CHAPTER 6

1127 Words
Amara's POV Ilang linggo na ang lumipas mula noong na hot-seat ako, ewan ko ba. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kaba dahil sa binigay na tension sa akin ni mama. "Tunganga ka naman dyan dai?" tanong sa akin ni Lyka na katuwang ko sa pagbabantay dito sa flower shop. Matagal na rin siyang nagtratrabaho sa akin kaya kahit siguro nakapikit siya ay kaya niya ng mag-ayos ng iba't ibang disenyong bulaklak. "H-ha, wala. Nag-iisip lang ako ng bagong flower design." "Weh, maniwala. Mukhang nag-away kayo ni Greg no? Kwento naman diyan." Saad niya habang ngumunguya pa ng kaniyang bubble gum. "Baliw, hindi naman kami nag-aaway no’n. Alam mo naman 'yan ’di ba?" "Oo, pero ang weird niyo. Weird niyong dalawa parang hindi kayo mag-jowa." "Hindi ba pwedeng malawak lang talaga ang isip namin kaya hindi kami nag-aaway ni Greg?" taas kong kilay na pagpapaliwanag sa kaniya. "No, kahit pa gaano kalawak ang isip mo at isip niya, hindi pa rin normal na hindi kayo nag-aaway. As in wala kayong away eh. Kung mayroon man, 'yon ay kung late siya sa mga lakad niyo dahil sa napaka-busy niyang tao. Paano kayo mag-grogrow niyan?" "Hi! Do you have fresh red roses today?" sabat sa amin ng isang customer. Napunta ang tingin namin sa kaniya at inasikaso naman siya kaagad ni Lyka. Wait, why does she look so familiar to me? "Here's your fresh red roses. May I know your name ma'am?" "I'm Carmela. Thank you so much for this." Ngiting sambit niya at lumabas na ng store. "Tadaa." Hawak ni Lyka ang pera at pinaypay sa kaniyang mukha. "Mukhang mas malakas tayo ngayong araw ha. Alas-nwebe pa lang ng umaga ay nakakarami na tayo. Amara, huy! Okay ka lang ba talaga huh!" "H-huh?" "Bakit ka ganiyan makatingin kay ma'am Carmela? Kilala mo ba siya?" "S-siya kasi ang secretary na kilala kong asungot." "Oh, asungot. Sino itey?" "Wala, wala. Sige na, ayusin na natin ang iba pang mga bulaklak sa likod." "Bilis ng segwey ha. O siya, bibili na muna ako ng bagong gunting sa book store, sumuko na ang luma eh. Mukhang naghahanap na naman ng bago." "Ako na lang ang bibili. Hintayin mo na lang ako dito at magsimula ka na mag-organize ng mga bulaklak. Unahin natin ang kulay pula Lyka." "Oki, doki! Bilis lang mamsh para makadami na tayo." Pakisuyo niya at lumabas na ako ng store. Hays. Mukhang hindi lang ako sa bahay napre-preasure kundi dito rin sa flower shop ko! Hmmp! Binaybay ko na ang dulong bahagi ng Crisostomo kung nasaan ang National Book Store. "Hmm. Ano pa kaya ang kailan kong bilhin bukod sa gunting? Ahh, alam ko na. Bibili rin ako ng malaking plastic cover para ipangtakip sa mga bagong pitas na bulaklak." Pagkatapos kong mabili ang lahat ng kailangan ko, lumabas na rin ako kaagad ng store. "Wait, tama ba ang sukli ko? Makatingin nga sa resibo." Pagkaangat ko ng maliit na papel, isang grupo ng mga lalaki ang nakita kong nakaupo na masayang nag-uusap. "Aba'y buhay pa pala ang isang 'to!" CHRIS POV It's really good to be back in my normal life. Four bad boys time ang ganap ko ngayon at hindi na itsura ng kwarto ko ang aking nakikita. "’Tol, hayop ka talaga." Panimulang pangangasar sa akin ni Lexter. "Ano na naman ba? Hahaha." "Alam mo Chris positive ka." "Saan na naman Allen?" "Positive na masama kang d**o!" pangangasar niya dahilan ng pagkahalakhak ng mga kasama ko. "Malay niyo, may ganap at papel pa ako sa buhay kaya I'm still breathing and existing." "Ganap? Baka pangbababae na naman 'yan?" "Tsss. Si Chris? Magbabago? Eh nasa dugo niya na 'yan!" si Rumir naman ngayon ang nang-aapi sa akin. "Hey Rumir, how's married life?" sabat naman ni Allen kaya kahit papaano ay nawala na ang attention sa ’kin. "Well, wala akong ibang masabi kundi napakasaya. 'Yun lang. Kaya ako, pangarap ko rin na maikasal kayong tatlo. Pero sa tamang babae naman please? Teka, bakit nasa akin na naman ang sentro ng usapan natin? Ikaw Chris? Kumusta na ba ang pakiramdam mo? Sigurado ka bang okay ka na talaga? Baka mamaya ay mabinat ka at kami pa ang mapagalitan ni tita Glinda." "Okay naman na ako, see?" tumayo ako sa harap nila at nakuha pang umikot para mas maramdaman nilang okay na talaga ako. "Iba talaga ang dugong Monreal 'no. Anim nga talaga siguro ang buhay mo." "Palakasan lang talaga ng guardian angel, Lex. Hahaha." "Wait, guys excuse me. Tumatawag lang si Rain." Sinagot niya ang tawag dahil baka mamaya ay mabaril pa siya sa harap namin. Grabe kasi ang pagiging maldita ngayon ni Rain dahil sa pagbubuntis. "Guys, nasa Timezone sila. Punta lang ako agad doon ha. Alam niyo na, hindi naman ako tulad ni Chris na anim ang buhay." Saad niya at humalakhak na naman ang mga baliw kong kasama. "O sige na, text na lang ulit ’tol." Kumaway na siya sa amin at patakbong lakad ng umalis. "Tingnan mo kaibigan natin, pamilyado na. Hindi katulad dati na halos buong araw ay magkakasama tayo ng walang gumugulo." "So you mean Lex, magulo si Rain?" "Oo -- ay mean hindi! Tarantado ka talaga Chris!" "Nililinaw ko lang naman Lex, haha! Anyway, kumusta kayo ni Shasha? Kayo na ba?" "Sort of?" "Anong sort of ang sinasabi mo? Ito Lexter ha, wala akong tutol sa inyo ni Shasha. Kung tutuusin, boto pa nga ako sa inyong dalawa eh. Ang sa akin lang, sana doon ka sa babaeng -- hindi ka na pahihirapan ng ganiyan." "Alam mo Chris, kapag ikaw na in-love. Ewan ko lang kung saan ka pupulutin. Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay sa kaniya, kahit pa gaano katagal. Kahit ano pa ang dahilan, kahit pa malayo ang edad ng agwat niyo, o kung dahil sa estado ng buhay. If you truly love one person, maghihintay ka sa kaniya. Kusa kang matututung maghintay sa ngalan ng pag-ibig. Unless sa isang bagay." "Unless what thing Lex?" usisang tanong naman ni Allen sa kaniya. "Unless may napili na siyang mamahalin. Unless sinabi niya na sayong hindi ka na niya talaga mahal. Then that is the time para magpakalayo-layo na at magmove-on." "Wow, iba talaga ang mundo kapag in-love eh no. Pero tingnan mo stress ka ngayon habang kami ni Allen ay chill lang." "Excuse me Chris, wala nga akong girlfriend pero hindi ako babaero tulad mo." "Edi ako na ang -- " napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang bumato ng crumpled paper sa akin. "Sino 'yon Chris? Babae mo na naman ba?" Tumayo ako sa pagkakaupo at sinubukan kong habulin ang babaeng naghagis sa akin ng crumpled paper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD