WESTBRIDGE University.
Student Council Room.
Hindi pa rin makapaniwala ang buong campus sa nangyari sa hallway. Sa unang pagkakataon, may babaeng hindi natakot kay Xander Villacruz at hindi lang basta bumangga sa kanya, kundi literal na binanatan siya ng matitinding one-liners!
At ang pinakamatindi?
Si Andy Ramirez, ang Ice Queen ng Student Council, at si Xander Villacruz, ang sikat na playboy, ang mismong magkalaban.
At ang pinakamalupit?
Nagkaroon ng pustahan.
Nasa student council room ngayon si Andy, kasama ang best friend niyang si Mia Torres, habang nagpabuntong hininga ito.
"Baliw ka ba, Andy?! Bakit ka pumayag sa pustahan na 'yon?!" halos pasigaw na tanong ni Mia habang mariing hinawakan ang balikat niya.
Hindi man lang nag-angat ng tingin si Andy.
"Chill ka lang, Mia. Alam kong hindi ako matatalo."
"Girl, si Xander Villacruz ang kalaban mo!" Tumaas ang boses ng kaibigan niya. "Xander! The heartbreaker! The walking red flag! Ang lalaking kahit 'yung mga babaeng may standards, nagiging willing ibaba 'yung standards nila para sa kanya!"
Sa wakas, tumigil si Andy sa pagsusulat at itinaas ang tingin kay Mia. "Edi sila na lang. Hindi ako kasama sa statistics nila."
"Pero paano kung may ginawa siyang nakakakilig?" bulong ni Mia, parang natatakot sa ideyang 'yon.
Napangisi si Andy, walang takot sa mga mata.
"Hindi ko alam ang pakiramdam ng kilig."
Bago pa makasagot si Mia, biglang bumukas ang pinto.
Dahan-dahang pumasok si Xander Villacruz, naka-slouching posture at may hawak na papel. Nakangiti itong parang demonyo, halatang may iniisip na kalokohan.
"Excuse me, Miss Ice Queen. Pwede ba kitang makausap?"
Hindi man lang natinag si Andy, bagkus ay tiningnan lang niya ito mula ulo hanggang paa bago bumalik sa paperwork.
"Sorry, fully booked ako today."
Napangiti si Xander at lumapit pa lalo, kaswal na inilapag ang papel sa desk ni Andy.
"Game tayo sa pustahan, 'di ba? Well, gusto kong gawing official 'to."
"Anong ibig mong sabihin?" Itinaas ni Andy ang isang kilay.
"Kontrata." Mapanuksong ngumiti si Xander. "Para patas. Para walang atrasan."
Binalingan ni Andy ang papel.
"Westbridge Bet Agreement. May official title pa talaga?!"
Lumingon siya kay Mia, na mukhang mas lalo lang kinabahan.
"OMG, seryoso 'to? May legal contract?!"
Pinunasan ni Xander ang invisible lint sa kwelyo nito at tumango.
"Para fair. Ang nakasulat dito, simple lang: Kapag unang nagka-crush si Andy sa akin, aamin siya sa buong campus. Kapag ako ang unang nahulog... magpapakalbo ako."
Nanlaki ang mga mata ni Mia.
"HOLY SH-"
Pero si Andy? Kalma lang. Bagkus, bahagyang ngumiti at itinulak pabalik ang papel.
"Hmm. Mukhang simple lang naman. Pero gusto kong magdagdag."
Sumalubong ang tingin sa kanya ni Xander. "Ano na naman?"
"Kapag ako ang natalo, aamin ako sa buong campus. Pero kapag ikaw ang natalo...
"Lumapit siya, bahagyang bumaba ang boses.
"Gusto kong gumapang ka sa hallway habang nakasuot ng t-shirt na may nakasulat na 'I AM ANDY RAMIREZ'S #1 FAN."
Natahimik ang buong room.
Napasipol si Xander, tila aliw na aliw sa idea.
"Damn. May pagka-evil ka rin pala, Ice Queen."
Sumandal ito sa upuan, pinagmasdan ang seryosong mukha ni Andy, bago hinagkan ang ballpen.
"Fine. Challenge accepted."
Hindi nagdalawang-isip si Andy. Kinuha ang ballpen, pumirma sa papel, at iniabot ito kay Xander.
"Game na. Handa ka na bang matalo?"
Tumayo si Xander, naglagay ng pirma sa kontrata, at nginitian siya ng nakakaloko.
"Mas dapat ikaw ang maghanda, Ice Queen."
At doon, nagsimula ang pinakadelikadong laro sa buong Westbridge University.
Nagkalat ang balita sa buong Westbridge University, ang playboy at ang man-hater, may pustahan!
Ang social media pages ng campus, puno ng memes at comments:
Xander Villacruz, titibagin ang Ice
Queen? Good luck, bro!
Andy Ramirez? Hindi yan magpapatalo. Siya pa?!
May nag-post ng kontrata! Totoo nga!
Gusto ko lang makita si Xander gumagapang sa hallway. Sana siya ang matalo!
Sa cafeteria, habang tahimik na kumakain si Andy ng salad, biglang dumating si Mia na may hawak na phone, at halos maluha-luha sa sobrang kaba.
"Girl, nasa trend list ka sa campus forum! Hindi ako ready!" sambit ni Mia, at ang kaba sa boses nito ay hindi na kayang itago. Halos magtalsikan pa ang mga pagkaing hawak nito habang mabilis na papalapit sa table.
Tiningnan ni Andy ang phone ni Mia, at nakita niyang may 5,000 reactions na ang post. Si Andy? Kalma lang, wala ni katiting na pagpapakita ng panic sa mukha.
"And so what?" Nagpatuloy siya sa pagkain, kunyari deadma, pero sa totoo lang, parang may sumisipa sa sikmura niya.
"Andy, buong campus alam na ang pustahan niyo! May nag-leak ng kontrata!"
Napatigil si Andy sa pagnguya. Syempre may chismosa na naman.
Bago pa siya makasagot, may biglang presensya na lumapit. Si Xander Villacruz, may hawak na kape at tila fresh na fresh at ang postura nito ay mukhang artista sa isang toothpaste commercial.
"Sikat na sikat ka na, Ice Queen," nakangiting bungad ni Xander.
Hindi natinag si Andy, pati na ang puso niya. "Ano'ng kailangan mo?" sagot niya, naka-deadpan na parang hindi siya naapektuhan.
Umupo si Xander sa tapat niya, sinadyang sumandal pa sa upuan na parang nasa photoshoot.
"Wala lang. Gusto ko lang makita ang mukha mo habang nalalaman mong buong campus, inaabangan ang pagkatunaw mo sa akin." pang iinis pa nito.
Napatawa si Andy, iyung tipong deadma pero may diin sa boses. "Sinasabi mo 'yan sa akin, pero ikaw ang mas affected. Alam mong nag-viral tayo?"
Pinakita ni Andy ang phone niya kay Xander. Isang edited photo nilang dalawa, may background na mga pink hearts at isang title na malupit:
Westbridge's Hottest Bet: Will the Playboy Finally Fall?
"Okay, wow." Si Xander, napahinto, at pinipigilan ang isang ngiti, na parang naiintriga ito. "Ang bilis nilang gumawa ng meme."
Bago pa makasagot si Andy, mabilis na sumingit si Mia, tuwang-tuwa. "Team Andy kami! Gusto ka na naming makita na gumagapang, Xander!" ang sigaw ni Mia, at parang gusto pa nitong sumayaw sa saya.
Ngunit ngumiti lang si Xander, confident pa rin masyadong confident.
"Tingnan natin, Ice Queen. Hindi pa tayo nagsisimula, pero mukhang may napapakilig na ako."
"Napapakilig? Sino?" Napatigil si Andy, nagkunot-noo. "Ako ba 'yon? Impossible. Dream on, Villacruz."
Habang bumabalik siya sa pagkain ng salad, napansin niyang may kakaibang pakiramdam sa mga daliri niya, parang nanlalamig ang mga iyon,
Relax ka lang, Andy. Hindi ka mahuhulog sa lalaking 'yan.
Pero sa kabila ng lahat, hindi niya rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman niya, para bang nai-stuck siya sa presensya ni Xander..
Habang paalis si Xander, nagbigay ito ng pasimpleng kaway kay Andy, sabay flying kiss
"AYIEEEEEE!" sigaw ng buong cafeteria.
Si Mia? Halos tumalon sa saya, pati mga kasama niya sa table ay nag-uunahan na magtawanan, at ang saya sa mukha nito ay parang na-flood ng happiness.
Si Andy? Halos lumubog na sa upuan, ang mukha ay parang gusto ng maglaho sa harap ng buong campus.
"Magsitigil nga kayo!" mariing saway ni Andy sa mga kaibigan niya, pero bakit ganoon? Napayuko siya, hindi na niya kayang itago ang ngiti na kanina pa gustong sumilay sa mga labi niya.
FIRST PERIOD: Business Ethics Class.
Walang tunog ng ballpen na tumatama sa papel. Walang nag-uusap. Parang may mga magnifying glass na nakakabit sa bawat estudyante. Lahat ng mata ay nakatutok kay Prof. Estrella, ang isa sa pinaka-mahigpit na propesor sa Westbridge University.
Kahit si Xander Villacruz, na kilalang pinakapasaway sa klase, ay tahimik habang nakasandal sa upuan.
Sa harapan, nagdeklara si Prof. Estrella ng bagong class project.
"Partnership Activity. Worth 50% of your final grade!" anunsyo ng teacher nila. Tinapunan nitoe ng tingin ang buong klase.
Nagkatinginan ang lahat. 50%?! Para bang biglang naging triple ang bigat ng hangin sa loob ng classroom.
“And to make things interesting...” Si Prof. Estrella ngumiti, isang ngiti na hindi mo alam kung ito ba’y tanda ng malasakit o may malupit siyang binabalak. “Your partner will be... the person who is most opposite of you.”
“WHAT?!” sabay-sabay na sigaw ng buong klase, parang isang chorus na sinabay sa matinding pagkabigla.
At habang ang lahat ay abala sa pagpapalit ng mga facial expressions, si Andy ay tahimik na nagdarasal sa kanyang sarili. Please, Lord. Kahit sino... huwag lang siya.
“Okay, I’ll announce the pairings now!” Si Prof. Estrella ay parang isang game master na nag-aanunsyo ng hindi malilimutang plot twist.
Habang abala sa pagsusulat si Prof. Estrella ng mga random pairings sa board, si Andy ay nagsimula nang magdasal.
Puwede si Rina, o si Bryan... kahit sino na malayo kay Xander. Huwag lang siya... please, please, please.
“Ramirez... your partner is Villacruz.”
Ang buong klase ay parang nawalan ng control sa katawan nila at sabay-sabay na nag-cheer, tumawa at nagpalakpakan.
“WOOOO! DESTINY NA ANG GUMALAW!” sigaw ni Bryan habang umiikot ang kamay sa ere, parang may concert..
“Oyy! Wedding bells na ‘to!” Hirit ng isa pang kaklase, na parang first love na natamaan ng crush.
Tumaas ang kilay ni Andy. “Hindi nakakatuwa.” Wala siyang pakialam sa mga nagliliparang biro ng klase.
Habang ang buong silid ay nag-uusap at naghihiyawan, si Xander naman ay tahimik lang, at nakangiti, parang itong nanalo ng jackpot sa lotto.
“Mukhang hindi lang sa pustahan tayo magkasama, Ice Queen,” anito, medyo naka-lean back na parang bida sa isang rom-com na movie..
"Bad trip," bulong ni Andy habang pinulot ang ballpen niya.
“Awww, ganyan ka na agad?” Si Xander ay mukhang nag-eenjoy, nagsimula nang maglakad patungo sa kanyang desk. “Tingnan mo nga naman... ikaw pa ang naging partner ko. Sigurado akong fated talaga tayo, Ice Queen.”
Hindi nakatulong ang pagkabigla ni Andy sa comment na ‘yon. “Kaya nga ako naaasar. Kasi nga hindi kita gustong kasama.”
Ngumiti si Xander, sinadya pang lumapit bahagyang yumuko at binulungan siya. “Well... simulan na natin. Baka mahulog ka na agad.”
Napahinto si Andy. Hindi agad ito makapagsalita. Tumitig siya kay Xander, hindi makapaniwala sa sinasabi nito
“Ang lakas ng loob mo, Villacruz,” bulong ni Andy habang nagsasalita, kasabay ng pag-sandali niyang pagsandal sa kanyang chair. Bakit ba ako naba-bother?
“Ganyan ba ang greeting mo sa business partner mo?” tanong ni Xander, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha.
“Mas gusto ko pang mag-partner sa calculator kesa sa’yo,” sagot ni Andy, sabay pinandilatan ito ng mata.
"Ouch. Pero aminin mo, mas gwapo ako kaysa sa calculator." Kumindat pa si Xander, sabay ngising may pang-aasar.
"Oo nga, pero at least ‘yung calculator, may silbi."
Nagkatawanan ang buong klase.
“Awooo! Grabe, Andy, raw sa bias mo!” sigaw ng isa nilang kaklase, na may halong kilig at tuwa.
Si Xander naman, kunwari tinamaan, hawak ang dibdib niya na parang kailangan ng resuscitation.
"Aray, Andy. Sakit naman nun. Parang ‘di tayo magpa-partner for one week."
“One week?!” Napalakas ang boses ni Andy habang napatingin sa Professor na abala sa pagsusulat ng ibang bagay sa board. “Ma’am, puwede po bang magpalit ng partner?”
Pero si Prof. Estrella? Hindi tinitingnan si Andy, Parang gusto nitong siya MISMO ang magsolve sa sarili niyang emotional baggage.
“No switching. Use this time to grow. Business is all about handling difficult people.”
Napangiwi si Andy, habang nagbigay pa ng side-eye kay Xander. “Sana handling situations na lang.”
Si Xander, hindi pa rin titigil sa pang-aasar. “At least magiging memorable itong project natin, ‘di ba? Ice Queen meets Mr. Hotshot.”
“Ewan ko sa’yo, Xander,” irap ni Andy, hindi pa rin sumusuko sa pagiging deadpan. “Tandaan mo lang, trabaho lang to. Walang gulangan, walang asaran, at lalong walang ka-cheapan.”
Nagtaas si Xander ng dalawang kamay, parang inosente. “Ay sus! Kung ‘di mo lang ako crush, iisipin ko pang iniiwasan mo ako.”
Habang naglalakad si Xander palayo, muling lumingon at kumindat sa kanya. “See you later, partner.”
Si Andy, hindi pa rin alam kung bakit para siyang tinamaan ng kidlat sa tuwing naririnig ang pangalan ni Xander. Lagot na… Bakit parang excited pa itong makita ako mamaya?!