Chris POV
Hindi ko alam ang nakain ko kung bakit ako biglang nagkaganito. Suot ang aking paboritong coat, payapa na akong naka-park sa tabi ng Crisostomo Bazaar.
Alas-otso na ng umaga, nakaramdam ako bigla ng kaunting gutom. Teka, gutom ba talaga to o kaba na?
Tahimik na ako ngayong naghihintay sa bench kung nasaan ako binato ng crumpled paper ni Amara. Dito rin kasi kami magkikita para mag-coffee.
"Lintik na 'yan, pinaghihintay niya ba ako? Hays, kung umalis na lang kaya ako?"
"No, hihintayin ko siya dito, kahit gaano pa katagal." Habang kausap ang sarili at palingat-lingat sa daan, bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lexter.
"Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay sa kaniya, kahit pa gaano katagal. Kusa kang matututong maghintay sa ngalan ng pag-ibig." Napailing-iling na lang ako sa sarili ng bigla kong naalala ang mga isinambit kahapon ni Lexter sa ’kin.
"Me? In love? Why would I? Makikipag-kape lang naman ako sa kaniya eh."
"O sino ang kausap mo?" napatigil ako bigla ng makita ko na ang nakakapang-hypnotized niyang mga mata.
"H-ha? Kanina ka pa ba diyan?"
"Ngayon lang. Tara na dalian mo at baka may makakita sa atin dito." Pagkatapos niyang sabihin ’yon ay lumabas na siya kaagad ng Crisostomo.
"Teka, Amara. Ambilis mo talagang maglakad eh no? Slow down naman."
"Are you out of your mind Chris? Gusto mo ba talagang may makakita sa atin? Tandaan mo, may flower shop ako dito at ayaw kong maging sentro ng chismisan ng dahil lang sa ’yo."
"Edi saan pala tayo magkakape?"
"Chris sa lugar na malayo dito! Malamang!"
"Fine, fine. Ang arte." Saad ko sa kaniya at nilakihan lang ako ng mata at sinimangutan.
"I'll use my car. Doon ako banda naka-park, magkita na lang tayo sa -- "
"At sinong nagsabi sayo na hiwalay tayong pupunta kung saan tayo magkakape? Sumakay ka dito sa sasakyan ko, baka mamaya ay iligaw mo na naman ako. Natuto na ako Amara." Ngiting saad ko sa kaniya at pumasok na sa drivers seat.
Mula sa side mirror ko ay kitang kita ko ang umuusok niyang ilong. Nakakatuwa, nakakatuwa naman siya makita sa napakasungit niyang mukha.
Padabog siyang pumasok sa sasakyan at binalibag ang aking pintuan.
"Alright Ms. Amara Antoinette Garcia. Saan tayo ngayon pupunta?"
"Ikaw na ang bahala Mr. Chris Isaac Monreal basta malayo ako sa kahihiyan."
"Hmm. Gusto mo sa Pasay?"
"No, I'm not into a party life like you wanted. Ibang klaseng babae ang kasama mo ngayon."
"Bakit may sinabi ba akong club? Sabi ko lang naman baka gusto mo sa Pasay. Pero coffee shop."
"Ayan! Kompletuhin mo kasi! Hmm, ayoko do’n, crowded."
"Hmm. Starbucks na lang sa Baguio?" dahil sa kislap ng kaniyang mata, mukhang nagustuhan niya ang sinuggest ko kaya doon na kami nagpasyang magkape.
"What are you doing."
"Can't you see Amara? I'm driving."
"You know what I mean."
"Hmmm." Aaminin ko. Unti-unti na akong nakakaramdam ng kaba dahil sa tanong at titig na binabato sa akin ng babaeng kasama ko ngayon.
"W-wala, I just want to know you."
"Is that all?"
"Why, you want more?" bigla naman siyang napahampas sa braso ko dahil sa sinabi ko.
Ilang minuto rin na tahimik ang naging byahe naming dalawa ng bigla siyang nagsalita.
"Chris, totoo bang magkalaban ang kompanya mo at kompanya ni Greg?"
"Ahuh. Why’d you asked?"
"Hmm. I know, this is a silly question. Pero bakit kailangan niyo pa maglaban? Hindi ba pwedeng magtie-up na lang ang kompanya niyong dalawa?"
"Actually. Pwede naman 'yang sinasabi mo."
"But?"
"But, hindi kami parehas ng prinsipyo, kalidad ng gawa, good management, good handling of employees, work ethic lalo na ng time management." Bigla naman siyang napatingin sa akin dahil sa huling sinabi ko sa kaniya.
"P-paano mo naman -- nasabi 'yan?"
"May isa akong investor na investor niya rin kaya may mga alam ako sa kompanya niya."
"P-pero, siya ngayon ang bagong vice president sa -- "
"Dahil nag-resign na ang previous vice president do’n kaya siya na ang umupo at hindi dahil sa na-promote siya. Malaki na ang inilugi ng kompanya dahil sa pamamalakad niya kaya kahit sino na lang ang kaniyang nilalapitan para maging potential investor. Pero may unting bilib pa rin ako sa kaniya ha dahil nakuha ka pa niyang ikain sa labas kahit sobrang busy." Sa haba ng sinabi ko, gano’n din kahaba ang naging buntong hininga niya.
"Hey Amara, hindi ko sayo sinisiraan si Greg. Sinasabi ko lang sayo ang totoo. Woah, nakakuha rin pala siya ng ganiyang bag. Exclusive Louis Vuitton." Napakunot na naman ang mga noo niya sa sinabi ko.
"W-what do you mean?"
"W-wala."
"Ano nga Chris! Baba ako ngayon sa sasakyan mo!"
"S-sa kaniya ka na lang magtanong -- Amara. Ayoko, na sa akin pa manggaling ang mga salita."
"SASABIHIN MO SA AKIN O GUSTO MONG -- "
"Jez! Oo na sasabihin ko na! Grabe nabingi na ata ako sa sigaw mo!" napatakip na lang ako bigla sa kanang tainga ko.
Mas lumapit pa siya sa akin, dahilan kung bakit mas nakita ko pa kung gaano talaga siya kaganda.
Those deep brown eyes, long straight and shiny hair, rossy cheek and natural red lips caught my attention to her.
"Chris kinakausap mo ba ako o hindi! CHRIS ISAAC MONREAL!"
"A-hh -- oo." Sh*t nawala ako sandali sa katinuan!
"Anong oo! Ang sabi ko saan galing ang bag na 'to!"
"G-galing ’yan sa -- ipinuslit sa custom. M-may kakilala si Greg do’n at maaaring pumuslit din sila."
"At paano ka naman nakakasiguradong pinuslit niya 'to at hindi binili?"
"May ganiyan din si mommy. Ganiyan na ganiyan din. Hmmm, tama. Naalala mo kahapon? Noong nakita kita sa Tom's Kitchen? Kahapon din natanggap ni mommy ang bag na ganiyan rin design. Bigay na galing sa kaniyang kompanya."
Ang kasama ko, hindi na halos maipinta ang mukha. Alam kong galit na galit siya ngayon kay Greg.
"Hey Amara, hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo ngayon. At uulitin ko, hindi ko sinisiraan si -- "
"Chris please, huwag ka na munang magsalita. G-gusto ko na lang munang umidlip. P-please."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil maging ako, nakaramdam din ng pagkadismaya sa sarili, kung tama bang masyado akong naging totoo at prangka sa kaniya.
Lumipas pa ang halos dalawang oras, nakarating na kami sa isa sa mga tinuturing na tourist spot dito, walang iba kundi ang Starbucks dito sa Baguio.