CHAPTER 7

1075 Words
Amara's POV Halos takbong kabayo na akong lumilibot dito sa Crisostomo para lang iligaw ang masamong d**o na si Chris! Nang makalayo ng kaunti, sumilip muli ako sa kaniya para malaman kung hindi na ba niya ako nasusundan. Pero ang walang hiya! Nakita niya ako ulit at patakbo na namang nagtago! Mabuti na lang at tagusan ang ibang stante dito kaya mas mabilis ko ng nailigaw siya. Hindi na ako sumilip pa dahil baka mamaya ay mahuli niya na naman ako. Teka, malinaw ba niyang nakita ang mukha ko kanina o hindi? Habang nakatayo sa dulong bahagi, nakikita ko ang kaniyang reflection mula sa maliit na salamin. Lalo lang kumakabog ang dibdib ko ngayon! "Hi sir gwapo! Nako kamukha mo si Zayn Malik fafa! Ano po ang pwede kong maihandog sayo bukod sa aking sarili?" saad ng isang salesady. IWW! Sa ganiyang tao sila nagkakagusto! "Hi, m-may nakita ba kayong tumatakbong babae?" hingal niyang saad sa kausap. "Ahh puso ko 'yon sir. Dahil sa biglang tumibok ang puso ko para sa iyo." "Hindi. Magandang babae ang hinahanap ko." "Simpatiko! Ibig mo bang sabihin ay hindi ako maganda!" "H-hindi naman sa gano’n." "Lumayas ka dito!" Habang nakikinig sa kanila ay hindi ko maiwasan na hindi matawa. At kilig dahil sa sinabihan niya ako ng maganda? Habang nagtatago ay napansin kong wala na ang anino niya. Ilang minuto pa akong namaligi sa pagtatago bago tuluyang lumakad palabas sa stanteng kinaroroonan ko. "Hi." Halos mawindang ako ng may biglang humatak na kamay ko pabalik sa loob ng stante. Nanlaki ang mga mata 'ko. IT'S CHRIS ISAAC MONREAL! "P-pwede ba Chris, b-bitawan mo -- ’ko?" "At kung ayaw ko?" tanong niya na halos ikinapanghina na ng katawan ko. "Bakit mo ako tinapunan ng crumpled paper? Mukha ba akong may atraso sayo? At dahil sa ginagawa mo -- " napatigil siya pagsasalita dahil sa biglang may tumawag sa kaniyang cellphone. "Yes Carmela? Kasama mo na sila Allen at Lexter? Sige diyan ka lang muna at -- " dumulas ang kamay ko sa kaniyang pagkakahawak dahil na rin sa tinding pawis ngayon ng kamay ko! Inubos ko ang aking buong lakas para tumakbo na ng papalayo habang may kausap siya at pumasok na naman sa ibang stante hanggang nakaabot na ako sa flower shop namin. "Amara? Anong dahilan at bakit ka nagtatago diyan? Tinotopak ka na naman ba ha?" "Shhh Lyka, pwede ba huwag ka munang maingay?" "Alam mo Amara nakakahalata na ako sayo." "Anong halata?" tanong ko sa kaniya habang nakamasid pa rin sa labas ng store. "Halatang nagdrodroga ka na!" Napasambunot na lang akong mahina sa kaniyang buhok dahil sa kung anu-ano na naman ang lumalabas sa kaniyang bibig. "Baliw ka talaga!" "Kung ako baliw, pwes ikaw mukhang gumagamit na ng bawal na gamot! Bakit ka ba nagtatago? Sino ang tinataguan mo? Huwag mo sabihing ninakaw mo lang ang gunting at plastic cover na dala-dala mo ngayon?" "Lyka, huwag ka na muna maingay. P-promise, sasabihin ko lahat mamaya sayo." "Sabi mo 'yan ha." "Siya nga pala. Tumawag sa akin si Ms. Monreal dito sa shop." "O ANO RAW!" "Yawa ka Amara ano na bang nangyayari sayo! Nakakagulat ka naman!" CHRIS POV Ang tindi ng babaeng 'yon tumakbo. Isa ba siyang athlete? O dala na rin 'yon ng matinding kaba dahil sa ’kin? "Nakakainis! Hawak ko na siya kanina, nadulas pa sa kamay ko!" taimbagang saad ko. Hawak ang cellphone, bigla na naman itong nag-vibrate. "Nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay dito Chris." "Papunta na diyan Carmela." Maikling sagot ko at pinatay na ang tawag. Nakakainis din ’to si Carmela, wrong timing kung tumawag! Maswerte na lang ang babaeng 'yon at napakalawak ng Crisostomo. Minsan lang akong mapadpad dito kaya kahit simpleng pasikot-sikot ay hindi ko alam. "Makikita rin kita ulit." Mahinang bulong ko sa sarili at lumakad na pabalik kina Lexter. "Saan ka napadpad 'tol? Nahabol mo ba?" "Bakit, may nakikita ka ba ngayon na may kasama ako Lexter? Teka, nasaan si Carmela?" "Nag-comfort room lang sandali, ito naman ang init ng ulo. Ang tagal-tagal mo naman kasing bumalik dito." "’Tol, congratulations." "Huh? Saan?" "Congratulations dahil first time mo ng may hinabol na babae." "Sira ulo." "Totoo. Mostly kasi sila pa mismo ang humahabol sayo. Well this time, mukhang ikaw naman ngayon ang maghahabol." Pangangasar pa sa akin ni Allen. "Makinig nga kayong dalawa. Hindi ako maghahabol sa babae. Not now, not tomorrow, not forever. Do you get that?" "Talaga lang, ano pustahan? Paano kung mabaliw ka na sa babae this time?" "Edi nasayang lang ang mga pera niyo sa pustahang sigurado naman tayo na ako ang mananalo?" "Watch out Chris. Watch out to your mouth." Parang tumaas ng bahagya ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. "Sige deal. How much?" "Five hundred thousand?" "Common Allen, higher please." "Eight hundred thousand." "Maximum na ba 'yan Lex?" "Oo, huwag na muna tayong basta-basta gumastos ngayon. Lalo na at manganganak si Rain, kailangan ng bigating regalo do’n." "What? Why?" kunot noo ko namang tanong sa kaniya. "Syempre kailangang regaluhan natin si Rain maging ang dalawang bagong kambal." "Para?" dagdag pang tanong sa kaniya ni Allen. "Ano pa ba? Syempre para mabango tayo kay Rain! Nang sa gayon ay manakaw natin minsan si Rumir sa kanila!" "What a brilliant mind you have Lexter." "Of course, Chris Isaac Monreal. Siguraduhin mong mapapanalo mo ang pustahan na hindi ka ma-i-in love." "Teka, papaano si Carmela? Excepted na ba siya do’n Lex?" "Hmm. Very good question Chris. Well, total secretary mo si Carmela, excepted na siya." "Nangangati ang kanang kamay ko Chris! Mukhang magkakapera talaga ako ngayon sayo!" bahagya na namang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. "Chris nandiyan ka na pala." "O Carmela, saan ba tayo pupunta?" "Babalik na sa opisina, bakit?" "Wala lang. O paano, una na kami dalawa ni Carmela ’tol." Nakipaghand-shake na ako sa dalawa bilang pagpapaalam sa kanila. "Don't forget our deal." Kindat ni Allen at ngiting pang-asar ni Lexter. Ngiti na lang ang naiganti ko sa kanila at lumakad na kasunod ni Carmela. "Sa kabila ako naka-park, doon na tayo dumaan." "Sandali Chris, may dadaanan lang tayo banda doon. I want new daily design sa table ko." Pumasok kami sa isang flower shop store at doon ko na nakita ang babaeng kanina ko pa hinahabol. "Hi. It's me, Chris Isaac Monreal. Ikaw, anong pangalan mo?" ngiting pang-aasar na salubong ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD