CHAPTER ONE
Sa parking lot ng Westbridge University, isang pulang Ferrari ang kumikintab sa ilalim ng araw pero hindi lang ang kotse ang agaw-pansin. Nakasandal sa gilid nito, tila isang modelo sa gitna ng isang photoshoot, si Xander Villacruz.
Matangkad sa taas niyang 6’1. Guwapo. Mayaman. At may katawan na parang galing sa isang sports ad, broad shoulders, toned arms, at isang killer smile na tila laging may gustong landiin.
Hindi siya mahilig sa formal wear; mas gusto niya ang simpleng white shirt na hapit sa katawan, ripped jeans, at sneakers. Ang kanyang "messy but perfect" hair ay mukhang bagong gising pero laging pang-magazine cover ang dating.
Ngunit hindi lang looks ang asset ni Xander. May natural siyang charisma na kahit sinong babae ay maakit sa kanya.
At twenty-one, nasa 4th year na siya sa kursong Marketing pero sa buong campus, hindi siya kilala bilang estudyante. Mas kilala siya bilang...
The Campus Playboy.
Suot niya ang black leather jacket na tila hinulma sa kanyang broad shoulders, nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng jeans habang ang kabila ay abala sa paghawak ng phone. Pero kahit mukhang walang pakialam, ramdam ng lahat ang aura niyang nakakabaliw sa mga babae.
Sa harapan niya, may tatlong babaeng sabay na nagpapapansin.
"Xander, may extra ticket ako sa pool party this Friday. Baka gusto mong sumama?" tanong ng isang brunette habang nilalaro ang buhok nito.
"Oh, pero mas exciting 'yung event sa beach resort ng tito ko. VIP pass na, Xander. Pumayag ka na," dagdag pa ng isang girl na halatang nag-effort sa mini dress nito.
Kahit sinong lalaki, malamang ay nalula na sa atensyon, pero si Xander? Ni hindi nag-angat ng tingin mula sa kanyang phone. Sa halip, isang half-smirk lang ang isinagot niya.
"Ladies, ladies... isa-isa lang. Alam niyong hindi ako pwedeng magpakulong sa isang event lang. Libre akong ibigin, pero hindi mahuhuli." Sabay kindat.
At gaya ng inaasahan, napakapit sa dibdib ang mga babae na parang hinimatay sa kilig.
"O-M-G, ang lakas mo talaga makabighani, Xander!" sabi ng isa, halos bumigay na sa kanyang presence.
Sa isip ni Xander, Isang pangkaraniwang araw lang 'to..
Ngumiti siya, knowing full well na sa buong campus, walang babae ang immune sa kanyang charm.
O, wala pa...
SAMANTALA, sa kabilang bahagi ng Westbridge University, isang kakaibang eksena ang nagaganap.
Kung may listahan ng mga babaeng hindi dapat ginugulo sa buong Westbridge, siguradong si Andy Ramirez ang nasa toplist.
Hindi lang siya top student, siya rin ang Student Council President at Founder ng Women's Empowerment Club. Kapag siya ang nagsalita, parang batas na rin ito sa buong eskwelahan.
May mga nagsasabing intimidating daw siya siguro dahil sa paraan niyang magsalita na parang laging may kasamang "Don't mess with me." Pero kahit ganito, hindi maikakaila na may kakaibang charm si Andy.
Si Andy Ramirez ay binansagang "Certified Man-hater" dahil sa kanyang matatag na paniniwala na lahat ng lalaki ay may bahid ng pagiging manloloko. Isang mindset na nakuha niya matapos masaksihan kung paano nagkaroon ng madilim na epekto ang mga mapanlinlang na lalaki sa buhay ng mga taong mahalaga sa kanya.
Sa taas niyang 5'4", slim ang kanyang pangangatawan na may toned arms at natural na hubog na lumilitaw kahit sa simpleng blouse at slacks. Laging tuwid ang kanyang postura, at ang bawat hakbang niya ay puno ng kumpiyansa
parang laging may nais patunayan.
Dahil sa kanyang matalas na dila at prangka na ugali, marami nang lalaki ang umatras bago pa makalapit.
Ang mahaba at makintab niyang itim na buhok ay laging maayos, bagsak hanggang balikat, at may bangs na perpektong nakatabing sa noo. Palagi siyang nakasuot ng minimalist na damit, blazer, white blouse, at slacks, tila laging handa sa anumang diskusyon o debate, na may matinik na sagot sa bawat tanong.
Pero ang pinaka-kilala sa lahat?
Ang kanyang mga mata, malamig na parang yelo, na para bang kaya kang ipako sa pwesto gamit lang ang isang matalim na tingin. Kaya naman bagay na bagay ang bansag sa kanya:
"Ice Queen."
Twenty years old na siya at kasalukuyang nasa 3rd year sa kursong Business Administration. Si Andy ay kilala sa pagiging matalino, palaban, at walang inuurungan. Sa bawat diskusyon, debate, o class presentation laging siya ang bida.
At ngayon, abala siya sa isang eksena sa hallway.
"Huwag kang iyak nang iyak d'yan, girl. Hindi nakaka-turn on 'yan."
lsang hindi katangkarang babae ang nakatayo sa gitna ng hallway, nakapamaywang habang tinitingnan ang isang umiiyak na estudyante—walang iba kundi si Andy Ramirez.
Sa harapan niya, isang ex ni Xander Villacruz ang humahagulgol habang hawak ang phone. Si Nadia Villanueva.
Kitang-kita sa screen ang chat ni Xander:
Sorry, babe. Alam mong walang forever. Good luck sa next heartbreak mo.
"Tsk. Anong meron sa lalaking 'yon at lahat kayo parang nahipnotismo?" tanong ni Andy, nakataas ang isang kilay.
"K-kasi, ang gwapo niya!" sagot ng umiiyak na babae.
Andy crossed her arms, raising a brow. "Gwapo? Sis, mas may appeal pa 'yung kaldero namin sa bahay."
Mia, her ever-loyal best friend, gasped dramatically. "Grabe ka naman! Hindi naman siguro kaldero-level-"
Andy smirked. "Fine. Pressure cooker na lang. Mas matinik 'yun."
Napahagalpak ng tawa ang mga estudyanteng nakikinig, pero ang ex ni Xander? Lalong napa-singhot.
"Pero Andy, paano kung siya na talaga ang 'the one' para sa akin?" tanong nito, nanginginig pa ang labi.
Andy licked her tongue, kunwari nag-isip ng malalim bago nagpakawala ng matalim na banat.
"The one? Girl, he's the one... na dapat i-report sa barangay."
Tahimik.
Isang segundo lang, at sabog na naman ang tawanan. Even Mia had to admit Andy did not miss.
SA likod ng hallway, papalapit si Xander Villacruz, wala siyang kaalam-alam na siya na pala ang sentro ng chismisan at sermon ni Andy.
Sa suot niyang white polo na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, black slacks, at signature leather watch, para siyang modelong kabababa lang ng runway. At syempre, wala siyang dala kahit anong gamit niya dahil bakit pa niya dadalhin ang bag niya, kung meron naman siyang isang libong kaibigan-s***h-fans na laging handang buhatin ang gamit niya?
Napasipol si Xander habang naglalakad. Pero bigla siyang natigilan nang marinig ang boses ni Andy.
"Kung gusto mong sumaya ang love life mo, tandaan mo 'to, girl: iwas sa walking red flag. Kapag may X sa pangalan, itapon na agad!"
Nagtaas ng kilay si Xander.
Walking red flag? May X sa pangalan?
Parang naramdaman ni Andy na tila may mga matang nakamasid dito.
Napalingon ito sa likuran nito at nagtagpo ang tingin nila ni Xander.
Parang nagkaroon ng silent Western standoff sa gitna ng hallway.
Ang buong student body? Biglang natahimik. Alam nilang dalawang alpha personality ang nagkatapat. Si Xander Villacruz vs. Andy Ramirez.
Si Xander, sinuklay niya ng mga daliri ang buhok, isang dimpled smirk ang pinakawalan niya.
"Aba, aba, may naninira sa pangalan ko? Sino 'yung walking red flag?"
Hinarap siya ni Andy. Nagtaas ito ng isang kilay, naka-cross arms, at walang kahit anong bakas ng kilig sa mukha.
"Ikaw."
Narinig ang collective "OHHHH!" mula sa paligid.
Ngumiti si Xander, pero halatang nang-aasar. "I see. So ikaw pala 'yung tipo ng babae na bitter dahil hindi mo ako maa-attract?"
Napahagalpak ng tawa ang tropa ni Xander.
Si Andy? Wala man lang epekto.
Inangat lang nito ang isang kamay, sabay slow clap. Isa. Dalawa. Tatlo.
Andy crossed her arms, her lips curling into a smirk.
"Wow, 'di ko akalain na bukod sa pagiging playboy may talent ka rin sa pagiging delulu."
Napuno ng katahimikan ang hallway. Walang gustong gumalaw, walang gustong huminga.
Xander, unfazed as always, let out a low chuckle. Pero this time, may bahid na ng challenge ang ngiti niya.
"Ah, ganun? So tingin mo, immune ka sa'kin?"
Andy tilted her head, pretending to ponder.
"Immune?" She scoffed. "Mas may chance pang magkagusto ako sa blackboard kaysa sa'yo."
Gasps filled the air. May tumawa, may napakapit sa dibdib, at may nagpipigil ng sigaw.
Pero si Xander? Lalo lang lumalim ang ngiti. And that look in his eyes? Dangerous. As if saying, "Let's see about that."
Mas lalong lumakas ang "OHHH!" ng mga estudyante.
Pero imbes na maasar, lalong lumalim ang smirk ni Xander.
"Then let's make a bet."
Napakunot-noo si Andy. "Ano?"
Lalo pang lumapit si Xander, halos ilang inches na lang ang pagitan ng mukha nila.
Napuno ng tensyon ang hangin nang muling magsalita si Xander, ang tinig niya'y bahagyang bumaba, puno ng kumpiyansa at hamon.
"Let's bet kung hanggang kailan ka magiging immune sa'kin."
Muling nanahimik ang buong hallway. Walang gustong gumalaw. Walang gustong huminga.
Pero si Andy? Ni hindi man lang natinag. Imbis na sumimangot o mapikon, isang mapang-asar na ngiti ang sumilay sa labi nito.
"Sure," she said, crossing her arms. "Pero ano naman ang kapalit?"
Xander chuckled, his gaze locked onto hers. "Kapag nagka-crush ka sa'kin-aminin mo sa harap ng buong campus."
Andy raised a brow, unbothered. "Fine. Pero kapag ikaw ang unang mahulog?"
Xander leaned back slightly, laughing. "Impossible."
Andy smirked, her eyes gleaming with mischief. "Kapag ikaw ang unang mahulog... gusto ko... magpapakalbo ka."
"Ay, Grabe!" sabay-sabay na sigaw ng mga estudyanteng nakikinig. May mga napahawak sa ulo, may napangiwi, at may literal na napasandal sa locker sa gulat.
Si Xander? Bahagyang natawa sa confidence ni Andy, pero imbes na umurong, mas lumapit pa. His face was dangerously close, enough for Andy to feel his warm breath.
"Game," he whispered, his voice laced with amusement. Then, with a smirk, he added, "But Babe..."
Halos maramdaman ni Andy ang bawat salitang binitiwan nito.
"Sgurado ka bang kaya mong panindigan 'yan?"
Pero hindi rin natinag ang dalaga.
Sa halip, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi ni Andy bago ito dahan-dahang lumapit Kay Xander, halos magdikit na ang mga labi nila.
At sa napakababang tinig na para lang kay Xander, binitiwan niya ang sagot na nagpanginig sa lahat ng nakasaksi
"Dapat ikaw ang tanungin ko niyan."
Napuno nang collective gasps ang buong hallway. May mga napamura sa gulat, may napasapo sa dibdib na parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Si Mia? Literal na napalundag sa tuwa.
Pero si Xander? Hindi siya umurong. Hindi siya napikon. Sa halip, unti-unting lumalim ang ngiti niya, hindi lang basta mapang-asar, kundi isang ngiting may bahid ng delikadong laro. Para siyang isang predator na nakahanap ng bagong paboritong prey.
Mahinang tumawa si Xander, nakatutok ang mga mata kay Andy na para bang siya na ang nakakaaliw na bagay na nakita niya sa buong buhay niya. “Oh, Babe... You just made this more interesting.”
Nagtilian ang ilan sa paligid. Ano daw? Babe?! May iba namang nag-angat ng kilay, pero ang mga matang nakatutok sa kanila ay puno ng excitement para silang nanonood ng isang live telenovela.
Pero si Andy? Walang epekto dito ang binitiwang 'Term of Endearment" na iyon ni Xander. Sa halip, pinagkrus nito ang mga braso at bahagyang itinaas ang baba habang matapang na sinalubong ang tingin ni Xander.
“Bakit? Apektado ka?” bumwelta nito, ang tono ay punong-puno ng pang-uuyam. “Kung hindi mo kayang tanggapin na hindi ka type ng lahat, Xander, then maybe you should get used to rejection.”
“Oo nga naman, bro!” sabat naman ng isang estudyante. May tumawa sa likod.
Pero imbes na mapikon, Lumawak pa lalo ang ngiting sumilay sa mga labi ni Xander. Tinawid niya ang ga hiblang distansiya nilang dalawa, may kakaibang amusement sa kanyang mga mata.
“Babe," mahinang sabi ni Xander sa malalim at mababang tinig. “Rejection? How nice.” He let out a slow, lazy smirk. “But here’s one thing you should know by now… Hindi ako marunong sumuko.”
Naramdaman ni Andy na parang lumaktaw ang t***k ng puso nito, pero hindi pa rin natinag. Iniangat nito ang isang kilay, matalim pa rin ang tono ng boses. “Sige nga, subukan natin ‘yang teorya mo.”
Sa isang mabilis na galaw, hinablot ni Andy ang kuwelyo ng uniporme ni Xander, hinila siya nito palapit hanggang sa magkalapit ang kanilang mga mukha, ilang pulgada na lang ang pagitan nila. Ramdam ang tensyon sa pagitan nila, parang nag-aapoy ang hangin sa paligid.
“Alam mo, Xander,” bulong nito, hindi natinag ang titig. “Ang dami nang sumubok na mga lalaki na gusto akong paglaruan. Alam mo kung anong nangyari?”
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Xander, walang bakas ng pagkailang sa lapit nila. “Hmm… Naging hopeless romantic sila?”
Napairap siya. “Mali.”
Kasabay ng isang matamis na ngiti, unti-unti binitiwan ni Andy ang kwelyo ng polo niya at marahang tinapik na parang tinataboy lang. “Nag-crash sila. Nasunog. At hindi na bumalik.”
Dahan-dahang tumawa si Xander, puno ng aliw. “Then I guess it’s a good thing I like fire."
Bigla naramdaman ni Andy ang mainit at matibay na haplos ng kamay ni Xander sa pulso nito. Hindi nito iyon hinila, hindi rin ito umatras. Pero sapat ang saglit na pagdikit para iparamdam kay Andy na hindi siya natatakot sa larong sinimulan nila.
“Gusto mo ng laban?” Mas mahina ang boses niya ngayon, pero malinaw ang hamon sa kanyang mga mata."Fine. I’ll play.”
Sa mabagal, at siguradong galaw, isang hakbang ang ginawa ni Xander paatras. Buo ang kumpiyansa, parang isang diyos na bumaba sa lupa. Nakasuksok ang mga kamay sa bulsa, relaxed ang postura, tila isang taong kakapirma lang ng multi-bilyong kontrata.
Bago siya tuluyang lumayo, bahagya siyang yumuko palapit at bumulong, "Let’s see who falls first.”
At nang tumalikod na siya para umalis, isang huling sulyap ang ibinigay niya Kay Andy, nandoon pa rin ang pilyong ngiti sa kanyang labi. "But careful, Babe,” dagdag niya, puno ng mapang-akit na babala ang tono. “Baka ikaw ang unang bumigay."
At bago pa makasagot si Andy, naglakad na siya palayo, iniiwan niya itong nakatayo roon, nagpupuyos sa inis.