EVIL TWINS Valentine’s day. Kaya naman bawat parte ng school na daanan ko ay nakikita akong mga lalaki na may hawak na mga roses, balloons, chocolates at kung ano pang kaekekan ang nakikita ko na bibigay nila sa babaeng gusto nila. At dahil valentine’s day ngayon kaya halos walang pumapasok na teacher. ‘Sanang ginawa nalang nilang walang pasok to kung wala din naman palang papasok na teacher.’ Maging ang mga pumasok na classmate ko ay konti lang dahil na rin sa mga booth. Lumabas nalang ako ng room. Naramdaman ko na sinundan pa ako ng tingin nina Selene at Jeremy na kasalukuyang nagkukulitan. “Hey where are you going?!” sigaw ni Sel. “Rooftop” tipid na sagot ko. Pagdating ko sa rooftop ay nakita ko si Nicol na nakasandal malapit sa pintuan pero nilampasan ko lang.

