SILENT DEATH g**g'S ATTACK Pagkatapos ng nangyari kahapon, sinimulan na akong iwasan ni Nicol. Ganun din naman ako sa kanya dahil nahihiya ako. Nalaman na din niya kung ano yung tungkol sa amin ng kapatid niya. Magaan ang loob ko sa kanya. Masaya ako pag nakikita ko siya. Naiinis din naman ako sa sarili ko kapag nagagalit siya sa akin. Nakakalungkot din kapag hindi ko siya nakikita pero sobrang bilis ng t***k ng puso ko kapag andyan sya. Pero kahit na ganun ang nararamdaman ko sa kanya, alam ko naman sa sarili ko na si Nik pa rin talaga ang mahal ko kahit na alam ko wala na siya. “Princess sabi sa amin ni Master kailangan din daw naming pumasok sa school na pinapasukan mo?” sabi ni Jermaine. Si Eris naman tahimik ulit sa isang tabi. “Leave me alone,” sabi ko tsaka sila inunaha

