CHAPTER 10

1160 Words
Amara's POV Gumalaw-galaw ako sa kinauupuan ko. Napansin ko rin na parang hindi na umaandar ang sasakyan kaya dahan-dahan ko ng iminulat ang aking mga mata. Pagkakita ko ay wala na akong kasama sa sasakyan. Pero pagkatingin ko sa harapan, nakita ko si Chris, payapang nakataw sa napakagandang tanawin dito sa Baguio. "Teka, umiiyak ba siya?" nagpasya na akong bumaba para lapitan ang lalaking gumagambala sa tahimik kong mundo ngayon. "B-bakit mo hindi ako sinabihang -- nandidito na pala tayo?" "Wala, ang sarap lang kasi ng tulog mo kanina, kaya hinintay ko na lang na magising ka. Don't worry, ala una palang naman." "W-what?" "Uhuh. Almost five hours kang tulog. Sobrang pagod ka ba o stressed nup lang 'yon?" "M-maikli lang din kasi ang tulog ko kanina. Ang dami kasing orders eh." Pagsisinungaling kong saad sa kaniya. Kung mahimbing ang tulog niya kagabi, pwes ako naman ay paikot-ikot lang sa higaan dahil sa lakad namin ngayong araw! "Okay ka lang ba Chris?" "H-huh? Ako? Oo naman, bakit?" "Wala. Sige pasok na tayo." Hinubad niya ang kaniyang coat at isinuot sa akin. Hindi na ako pumalag pa dahil sa naging malungkot na bigla ang mukha ng kasama ko. "Anong gusto mo Amara?" "Syempre, walang bago. Expresso pa rin." "Pwes hindi na ngayon. Masama sa katawan ang sobra sa kape. Mag-strawberry ka na muna o 'di kaya'y chocolate." Napataas na lang ako ng kilay dahil bakit parang siya na ngayon ang desisyon at hind ako! "Chris? Ang gusto ko ay -- " "Ma'am Amara! Kumusta! Parang ngayon lang yata kita ulit nakita dito ha! Hala ang gwapo naman ng boyfriend mo ma'am! Pwede pa picture po sa kaniya! Bakla! Halika dito at nandito si ma'am!" "Sinong -- MA'AM AMAR! HALA ANG GWAPO NA ITECH BOYLET! Fafa, pwede pa picture! Ma'am Amara pa picture po sa boylet mo ma'am!" saad ng dalawa dito na pinagkakaguluhan si Chris ngayon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila, kung paano ko sasabihing hindi ko siya boyfriend! Hindi na ako nakasagot kaagad kaya mismong kasama ko na ang sumagot sa kanila. "Sure." "OH MY THANK YOU FAFA! Argg kamukha niya si Zayn Malik mamshi Lila! Ang bango-bango pa! Swerte mo naman ma'am Amara!" "Umalis ka na Darla, ako na ang kasunod sa ’yo!" maging si Lila ay nagpakuha na rin ng litrato sa kasama ko. "Thank sir, ma'am Amara, enjoy staying with us po." Hirit ng dalawa at umalis na kaagad sa table namin. Pahigop na sana ako ng strawberry drink ko ng biglang may lumapit naman sa table namin. This time, it's not a woman nor gay. It's a freaking hot man in my side. "Yes?" saad ni Chris sa kaniya. "Sir, pwede po bang makakuha ng litrato?" "Sure." Napakunot ang mukha niya ng bigla tumabi ang lalaki sa ’kin. "Si Amara ba? I'm sorry but I forbid getting pictures with her. I'm sorry." Lumaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. "Napaka-unfair mo naman Chris. Picture lang eh. Tsaka for your information, hindi kita boyfriend. Ni hindi nga kita kaibigan eh." Ang kasama ko naman, habang nakapikit ay bigla na lang napangiti sa sinabi ko. "Eh ayaw ko nga. Si Greg ba pumapayag na magpakuha ka ng litrato sa iba, huh?" napatahimik na lang ako sa sinagot niya sa ’kin. Oo, dalawang taon na kami ni Greg. Pero ang totoo, ngayon ko lang ’to naranasan, na lumabas na halos tatlo o apat na oras. Si Greg kasi, bawat oras sa kaniya ay mahalaga. Ang nakakalungkot lang, hindi ata ako kasama sa mga mahalaga sa kaniya. "Hey, okay ka lang ba? May nasabi ba akong hindi maganda?" "W-wala naman. Wala ka bang -- meeting ngayon Chris?" "Mayroon." "Oh bakit nandito ka ngayon kasama ko?" "Syempre may pinag-usapan na tayo and I'm sincerely respect that." Aww, bakit mas matimbang ako kay Chris kaysa sa sarili kong boyfriend? Ay! MUNTIK KO NG MAKALIMUTAN NA BABAERO PALA ANG ISANG 'TO! HINDI DAPAT AKO BASTA-BASTA MAGPADALA SA SINASABI NIYA! "Amara ano na naman ba ang iniisip mo?" "Wala Chris. Nagugulat pa rin ako sa sarili ko dahil napasama mo ako ngayon sa ’yo." "Hmm. Actually kailangan ko rin ng kausap ngayon. Eh sakto, ikaw naalala ko." "Bakit hindi ibang babae ang hinahanap mo?" "Ano?" "Huh?" "Huh?" "Ma'am ito na po pala ang follow-up order niyo na cookies and chocolate cake. Enjoy sweetness ma'am, sir -- I mean the enjoy the sweet dessert! Hehe." "T-thank you Darla." Saad ko sa kaniya at umalis na siya ulit. "Ano nga sinabi mo ulit kanina Amara?" "Sabi ko, ang sarap ng strawberry drink. Alam mo ba na hindi ako mahilig dito?" Hindi na lang umimik ang kasama ko. Hindi ko na siya pinansin pa at lumabas na ng store. "Saan ka Amara?" "Sa labas tayo? Pahangin lang." Tumayo siya sa pagkakaupo at kinuha ang kaniyang phone at car key. Agad naman siyang sumunod sa akin. "What a beautiful scenery." Panimulang sambit ko. "It is. All natural." Saad niya at nakatingin sa akin. Bigla naman kumabog ang dibdib ko. Napakalakas na kalabog! "Ihahatid na kita sa flower shop mo Amara at baka may iba ka pang gagawin." "Sus. May gagawin ka lang eh. Pero sige anong oras na rin at baka may importante ka pang gagawin sa opisina mo." Sumakay na kami at pinaandar niya na ang sasakyan pabaybay sa daan pabalik ng Maynila. "Hala! Tignan mo! Ang daming bagong souvenirs! Pwede sumaglit muna tayo doon?" "Sige." Nag-park kami sandali at agad pinuntahan ang isang napakalaking boutique. "Hi ma'am Amara! Kamusta po?" "Okay naman! May bago na ba kayong arrival na bag?" "Mayroon ma'am! 'Yong favorite mong strawberry shortcake na bag ay mayroon na! At tulad ng gusto mong kulay, kulay itim po ito!" "WOAH! How much is this? Five thousand!" "M-ma'am, two hundred thousand po -- ang price tag. Exclusive po kasi ang bag na 'yan." "A-ay, s-sige. Iipunan ko na lang muna. P-pwede makigamit na lang -- ng comfort room niyo?" "Sure ma'am Amara." Nakakahiya. AT SA HARAP PA NI CHRIS AKO NAGPAKITA NG GANO’NG MUKHA? NAKAKAHIYA! "Thank you sa pagpapagamit ng rest room. Babalik na lang ako kapag nag-sale na 'yang bag. Hehe. Thank you." "No worries po ma'am Amara. Salamat po sa pagpunta." "N-nasaan ang kasama ko?" "Nauna na po ma'am, may kinausap lang po sa phone eh." "Ahh, sige. Salamat ulit!" "Balik po kayo ulit ma'am, ingat po!" ngiti niya at lumabas na ako ng store. "C-Chris, o-okay ka lang?" "Amara, pwede bang -- gabi na tayo umuwi." Biglang bumigat ang pakiramdam ko, dahil sa nakita kong pumutak ang isang luha niya. "S-sige. G-gusto mo, magpahangin na lang muna tayo." Naging tahimik lang akong nakamasid sa paligid habang siya'y nagmamaneho at pasilip silip na tumitingin sa kaniya. Sa isang napakalawak at napakataas na kalsada, pinahinto niya ang sasakyan. Pagdating namin ay umupo kami sa gilid, nakatanaw sa napakagandang kapaligiran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD