Amara's POV
"Hi. It's me, Chris Isaac Monreal. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya sa ’kin na halos ikalaglag na ng panty ko.
Wait, ano nga sabi ko? ANO NGA SINABI NG ISIP KO!
Bigla na akong bumalik sa katinuan ng bigla akong siniko ni Lyka sa aking tagiliran.
"Magkakilala ba kayong dalawa?" biglang tanong naman ni Carmela dahil sa tinginan namin ng babaerong kasama niya.
"H-hindi ko siya kilala ma'am Carmela. And by the way, I'm -- Amara -- sir."
"Excuse me ma'am, heto na po ang order niyo ngayong sunflower. Bagong pitas po 'yan kaninang umaga." Singit ni Lyka sa nakakabasag na katahimikang bumalot sa amin.
"Thank you Lyka, Amara. Tutuloy na kaming dalawa."
Paalam na niya sa amin at lumabas na sa store. Ang isa naman niyang kasamang lalaki, he smirked at me at nakuha pang kindatan ako.
T-that -- THAT PLAYBOY!
"Okay ka lang ba Amara?"
"K-kunan mo ako ng sunflower!" dali-dali siyang kumuha ng sunflower sa paligid niya.
"Hindi 'yan! SUN FLOWER OINTMENT ANG HINAHANAP KO!" lumaki ang mata niya kaya itinaob niya ang aking bag at kinalakal ng mabilisan ang sunflower ointment sa loob nito.
"Ano ba 'yan Amara! Sanay ka naman makakita ng gwapo ’di ba? Sandali nga at maikuha ka muna ng tubig!"
Hindi ko alam kung nakakatulong ba talaga si Lyka ngayon o nakakadagdag lang ng sikip ng dibdib ko!
"Ito, uminom ka muna. Oy Greg! Mabuti at nakadalaw ka naman dito sa flower shop namin!"
"Hi babe, kumusta? Pasensya ka na at ngayon lang ako ulit nakipagkita sayo. Labas tayo?"
"Hay nako Greg, maganda 'yang naisip mo. Ilabas mo muna ’to si Amara dahil mukhang masisiraan na 'yan ng ulo dito."
Ibinalik ni Lyka sa bag ko ang mga nagkalat na gamit at inabot niya na kay Greg. Lumabas na kaming dalawa akay-akay ako.
"Okay ka lang babe? Bakit mukhang stressed out si Lyka?"
"M-marami lang orders. ’Di lang namin alam, kung paano matatapos -- agad lahat." Pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Ahh."
Lumakad kami sa labas ng Crisostomo at nililingat-lingat ang aking mata kung nasaan ang sasakyan niya.
"New car?" panimulang tanong ko.
"Guess what?"
"What?"
"Well, tapos na ang pagiging assistant ko sa vice president! Dahil ako na mismo ang nakaupo sa position na ’yon!"
"W-wow congratulations Greg!"
"Thanks babe! Come on now hop-in! Babawi ako sayo ngayon." Ngiti niya at pumunta sa flower plant namin sa Baguio.
Habang nasa byahe, napakasariwa pa rin sa akin, ang nangyaring habulan naming dalawa ni Chris.
"Babe, what do want in life? Amara okay ka lang ba?"
"H-huh? Come again?"
"Teka gusto mo ba talaga lumabas Amara? Mukhang masama talaga ang pakiramdam mo."
"N-no. Gusto ko rin makita ang mga bulaklak personally. Lagi na lang kasi mga flower picker ang mga naghahatid do’n sa flower shop. A-ano nga sabi mo Greg?"
"Mamaya na tayo mag-usap babe, kumain na lang muna tayo bago pumunta sa flower plant sa Baguio. Mukhang lutang na lutang ka eh. Madalas ka bang naglilipas sa pagkain? Before I forgot, I have something special pala para sa ’yo." Inaabot niya sa akin ang isang malaking paper bag.
"Woah. Louis Vuitton bag na naman ba!"
"Of coarse. Alam ko kung ano ang mga hilig mo, maging luho mo Amara."
Na-appreciate ko naman na binibilhan niya ako ng mga gamit tulad ng mga ganitong bag na exclusive. Pero hindi naman ito ang gusto ko, dahil ang pagbibigay ng oras sa akin ang pinaka-love language ko and not this materlialistic things.
"Nagustuhan mo naman ba?"
"Syempre naman!" pagsisinungaling ko. Hays, nakaka-guilty naman ’tong ginagawa ko!
Ilang minuto pa ay nakapunta na kami sa isa sa sikat na kainan dito.
"Tom's Kitchen tayo babe. Namiss ko ang Kare-kare dito ni mommy."
"Sure. I want pork barbeque."
Napakasarap ng kinain ko kaya ang naramdaman kong kaba ay napalitan na ng saya lalo na't may kaunting trauma ako kanina.
"Thanks for this great lunch Greg. Namiss ko 'to."
"I know, kailan nga tayo ulit kumaing dalawa dito?"
"Last three months ago?"
"What? Last three months ago pa? Gano’n na ba tayo katagal na hindi lumalabas?"
"Oo, lagi ka kasing busy sa opisina. Pero don't worry dahil naiintindihan ko naman. Madalas kasi na ako lang ang kumakain dito, o 'di kaya'y nagte-take out na lang kay tita Fe para kasabay ko na lang sa flower shop kumain si Lyka."
"I -- I'm sorry babe."
"Hey it's okay Greg. Masaya lang talaga ako ngayon dahil naisingit mo na ako sa priority mo."
"Babe? Bakit ka nagsasalita ng ganiyan? G-galit ka ba sa ’kin?"
"Baliw hindi nga, ang kulit nito. I -- I love you."
"I love you too babe, so so much."
Tumuloy na kami sa pagkain ng mga masarap naming inorder.
"Anak, bakit ngayon ka lang napadpad dito ha?"
"Hi tita Fe!"
"Hi iha! Masaya ako at kasabay mo na si Greg ngayong kumain. Anak naman, bakit hindi mo madalas nilalabas si Amara?"
"Mom naman, alam mo namang busy ako ’di' ba. And naiintindihan naman ako ni Amara. ’Di ba babe?"
"Y-yes po tita Fe, I truly understand kung bakit madalang na lang kaming lumabas ngayon ni Greg."
"Hayss. Sige, maiwan ko na muna kayo at -- "
"Ay mom, may regalo rin pala ako sayo." Abot niya sa ginang ang isang malaking paper bag.
"Another exclusive bag. Thanks anak. Pero sa susunod, kahit wala ng ganito basta mas madalas na kitang nakikita lalo na kayong dalawa ni Amara na magkasama."
"I'll try mom. Sige na at baka may customer na namang nakapila doon." Ngumiti lang sa amin ang ginang at umalis na.
"Greg? Bakit ayaw niyang kumuha ng magiging katuwang niya ng sa gayo’n ay makapagpahinga naman si tita Fe?"
"Bakit akala mo ba wala? Nakikita mo ba ang apat na 'yon? Katuwang niya lahat ang mga 'yan. Magkatulad lang kayong dalawa Amara."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Both of you we're driven by passion. Siya, gusto niya ng customer service. Ikaw gusto mo mag-arrange ng bulaklak o 'di kaya'y mag-ayos ng mga occasion. Parehas kayo na ayaw ang nakaupong trabaho at galit sa buhay opisina in short."
"C-can I ask Greg?"
"Sure babe. What's in your mind?"
"I'm asking this question just for me okay? And not for tita Fe who's really good at cooking specially Kare-kare."
"Give it a shot. What is it?"
"D-do you think -- takot lang ako masyado lumabas sa comfort zone ko, kaya nasa ganitong field ako, na nag-aayos lang ng mga bulaklak sa events?"
"I think yes. Sayang ang pinag-aralan mo. Bakit ka pa nag-aral ng four years sa Southville International School kung mag-aayos ka lang ng bulaklak. Gusto mo bang tumanda ka na lang ay nag-aayos ka pa rin ng bulaklak? It's cheap, Amara." Parang binaril sandali ang dibdib ko, at pakiramdam ko any moment ay papatak na ang mga luha ko.
"S-sandali lang Greg, mag-c-comfort room lang ako. N-nabigla ata ang tiyan ko -- sa kinain ko."
"I'll wait you then after that we’ll hit road to Baguio."
Hindi na ako sumagot sa kaniya at lumakad na ako sa dulong bahagi ng restaurant. Saglit ko lang na inilabas ang mabigat na naramdaman ko dahil sa sinabi ni Greg, pagtapos ay nag-re-touch na sa loob. Hahakbang na sana ako palabas ng biglang humarang si Chris sa akin at pinapasok niya ulit ako sa loob ng banyo!
"CHRIS! Anong -- " hindi na ako napatapos sa pagsasalita ng bigla niyang takpan ang bibig ko.
"Shhh. Calm down. Ayaw mo naman siguro na gumawa tayo ng eksena dito ’di ba?" tinanggal niya nga finally ang kamay niya sa bibig ko pero hinirangan naman ako ng dalawang braso niya para hindi ako makawala! Halos isang dangkal lang ang layo ng mukha ko sa kaniya!
"Ano bang -- ano bang gusto mo!"
"Labas tayo bukas. Just coffee."
"Coffee? Coffee your face! Nababaliw ka na ba Chris? Hanggang dito ba sinusundan mo ako!"
"Woah, bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang kumain dito? Baka gusto mo pang itanong kay manang Fe kung sino talaga ang unang naging loyal customer dito sa Tom's Kitchen?"
"Baka mapahiya ka lang kung magtatanong tayo kay tita Fe." Bahagya naman siyang napa-spechless dahil sa sinabi ko.
"P-paano mo naging -- tita si Manang Fe?"
"Well, anak niya si Greg. Ang aking boyfriend."
"Ohh, boyfriend mo pala si Greg."
"You knew him?"
"Of coarse. Isa sa mga kalaban namin ang kompanya niya. Anyway, hindi kayo bagay."
"Get off to my relationship with Greg, Chris."
"Sa isang condition. Mag-coffee tayong dalawa bukas. Eight am sa Crisostomo, kung saan mo ako binato ng crumpled paper."
"P-paano kung -- "
"Babe, may kausap ka ba diyan?"
"W-wala Greg. May kausap lang sandali -- sa phone."
"Your sick Chris! Oo na pumapayag na ako!" taimbagang bulong ko sa kaniya.
Pinakalma ko na ang sarili bago ako lumabas ng comfort room.
"Tara na babe?"
"Sige, pero -- pwede bang i-take out mo ako ng burger? B-baka gutumin ako sa daan eh."
"Sige." Lumapit na sa counter si Greg habang hinihintay ko siya sa table namin. Sa hindi ko inaasahan, dumaan sa gilid ko ang walang hiyang si Chris at hinawakan ang laylayan ng buhok ko.
Para akong na kuryente sa ginawa niya! 'Yon na ba ang tinatawag na spark?