CHAPTER 69 ELODIE Kanina pa ako rito sa labas ng mansion. Hinihintay ko kasi si Mommy, na hanggang ngayo’y hindi pa rin bumabalik. Sabi niya kanina’y kakausapin niya si Ate Amber at makikipagbati na siya rito. Gusto kong malaman kung ano’ng pinag-usapan nila at kung nagkabati pa ba sila. Gusto ko na kasing puntahan si Ate Amber at magpapaturo ako nang pagluluto ng cake. The last time she went to Camiguin, nagluto kami ng mga cup cakes at iba pang sweets. She’s really good at it. Kaya nga gusto ko na magkabati sila ni Mommy Adeline, kung ano man ang hidwaan nilang dalawa. “Why are you still standing here? You should stay inside. Malamig dito,” someone from my behind said. Tumingin ako rito at bumungad sa akin si Daddy Mateo. Hanggang ngayo’y hindi pa rin ako makapaniwala na may Tatay a

