CHAPTER 50 AMBER [Flashback continuation] Gusto ko siyang pigilan ngunit ayaw gumalaw ng aking mga kamay upang itulak siya. Nalilito ako. Naipikit ko ang mga mata ko’t ilang sandali’y naramdaman ko ang labi nito sa aking labi. Noong una’y dampi lang ang ginawa nito ngunit hindi nagtagal ay gumalaw ang kaniyang labi. Unang beses kong makaranas ng halik. Ang bilin sa ‘kin ni Sister Mary, ay huwag na huwag gawin ang bagay na ‘to dahil hindi pa kami kasal. Ngunit ano ‘tong pakiramdam na nag-uudyok sa aking gawin ang kung ano mang ginagawa ni Paolo. Humiwalay siya’t tumingin sa aking mga mata. “Are you really sure you wants me to kiss you?” tanong niya, malalim ang boses niya. Ang mga mata niya’y malalim din Para akong nahipnotismo. Marahan akong napatango na ang ibig sabihin ay sumasang-

