CHAPTER 11

1095 Words
Chris POV Habang nasa comfort room kanina si Amara, bigla akong nakatanggap ng text mula kay mommy. From: Mom "Anak, something serious happen. Please call me asap if you've seen this message." Lumakad na ako palabas ng boutique at nauna na nang pumasok sa sasakyan. Wala na akong sinayang na oras at dali-dali na siyang tinawagan. "Mom?" "Anak, sorry to say this over the phone pero si Tadeo ay binawian na ng buhay, almost thirty minutes na ang nakalipas." "W-what." Biglang tumulo ang luha ko at napansin bigla si Amara na nakalabas na pala ng boutique store at naglalakad na papalapit sa sasakyan. "C-Chris, o-okay ka lang?" "Amara, pwede bang -- gabi na tayo umuwi." Pakisuyo ko sa kaniya at bigla na naman pumatak ang aking luha. "S-sige. G-gusto mo, magpahangin na lang muna tayo." Nagmaneho na ako at nakarating na sa isang bahaging mataas na kalsada kung saan ay kita ang ilawan ng mga bahay at gusali sa ibaba. "Amara." "H-hmm?" "I-I've just lost someone today." Hindi siya naka-imik agad kundi ang tingnan lang ako. "Mang Tadeo is not just a driver in my own eyes. Siya ang family driver namin since I'm three years old until now. Siya ang nagsusundo sa ’kin noong elementary ako. Napatigil lang akong ihatid niya nang niregaluhan na ako ng sasakyan ni mommy noong ako'y nag-high school. Actually kahit nitong vice president na ako sa Monreal Corp., kapag sobrang pagod ako at hindi ko na kayang magmaneho ay siya na ang mismong sumusundo sa akin. Kung tutuusin nga, mas marami pa yata kaming pinagsamahan ni mang Tadeo kaysa kay dad dahil kung busy ako, pwes mas busy siyang tao. Siya minsan ang napagsusumbungan ko, minsan siya na ang kakampi ko sa bahay." "I-I'm sorry for your loss, Chris." "At alam mo ba? Napakabait ni mang Tadeo. Napakasipag, napakamapagmahal, tapat sa lahat ng tao. Pero 'yong asawa niya? Iniwan lang siya. Kinuha lang ng magaling niyang asawa ang dalawang malaking alkansya niya at naghanap na naman ng ibang makakasama. Tandang tanda ko no’n, grade four ako noong nakita ko siyang umiiyak sa loob ng sasakyan habang naghihintay sa akin. Ayaw niya sabihin ang dahilan dahil masyado pa raw akong bata pero dahil sa labis na pangungulit ko ay nasabi niya na ang rason kung bakit pumapatak ang mga luha niya. Nasaktan akong sobra sa sinabi niya, at naapektuhan din ako sa paghihiwalay nilang mag-asawa. Simula no’n ay gusto ko rin ipaghiganti si mang Tadeo, kaya grade four pa lang ako ay kung sinu-sino na ang binibigyan ko ng love letter dahil simula no’n, tumatak na sa isip ko ang i-isang bagay." "A-anong bagay Chris?" "Na pare-pareho lang ang mga babae. Kahit ano pa ang itsura mo, kahit gaano mo pa ipakitang mahal mo siya, kahit gumugol ka pa ng malaking salapi para sa kaniya, kung iiwan ka, iiwan ka talaga." Napabuntong hininga naman si Amara sa sinabi ko. "Chris, naiintindihan kong nasasaktan ka sa pagkawala ni mang Tadeo. Pero please, don't allow yourself to have a stubborn heart ng dahil lang sa nangyari." "Stubborn heart. Hmm. I don't know, I don't know how to change it. Can you teach me how?" sa 'di ko inaasang pangyayari, she kissed me with her tender and soft lips. AMARA'S POV Nang dahil sa bugso ng damdamin ay lumapit ako bigla sa kaniya at napahalik sa kaniyang labi. WHAT THE HECK AMARA ANTOINETTE GARCIA! Pagkatapos ng kahibangan ko ay umatras na ako kaagad. "U-umuwi na tayo. K-kailangan ka na sa inyo." Lumakad na ako papalapit sa sasakyan. His gaze. Kung nakakatunaw lang ang tingin niya sa akin ay kanina pa ako naging tubig! Pumasok na rin siya sa sasakyan at pinaandar na pabalik sa Maynila. "Amara?" "Hm--mm?" "Thanks for today." "N-no problem." "Pwede bang lumabas tayo ulit sa susunod na araw?" "H-huh? Pero -- " hindi na ako nakatapos pa sa pagsasalita ng biglang tumawag ang mommy niya. "WHAT? WE'RE ON OUR WAY!" binaba niya kaagad ang tawag at mas binilisan na ang takbo ng sasakyan. "A-ano raw Chris?" "Nabuhay raw si mang Tadeo! Na-revive raw ng mga doctor! Pupunta tayo doon Amara at ipakikilala kita!" Kung gaano ko siya kanina kabilis hinalikan, ganoon ding bilis na nakarating kami sa hospital kung nasaan na-admit si mang Tadeo ngayon. CHRIS POV "Mang Tadeo!" ngumiti lang siya sa akin at hindi pa rin lubos akalaing buhay pa siya. "Kumusta na po ang pakiramdam mo!" "O-okay naman ako." "Hi, who's the son of the patient." Sabat ni Doc. Max na kakapasok lang sa silid. "I am doc, he's my second father. Kumusta na po ang lagay niya?" "Aaminin ko, masyadong milagro na nabuhay pa siya. Sa katunayan niyan ay may death time ng naka-indicate sa papel niya. Nagulat na lang ang nurse ng biglang gumalaw ang kamay niya at nanghingi ng isang basong tubig." nanlaki ang mga mata ko maging si Amara, sa narinig namin mula sa doctor. "Ibig sabihin po ba nito ay ligtas na po siya doc?" "Oo, ligtas na siya iho. Sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin namin kung paano nangyari sa kaniya ang milagrong nabuhay siya muli. Mukhang may malakas na anghel ang nagbigay swerte sa kaniya." Nakaramdam ako ng matinding hiwaga at saya dahil ang tao na mahal ko rin ay nasa ligtas ng kalagayan ngayon. "O siya, maiiwan ko na muna kayo. Tadeo, masaya ako sa pangalawang buhay na mayroon ka ngayon." Ngiting saad ng doctor at lumabas na sa silid. "S-siya." Napatingin naman ako sa itinuturo ni mang Tadeo, walang iba kundi ang kasama ko na si Amara. "Mang Tadeo, si Amara po pala. Naalala niyo po ang kasal nila Rumir no’ng nakaraan? Siya po ang nag-ayos ng napakagandang flower arrangement doon." "Siya -- siya nga." Iniangat niya ang kaniyang kamay at itinuturo niya muli si Amara. "B-bakit niya ako tinuturo Chris?" takot na tanong ng kasama ko. "Mang Tadeo, magkakilala po ba kayo ni Amara?" "Nakita ko kayong dalawa Chris -- magkasama." "H-huh? N-ngayon pa lang naman po kami lumabas na magkasama ni Amara. S-saan niyo po kami nakita?" "Nakita ko kayo sa panaginip ko. Noong kalahating oras na nawalan daw ako ng buhay, nakita ko kayong dalawa sa isipan ko." Biglang tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. "A-ano pong ginagawa namin ni Amara -- sa panaginip niyo?" "Ikinasal kayo doon, masayang masaya kayo doon." Napa-atras naman bigla si Amara sa sinabing nakakagambala ni mang Tadeo sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD