CHAPTER 45 AMBER Siguro kung noon pa sinabi sa ‘kin ni Paolo na mahal niya ako, maniniwala kaagad ako. Magpapakatanga. Makikinig sa bawat gusto niya. At kahit sobrang sakit na’y hindi ko pa rin siya iiwan dahil mahal niya nga ako. ‘Yung pagmamahal niyang iyon ang panghahawakan ko. Pero… Nasa kasalukuyan kaming panahon kung saan ang dami ng nagbago. I fall out of love. Wala na ‘yong pag-asa sa puso ko na balang araw, mamahalin din niya ako. Naglaho na lahat ng ‘yon at napalitan ng galiit at poot. Gusto kong ipamukha sa kaniya ang lahat nang naging pagkukulang niya sa akin noon. I want him to regret everything. Kaya ko sinabing makikipaghiwalay ako. ‘Yon naman talaga ang plano ko. Kapag nagawa ko na ang lahat ng gusto ko’y hindi na rin naman ako magtatagal pa rito. Why would I stay in t

