Kabanata 6

1258 Words
CHAPTER 6 AMBER "Amber!" Mabilis kong nabitiwan ang hawak kong walis at dustpan. Patakbo akong lumapit dito, kung saan ang matalim na tingin ni Stella ang bumungad sa 'kin. "Ano po iyon?" mahinahon kong tanong. Tiningnan ko ang hawak niya. Mga maruruming damit. Bigla niya itong itinapon mismo sa mukha ko na siyang ikinagulat ko ng husto. Nanlaki ang mga matang tumingin ako rito. "Labhan mo ang mga iyan. Make sure to cleam them nicely or else, malilintikan ka sa 'kin. Mas mahal pa mga iyan sa buhay mo," anito at saka ako tinalikuran. Bumuntonghininga ako. Kakaalis pa lang ni Paolo kanina. Pagkatapos ko namang ihatid si Queeny sa kaniyang eskwelahan ay naabutan ko ito kanina na nagmamataktol. Umasta siyang donya at sunod-sunod ako nitong inuutusan. Kanina'y pinalinis niya ako ng makalat na kuwarto ni Paolo, na noon ko lang unang nakitang makalat dahil araw-araw itong malinis at organisado noong wala pa siya. Hindi ko na lang pinatulan pa. Ano'ng saysay para pumatol sa katulad niyang hindi ko mawari kung ano'ng ugali? Para bang may dalawa siyang katauhan. Na kapag nandito si Paolo ay sobrang bait niya, pero kapag wala na rito si Paolo'y ang sama na ng kaniyang ugali. Hinahayaan ko na lang. Hindi ko na pinapansin pa. Sinunod ko na lang utos nito. Niligpit ko na muna ang walis at dustpan, ibinalik iyon sa kanilang lalagyan. Wala kaming washing machine, kaya mano-mano kong nilabhan ang mga damit ni Stella. Napabuntonghininga ako nang makita ko ang panloob niyang may kaunting bahid ng dugo. 'Ganito bang babae ang gusto ni Paolo?' Pagkatapos kong maglaba ay muli akong pumasok sa loob. Saktong lumabas si Stella sa kusina, na masama na naman ang tingin ipinupukol sa akin. "Bakit wala pang pagkain sa kusina?" Hindi ko napansin na magtatanghali na pala. Kaya tumungo ako. "H-Hindi pa po ako nakapagluto. Ngayon pa lang," sagot ko. Maglalakad na sana papasok sa kusina nang hawakan nito ang braso ko nang mahigpit. Hinila ako upang muling makaharap sa akin. "Magtatanghali na, hindi ka pa rin nakapagluto? You're useless!" sabi nito, ramdam ko ang inis sa kaniyang boses. "I'll make sure that Paolo will know this. Nang sa ganoon ay palayasin niya kayo rito." Pabagsak niyang binitiwan ang braso ko't iniwan na lang ako basta-basta. Napakabata niya kung mag-isip. Hindi ko alam kung anong ugali ang nagusutuhan ni Paolo sa kaniya. Dahil ba siya'y mayaman? Maganda ang katawan? Malamang, iyon nga ang mga dahilan. Hindi ako natakot sa kaniyang banta. Alam kong hindi gagawin ni Paolo iyon lalo pa't kahuli-hulian nitong sinabi na 'wag kaming aalis ng anak ko rito dahil hindi ko magugustuhan ang gagawin niya. Kaya't ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Tinungo ko na lang ang kusina at saka nagsimulang magluto ng pananghalian ni Stella. - Nang matapos kaming magtanghalian, na walang nagsasalita sa aming dalawa. Agad akong gumayak upang puntahan si Queeny sa kaniyang eskwelahan. "At saan ka pupunta?" Tumingin ako rito. Nakataas ang kaniyang kilay habang papalapit sa puwesto ko. Kakababa lang nito galing sa ikalawang palapag, may hawak na naman siyang alak sa isang kamay at kakasindi lang na sigarilyo. "Pupuntahan ko lang ang anak ko sa kaniyang eskwelahan," sagot ko, mahinahon pa rin. Hindi ko kailangan maging magaspang ang ugali para labanan siya, dahil sa una pa lang ay wala na akong balak gawin iyon. Mas lalong tumaas ang mga kilay niya. "I know you're not going there. Alam kong sa mga lalaki mo ikaw pupunta." "Hindi ako ganoong klase ng isang babae," sabi ko. Tumawa siya. Iyong tawa na para bang nang-iinsulto. Pero hindi pa rin ako nakaramdam ng inis dahil alam ko sa sarili kong hindi ako katulad ng iniisip niya. "Really? Sa katayuan mo ngayon na paulit-ulit pinagsisiksikan ang sarili sa buhay ni Paolo? You're funny!" Naestatwa ako sa kaniyang sinabi. Hindi ako kaagad nakasagot. Dahil alam kong may parte sa sinabi nito ang totoo. Ang patuloy kong pang-aasam na sana'y ako naman ang piliin ni Paolo, kami naman ng anak namin. Ngunit ang sinabi nitong ipinagsisiksikan ay hindi totoo. Kailan man ay hindi ko ginawa iyon. "K-Kung wala kang magandang sasabihin, maaari bang makaalis na ako't hinihintay na ako ni Queeny?" Pinaikutan niya ako ng mga mata. Humithit sa sigarilyong hawak at saka ibinuga sa harapan ko ang uso nito. "Whatever!" sabi niya't saka ako tinalikuran. Bumuntonghininga ako't umalis na lang doon. - Hindi rin naman ako nagtagal sa eskwelahan ni Queeny. Sakto kasing nakalabas na sila nang makarating ako. Bago kami dumiretso papauwi ay dumaan na muna kami sa palengke. Balak ko kasing magluto ngayon ng paborito ni Queeny, tinolang manok. Bumili lang ako ng kilong manok at saka na kami umuwi dahil mayroon namang mga sangkap sa bahay, wala nga lang mga karne. Pagdating namin ay nagtaka ako nang may puting kotseng nakaparada sa labas ng bahay. Hindi ito kotse ni Paolo dahil itim ang kulay ng kaniya. Kaya agad kaming pumasok ni Queeny sa loob. "Pao's here na po ba, mommy?" tanong nito, "but that's not his car po." "Hindi ko alam, 'nak. Sabi niya kasi'y bukas pa siya uuwi," sagot ko, hindi rin kasi ako sigurado kung si Paolo nga bang ang may-ari ng kotse sa labas ng bahay. Pagpasok namin ay walang tao sa sala. Kaya agad kaming umakyat ni Queeny sa labas, kung saan nagulat ako nang makarinig ako nang mga ungol na nagmumula sa kuwarto ni Paolo. Mabilis kong tinakpan ang mga tainga ni Queeny. "Mommy, what's that sound po?" mahina nitong tanong. Nilingon ko siya ngunit hindi sinagot. Mabilis ko siyang dinala sa kaniyang kuwarto at isinara iyon. "Mommy, may nangyayari po ba kay Pao?" Pinantayan ko siya. Umiling bilang sagot. "W-Wala, 'nak. Huwag mo na lang intindihin iyon. Ayos lang si Paolo," sabi ko. Ayos lang siya lalo pa't mukhang sarap na sarap na naman si Stella sa kanilang ginagawa. "Okay po." Ngumiti siya. Walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa loob ng kuwarto ng ama. "Sige na, 'nak. Gawin mo na ang homework mo. Ipaghahanda lang kita ng meryenda." Sinunod nito ang sinabi ko. Tinungo niya ang study table at saka inilabas ang kaniyang mga gamit sa eskwela. Tumalikod na rin ako't lumabas sa kaniyang kuwarto. Saktong pagsara ko sa pinto ng kuwarto ni Queeny ay siya ring pagbukas ng pinto sa kuwarto ni Paolo. Napatingin ako roon. Hindi agad nakagalaw nang makita ko kung sino ang lumabas sa kuwartong iyon. Hindi ako puwedeng magkamali, kaibigan ito ni Paolo. Sumunod namang lumabas si Stella, na tanging bra't panting itim lang ang suot. Luis. Ano'ng ginagawa ni Luis dito? "See you next time," narinig kong sabi ni Luis. "Puwede ka naman kasing manatili na muna rito. Paolo's not here anyway," sabi ni Stella. Tumawa si Luis. Hindi pa rin nila ako napapansin pero nang mapatingin sila sa direksiyon ko'y pareho silang nagulat. Para bang nakakita sila ng multo na biglang nabuhay. Bakit? Bakit sila gulat na gulat? May hindi ba alam si Paolo sa relasyon nila? Sa nangyari? "A-Amber..." ang nasabi ni Luis habang nakatingin sa 'kin. Kilala niya ako. Malamang. Hinding-hindi ko malilimutan ang atraso niya sa akin, na hanggang ngayo'y pinagdudusahan ko pa rin. "I thought you're not here?" si Stella ang nagtanong. Hindi man lang ito nahiya sa ayos niya. "K-Kakauwi ko lang," sagot ko. "Bakit, may gagawin pa ba kayo? Huwag kayong mag-aalala, hindi ko isusumbong. Pero sana'y huwag dito. Naririnig ng anak ko," sabi ko't umalis na sa kanilang harapan. Naiinis ako. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng awa para kay Paolo. Si Stella ba talaga ang klase ng babaeng mahal niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD