CHAPTER 44 AMBER “Do you remember anything?” tanong ni Paolo habang nasa loob kami ngayon ng dati kong kuwarto, dito sa unang palapag sa may ilalim ng hagdanan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. May naalala ako, marami. Ngunit hindi ko puwedeng sabihin ‘yon sa kaniya. If only this room could talk, sasabihin nitong saksi siya sa lahat ng bawat luhang iniyak ko rito. Sa tuwing nagtatago ako kay Paolo, ang kuwartong ito ang nagiging safest place para sa ‘kin. Sa madilim na kuwartong ‘to ang mga alaalang nais kong kalimutan. Umiling ako at saka tumalikod. “Nothing,” I answered and went out of the room, immediately. Dahil kapag hindi pa ako lumabas ay baka mag-break down lang ako’t masampal ko nang paulit-ulit si Paolo sa lahat ng mga kasalanan niya. Tinungo ko ang ikalawang palapag. Na

