CHAPTER 70: PART II THIRD-PERSON’S PoV Kasalukuyang nakaupo si Paolo sa damuhan sa labas ng nasusunog na bahay. Kani-kanina lang ay nagkaroon nang putukan sa pagitan ng mga Pulis na kanilang kasama at ang mahigit sampo pang mga tauhan ni Adeline. Walang sugatan sa kanila habang nakahandusay naman sa lupa ang mga armadong lalaki. Hindi niya alam ang gagawin. Gulong-gulo na siya kung saan hahanapin ang kaniyang asawa. Sinisisi niya ang sarili. Kung sana’y sinabi niya rito kanina ang problema hindi ‘yong nagpapaka-hero siya, sana’y hindi ‘to naiwan sa kanilang bahay. “Nahanap niyo na ba sila?” tanong ni Mateo, na siya ring sinisisi ang sarili dahil kung napigilan lang niya si Adeline sa mga plano nito’y hindi hahantong sa ganito ang lahat. “We were trying to locate Amber’s phone, pero ma

