CHAPTER 51 THIRD-PERSON’S PoV Imbes na umuwi si Paolo pagkatapos ng trabaho, tinungo niya ang isang bar na pagmamay-ari ng isa niyang kaibigan. Maaga pa lang ang gabi ngunit marami na ang naririto ngayon ay nagsasaya. Most of them were college students, mga anak ng mga mayayaman at may iilan ding nasa middle class family. Pagpasok niya’y maingay na sa loob. Hindi na lang niya ‘yon pinansin at tinungo ang isang kuwarto malapit sa counter kung saan naroroon ang VIP room na pinasadya mismo ng kaniyang kaibigan. Naroroon na ang mga kaibigan at may alak na rin sa center table ng sofang kanilang inuupuan. May mini stage at pole ito sa harapan kung saan puwede kang mag-hire ng isang stripper at ika’y aliwin. “Hey, what’s up!” bati niya at saka naupo sa tabi ni Lindon. Kumunot ang kaniyang noo

