Kabanata 7

1347 Words

CHAPTER 7 AMBER - Nang makauwi si Paolo, wala siyang narinig na kahit ano sa akin. Nanatiling tikom ang bibig ko sa nalaman. Ayokong magmula sa akin ang lahat. At ayoko ring isipin niya na sinabi ko iyon para paalisin niya rito si Stella. Alam ko na darating din ang araw na malalaman niya ang lahat. Kaya iwinaksi ko iyon sa isipan ko't itinuon ang pansin sa anak. Hindi na rin naman masyadong magaspang ang ugali ni Stella. Ngunit minsan ay napapansin kong masama itong nakatingin sa akin sa tuwing kumakain kami. Tila ba nagbabanta, na kapag sinabi ko kay Paolo ang nalaman ko'y hindi ko magugustuhan ang kaniyang kayang gawin. Mabuti na lang sa araw na ito'y pareho silang nasa trabaho. Kaya nakakahinga ako nang maluwag. Nagagawa ko ang bagay na hindi ko nagagawa sa tuwing sila'y nandito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD