FIRST KISS Nang malaman naming na okay na rin pala si Rain umalis na ako doon para puntahan sina Crystol at Angeline. “Bakit nila kinuha si Crystol?” tanong ko sa kanya. Nakaupo lang si Timothy sa isang tabi. Si Crystol naman tulog pa. “They thought na siya ang ilalaban nina Tita sa Demon’s Battle dahil siya ang panganay sa inyo at siya na ang namumuno sa DG,” sabi niya. Ang Demon’s Battle ay ang nalalapit na laban na sinasabi sa akin nina mama. “At anong gagawin nila kung siya nga?” tanong ko at nag-iwas siya ng tingin. ‘They would kill him’ Iyan lang ang alam kong pwede nilang gawin. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pati si Nicol. Nicol is the leader of Ripper’s g**g pero hindi pa kasama ang RG sa top 30 na mataas na g**g. They may be the strongest here but n

