WHAT HAPPENED 6 YEARS AGO “Where are you going?” tanong ni Jef nang makitang lumalabas ako. Kailangan kong icheck ang kapatid ko dahil baka kung ano na ginawa ni Nicol dun. Buti nalang nga at tulog na tong kambal e. “Checking my sister?” Alam ko naman na di niya ako pipigilan e. Kanina ngang kinulong nila ako tinignan lang niya kami. Di na siya sumagot ulit kaya lumabas na ako at pumunta sa kwarto ni Lyn. Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita kong nakaunan si Lyn sa dibdib ni Nicol habang hawak naman ni Nicol ang ulo niya. Aba’t ang lakas ng loob na tabihan ang kapatid ko! Papasok na sana ako pero may pumigil sa kin. Pagtingin ko si Anj pala. “They’re not doing anything wrong so let them. Sigurado ako na hindi magagawa ni Nic kung ano man ang iniisip mo,” sabi niya sa ak

