupo muli sa loob ng sasakyan. Nakabukas ang pintuan ng sasakyan at nanatili pa rin siya sa harap ko na nakatayo. Dinukot niya ang kaniyang phone at may tinawagan. "Hi. This is Chris Isaac Monreal. I need two helicopters and ten additional fire fighters. Magpadala ka rin ng mga tao na makakatulong sa akin dito ng sa gayo’n ay mas mabilis na maayos muli ang mga bulaklak. Please tie up now to my exact location." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon, ilang minuto lang ay narinig ko na ang ilang mga helicopter na tumutulong na rin na maapula ang sunog. "Amara, umupo ka lang dito sa sasakyan. Don't you f*cking dare na lumabas kung 'di malilintikan ka sa ’kin." Taimbagang saad niya at isinirado na ang pinto ng sasakyan. Mula sa loob ay nakita ko si Chris na hinubad ang kaniyang coat maging ang suot niyang next tie. Itinupi niya ng bahagya ang laylayan ng kaniyang polo at tumulong na sa mga bombero para maapula na ang sunog. Isang oras na rin ang itinagal, sa wakas nahupa na ang napalaking apoy. Mula sa malayo, nakita ko na ang mga kaawa-awang bulaklak na nasunog. Papalapit na rin ulit ngayon si Chris sa akin. "The fire was killed but still aren't safety to go inside dahil baka mamaya ay may mga delikado pang live wires." Saad niya sa ’kin at pinunasan ang pawis sa kaniyang noo. "Tumawag na ba si Greg?" "Oo, f*ch him!" "A-ano sinabi niya?" "Anong sinabi niya? Ng magaling na Greg na ’yon? Tumawag lang daw muna ako ng bombero kasi nasa meeting siya! ANONG KLASENG TAO SIYA!" sa inis ko ay napayuko na lang ako dito sa sasakyan. "H-hayaan mo na lang Amara -- dahil baka -- urgent din ang -- ’’ "Pero urgent din naman ang meeting mo ngayon Chris! Akala mo ba ay hindi ko alam? Nagpre-presinta ka rin dapat ngayon sa isang bigating client at kalaban mo doon si papa at Greg!" napatahimik naman siya sa malakas na singhal ko sa kaniya. Bumalot ang sandaling katahimikan ng biglang may lumapit na isang lalaki. "Mr. Monreal, okay na po ang lugar. Na-check na po namin ang dahilan ng sunog, mula po ito sa isang sasaksakan sa flower plant. Mukhang may nag-overload na power at doon na nagsimula ang malaking apoy." "P-pwede ko na bang makita ang loob?" hindi ko na nahintay ang sagot niya at sumugod na kaagad sa loob ng flower plant. Napaluhod na lang ako sa lupa ng makitang wala ng natirang bulaklak. "Ma'am Amara, p-pasensya po sa trahedyang ito." "Manang -- b-bakit niyo hinayaan na magkaroon ng aberya dito sa flower plant? Alam niyo naman na nasa Maynila ako ’di ba!" "Ma'am -- nagsabi kasi si sir Greg -- na siya na raw ang personal na gagawa nito, kaso -- mukhang -- busy siya." "Put -- T*NG INA MO GREG! Nang dahil sa ’yo, naubos ang mga bulaklak ko!" pinasuntok suntok ko ang lupa dahil sa walang mapaglagyang galit ko kay Greg. Gusto ko siya ngayong balatan ng buhay! ’’Ma’am, hayaan mo na ang nawala.’’ ’’Manang, wala ng natirang bulaklak sa flower plant ko. Paanong hayaan?’’ hagulgol na iyak ko, hinang hina na nakaluhod pa rin sa lupa. "Ma’am, thirty percent lang po sa kabuuang bulaklak ang nasunog." Bigla ako napatingin sa kaniya "A-anong ibig mong sabihin?" "Ng dahil marami ang bombero at may dalawang helicopter ay nailipat sa kabilang lupain kaagad ang ibang mga bulaklak. Almost seventy percent po ang naisalba ng dahil po sa lalaking kasama niyo ngayon ma'am." Bigla ako napatingin sa lalaking tinutukoy niya. Bigla na lang itong nawalan ng malay, marahil dahil na rin sa pagod at nalanghap niyang maraming usok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD