RIPPERS g**g; DEMENTOR g**g; LEGENDARY GANGSTER
Hanggang ngayon nakatingin parin ako sa daan na dinaanan nung babaeng yun.
Naputol ang pag-iisip ko ng tumunog yung phone ko.
“Hello?” sagot ko ng makitang tumatawag si Fior sa isang phone ko.
“Punta ka dito sa underground battle may bagong nanghahamon nanaman sa atin.”
“Ganon ba? Hindi mo ba sila kakayanin?”
“Viens naman! Alam mo naman masyado kong mahal ang mukha ko no!”
“Si Treis ba?”
“Wala siya dito ngayon eh, sya muna yung pinapunta ko sa date ko dapat ngayon e kaso naharangan nga ako nitong mga to. Kailangan ko ng back up para mas mabilis at ng makapunta na ako sa date ko.”
“Tawagan mo si Dyo. Susunod ako,” tapos binaba ko na.
Sa kabila ng pagiging sikat namin sa school dahil sa isa kaming banda ay sikat din kami sa mga gangsters dito sa Laguna. Kilala kami bilang Rippers g**g. Kami ang pinakamalakas na gangsters dito sa Pilipinas. Ang underground battle ay kung saan kami naglalaban para malaman kung tataas na ang rank mo. Sa ngayon ang grupo namin ang rank 1 meaning wala pang nakakatalo kahit sino man sa amin. Kilala ako sa codename na Viens, si Jef naman ay si Dyo na syang kanang kamay ko at magaling sa paghahack ng computer, si Rain ay si Treis at ang tumawag kanina ay si Thunder na kilala sa tawag na Fior.
Madalas kapag may humahamon sa amin ay si Treis ang lumalaban dahil kawawa lang ang grupo na iyon kung isa sa amin ni Dyo ang lalaban. Si Fior naman ay hindi maaasahan sa ganyan dahil busy sa mga ka-date niya na iba’t ibang babae.
Ngayon lang siya napalaban dahil siya ang naharang ng kung sino mang grupo na may lakas ang loob kalabanin kami. Magkamukha naman sila ni Treis o Rain kaya siya muna ang pinapunta doon.
Pagdating ko sa UGB ay nakita ko na agad sila.
“Viens,” sambit ng isa sa kanila. Sa palagay ito ang leader nila. Apat lang sila.
“Kami ang Silver Blades g**g,” pakilala niya sabay labas nila ng mga katana nila.
“Hoy ang daya niyo naman,” kunwaring natatakot na sabi ni Fior.
“Si Dyo?” tanong ko.
“Tinatamad daw. Walangyang yun!”
“Tss”
Bigla nalang nila kaming sinugod. Dalawa sa akin at dalawa kay Fior. Nung una ay sinubukan akong saksakin sa tagiliran nung isa pero nakaiwas ako at sinapak siya. Sumunod naman ang leader nila na nagawa ako tutukan sa may leeg ko pero hinawakan ko ang blade ng katana niya gamit ang dalawa kong palad at sinipa siya dahilan para mabitawan niya ang katana niya. Kinuha ko iyon at isasaksak na sana sa kanya ng sumugod ulit yung isa kanina sa akin pero nagawa kong harangin ang atake niya gamit ang katana na hawak ko. Itinulak namin ang isa’t isa dahilan para magkahiwalay kami.
Nagpalitan lang kami ng atake. Ni isa sa mga atake namin sa isa’t isa ay walang tumatama. Hanggang sa napansin kong tumayo na ang leader nila na nasa likod nito. May kinuha siya sa may binti niya at mabilis niya iyong itinapon sa akin pero mabilis akong kumilos at dinaklot ang kalaban ko at siya ang ginawa kong panangga sa kung ano man ang hinagis niya. Tatlong shuriken iyon at tumama lahat sa kasama niya dahilan para bumagsak siya. Pasugod palang ako sa kanya ng may sumaksak na sa may tagiliran niya.
“Ang bagal mo naman ngayon Viens! Sinabi ko ng nagmamadali ako e,” sabi ni Fior habang pinagmamasdan yung katanang hawak niya na puno ng dugo. Iba talaga galing nito pag nagmamadali.
“May iniisip ako kaninang tumawag ka kaya wala akong gana,” sabi ko sa kanya.
“Tss. Sige na aalis na ako. Kanina pa nagrereklamo si Ra-Treis!” muntik na niyang masabi ang pangalan ni Rain. Gising pa kasi yung isa sa mga gangster na nandito.
“Sige alis na.”
Umalis na siya. Lumapit naman ako dun sa isa sa kanila na nakagising.
“Sabihin mo dyan sa pinuno niyo na huwag na niya ulit tangkain pang kalabanin ang grupo namin dahil wala siyang laban sa amin.”
“Tss. Wag kang masyado mayabang na kung makapagsalita ay akala mo kung sino ng pinakamalakas dito sa Pilipinas.”
“Bakit hindi ba?”
“Hindi. Lalo pa ngayon at bali-balita na nandito sa Laguna ang isa sa malakas na gangster sa mundo natin,” sabi nito at ngumisi. “Ang Legendary Gangster na kung tawagin ng ilan.”
“Anong--” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang siyang nahimatay. Iniwan ko nalang siya mag-isa doon at umuwi na.
Pag-uwi ko humarap agad ako sa computer ko at nagsimulang magbrowse sa UGB website. Lahat ng information sa mga gangster ay dito mo makikita. Kung anong rank nila, specialty sa paglaban at iba pa maliban nalang sa personal information. Tinype ko ang ‘Legendary Gangster’ sa search box. At isang pangalan lang ang lumitaw.
Melody - leader of The Dementors g**g. Master of all kinds of sports. At bihasa din siya sa paghawak ng kahit na anong sandata. Malalaman mong siya si Melody sa tattoo niya sa may batok. Anim na g-clef at anim f-clef na tattoo na hugis bulaklak. Isang galaw niya ang tinatawag na Melodic Death na tanging siya lang ang gumagawa. Habang siya ay nakapikit at may hawak na butterfly sword na nakapabaligtad, isang himig na nakakapangilabot ang ginagawa nito. Sinusundan lamang nito ang himig niya at nakapikit na lumalaban. Wala pang kahit sino ang nakakaligtas kapag ito ang ginagamit niya. It’s been four years simula ng huling kita sa kanya at hindi na muling nakita at nabalitaan pa. Dahil sa galing niya sa pakikipaglaban ay marami ang gustong mahanap siya at hamunin subalit sa hindi malamang dahilan ay bigla nalamang siyang nawala.
Rhythm - siya ang ikalawang malakas sa kanilang grupo ni Melody. Simula ng mawala si Melody ay siya muna ang pumalit dito. Katulad ni Melody ay bihasa din siya sa paggamit ng kahit na anong sandata. Ang pana ang paborito nitong sandata at mahilig siya sa paggawa ng iba’t ibang uri ng lason. Siya ay tinatawag din na Poisonous Prince. Malalaman na siya si Rhythm dahil sa eight note tattoo nito sa kaliwang balikat.
Tempo and Pitch - kilala sila sa galing ng combination sa pakikipaglaban. Wala pang kahit na sino ang nakatalo sa combination nila. Sa kahit anong uri ng laban ay hinding hindi mo sila mapaghihiwalay. Gamit ang b***l ni Tempo at ang katana ni Pitch ay wala ka ng maibubuga pa sa kanila. Makikita ang flat note tattoo nila sa may risk nila.
Sharp - The Shuriken Master. Siya ang pinakamagaling sa paggamit ng shuriken sa g**g na ito. Kadalasan ay may mga lason ang mga ito gawa ni Rhythm. She is the girlfriend of Rhythm. Sa hindi malamang dahilan, katulad ni Melody ay nawala si Sharp 6 years ago. May nabalitang namatay siya sa isang laban ngunit kinumpirma ng leader nila na si Melody noong siya pa ang namumuno na walang katotohanan doon pero inamin din na hindi nila alam kung nasaan. Malalaman na siya si Sharp dahil sa sharp note nito sa may kanang balikat.
Tanging ito lamang ang nakalagay dito. Wala ka din makikitang kahit na anong letrato nila. Sila ang pinakamalakas sa Korea at sinasabing maging sa buong mundo.
Tumingin pa ako ng info sa group nila at laking gulat ko ng malaman na under sa kanila ang Golden Snake g**g na pinamumunuan ni Cobra, isang palatandaan nito ay ang golden snake nito. Ang g**g na ito ang pinakamalakas sa China. Ang Silver Foxes na pinakamalakas sa Japan na pinamumunuan ni Gumiho at ang palatandaan nito ay ang kanyang 9 tailed fox pendant. At ang Black Eagle na pinakamalakas sa States na pinamumunuan ni Dark. Ang black feather na hikaw nito sa kanang tenga ang tanda na siya si Dark.
Ganun siya kagaling na kahit babae siya ay nagawa niyang maging mas malakas pa sa iba? Ibang klase! Nagagawa niya pamunuan ang ganito kalalakas na grupo?
Dahil sa nalaman ko ay parang gusto ko na rin makita ang Melody na ito.
***
“Ms. Valle salamat sa pagtututor mo pala kay Mr. Guevarra. Talagang ang laki ng improvement niya.”
“Wala po iyon Mam”
“O sya, magbreak ka na salamat ulit.”
Lumabas na ako sa office niya. Nakasalubong ko pa si Nicol pero hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy na sa paglalakad papunta sa lumang Music Room. Doon muna ako tatambay.
Biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko doon unregistered number lang siya kaya hindi ko na sinagot. Nagring pa ulit siya hanggang sa ikalimang ring ay noon ko pa lamang ito sinagot.
“Beslyn.”
Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang boses niya.
“G-gel?” halos pabulong ko pa na sagot.
“Ako nga, komusta?”
Hindi ako sumagot dahil dinadigest ko pa ang nangyari. For over 6 years na pagkawala niya ay ngayon ko lamang siya nakausap! Sa lahat ng pinagdaanan ko for all these years ay ngayon lamang ulit siya nagparamdam! Tinignan ko ang number niya. Pang local number na ito ibig sabihin nandito siya sa Pilipinas.
“Nasaan ka?” tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya.
“Lyn-” hindi ko siya pinatapos magsalita.
“Nararamdaman kong nandito ka lang sa Laguna. Magkita tayo sa coffee shop malapit sa NIA. Alam mo na siguro kung san ako nag-aaral. Magkita tayo sa coffee shop na katabi nito. Ngayon din,” sabi ko na may otoridad. Kapag ganyan ako magsalita ay hindi siya pwede makatanggi pa.
Bilis-bilis akong pumunta sa room namin at kinuha ang gamit ko. Nakasalubong ko pa yung babaerong kasamahan ni Nicol.
“Hoy Crystal! Akala ko ba mag-oaudition ka?! Last day na ngayon!” sigaw niya pero hindi ko pinansin.
Lintek yung audition pa nga pala! Kailangan kong makabalik bago mag 6:00.
Pagdating sa Coffee Shop ay nandoon na siya. Ang ikli na ng buhok niya pero lalo lang siyang gumanda. Pagtapat ko sa kanya ay yayakapin niya dapat ako pero bigla akong naupo.
“Nakabalik ka na pala. Alam ba ni Crystol?” diretsong tanong ko pero tinignan niya lang ako meaning ako lang ang may alam na nandito siya sa Pilipinas.
“I know galit ka dahil bigla nalang akong nawala matapos makipagbreak sa kanya pero sana maisip mo na para rin naman sa kanya kaya lumayo na lang ako.”
“Ahhh kaya pala nung time na pipigilan kanya nung naabutan ka niya sa airport ay may kasama kang lalaki. For over 6 years na kinocontact ka namin at hinihintay ang explanation mo ay wala kaming natanggap kung hindi ang sulat mo sa kanya na nagsasabing break na kayo.”
“Lyn let me explain-”
“No need, sabihin mo na lang ang kailangan mo.”
“Lyn-”
“Okay aalis na lang-”
“Okay! Umupo ka na! Di ka pa rin nagbabago, sana palang si Sel nalang tinawagan ko,” sabi niya. Di ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil kanina ko pa siya gustong saktan.
“Lahat ng nangyari sa inyo these past years alam ko lahat iyon. Kaya ako nandito dahil nalaman kong may nakuha ka na ing impomasyon tungkol sa pagkamatay ni Nik.”
Alam din niya kasi ang tungkol sa amin ni Nik, mas una pa nga silang maging close dahil matanda lang siya ng 2 years sa kanya. 22 na ako ngayon, siya 27 na, kasing edad niya si Crystol. Kami kasi ni Selene at Jeremy ang magkasing edad. Si Nik naman ay 25 na sana kung andito pa siya.
“E ano naman ngayon,” sabi ko.
“Gusto ko sanang tumulong. Myembro pa naman ako diba? Hindi mo pa kinukuha yung kwintas ko.” Sabay pakita niya sa akin. Maliban kasi sa tattoo, meron din kwintas ang bawat myembro ng DG. Ang pagbawi non ang tanda na tanggal ka na sa grupo.
“Tss”
“Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ay ieexplain ko kung bakit ako umalis,” sabi niya habang nakayuko. Kahit galit ako sa kanya ay gusto kong malaman ang dahilan niya kaya naman hinayaan ko na lang siyang mag-explain at dahil sa mga narinig ko ay hindi ko alam kung dapat pa ba akong magalit dahil ginawa lang naman pala niya iyon para sa amin.
“Kung ganon kasama ka pa rin ng Hell na iyon?”
“Hindi na. May puso rin naman daw siya. Matagal na nya akong pinakawalan pero dahil sa alam kong galit kayo kaya naman hindi na muna ako bumalik pa.”
“Saan ka magstay ngayon?” tanong ko at napatingin siya sa akin at ngumiti.
Napabuntong hininga ako.
“Sinasabi ko na nga ba” sabi ko at umalis na kami doon. In the end sa amin siya tumira.
“Paano mo pala nalaman ang nangyayari dito?” tanong ko nung inaayos naming ang magiging kwarto niya.
“Kay Beslyn”
“Kay Selene?”
“Oo. Nung makawala ako kay Hell ay agad ko siya kinontact.”
“Ah okay,” sabi ko at lumabas. So all this time alam ni Selene?! Ni wala siyang sinabi!
“Hindi ko pinasabi sayo kasi alam kong galit ka pa. Nung malaman ko yung kay Nik, noon ko naisip na putulin yung connection ko sayo para makatulong ako sa paghahanap pero wala din nangyari,” sabi niya.
“Dapat sinabi niyo pa rin.”
“Kaya nga sorry na. Wag ka na magalit”
“Sige. Pero kailangan mong kausapin si Crystol pag pumunta na sila dito,” sabay lakad na paalis pero napahinto ako ng higitin niya ako
“Ano?!”
“Hindi nasabi ni Sel? Inaayos lang nila yung doon sa Korea tapos pupunta na sila dito. Anyway, alis na ako. May kailangan pa akong puntahan,” sabi ko at tumakbo na kahit nagsasalita pa siya. Pag hindi pa ako tumakbo sa kanya hindi na talaga ako makakaalis.
Pagdating sa room kung saan sila nag-oaudition ay wala ng tao bukod kina Nicol at isang music teacher. Napansin ako ni Nicol kaya binulungan niya yung coordinator ng banda.
“Mag-oaudition ka iha?” tanong niya at tumango lang ako.
“Pero tapos na ang audition at may napili na kami.” Napatingin sina Nicol sa kanya.
“Kung ganon po ay hayaan niyo pa rin po akong kumanta para naman hindi masayang ang inihanda ko sa inyo. Pakinggan niyo po muna at pahintuin nyo ako kapag hindi niyo nagustuhan,” sabi ko. Magsasalita pa sana siya pero kinuha ko na yung gitara sa tabi at nagsimulang tumugtog kaya wala na silang nagawa pa.
Pumikit ako at nagsimula ng kumanta.
“I remember tears streaming down your face
When I said, "I'll never let you go"
When all those shadows almost killed your light
I remember you said, "Don't leave me here alone"
But all that's dead and gone and passed tonight”
Akala ko patitigilin nila ako pero hindi. Pagdilat ng mata ko nakito ko sila na tumigil sa ginagawa nila at napanganga na lang sila sa akin habang kumakanta ako.
“Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound”
Kumirot ang dibdib ko nang muli maalala na naman siya. Akala ko hanggang sa huli makakaya ko siyang protektahan sa lahat ng bagay pero sa huli ako pa ang pinrotektahan niya. Sa huli nawala siya dahil pinrotektahan niya ako.
“Don't you dare look out your window, darling,
Everything's on fire
The war outside our door keeps raging on
Hold on to this lullaby
Even when music's gone
Gone”
Sabi niya noon sa akin na ang pinakaligtas na lugar para sa kanya ay ang tabi ko. Kapag daw katabi niya ako at hawak ang kamay ko kaya niya daw lampasan lahat ng pagsubok na ibigay sa kanya, pero sinong mag-aakala na dahil sa lagi niya pagtabi sa akin, dahil sa lagi niyang pagsama sa akin ay mawawala siya.
“Just close your eyes
You'll be alright
Come morning light,
You and I'll be safe and sound...”
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon hanggang sa isang malakas na palakpak ang narinig ko kaya idinilat ko ang mata ko.
“Bravo! Magnificent! Sabi ko sayo Nic hindi ka magsisisi kung pipilitin mo yan! Ang mga music teachers na nito ang nagsabi! At tama sila!” sabi nung coordinator nung banda nila.
Hindi siya pinansin ni Nicol at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Iniiwas ko ang tingin ko at lumapit sa kanila.
“Since tapos na po ang audition ay hindi na po ako umaasa na manalo. Aalis na po ako,” sabi ko lang at naglakad na pero nagsalita si Nicol kaya napatigil ako pero hindi lumingon.
“Si Sir George lang ang nagsabi na tapos na ang audition at hindi ako, pero ako pa rin ang mamimili kung sino ang gusto kong makaduet kaya isasama ko ang pangalan mo sa mga pagpipilian since na sa akin ang final decision,” sabi niya. Hindi ko na sya nilingon pa at umalis na lang doon na may ngisi. Pero paglabas ng school…
“Kung ganon ay magkita na lang tayo sa contest?” isang lalaki ang humarang sa akin. Mag-isa lang siya.
“Sigurado naman matatanggap ka doon. Hindi ba Melody?” sa pagbanggit niya ng pangalan ko ay alam ko na agad na siya ang pinuno ng Silent Death
“So ikaw ang pinuno ng Silent Death?”
“Yeah. Na kilala sa tawag na Lent pinuno ng Silent Death at siyang magiging kalaban mo sa sasalihan mong battle of the bands,” sabi niya at ngumiti.
“Siguraduhin mo lang na tuparin mo ang usapan.”
“Oo naman,” sabi niya at ngumiti. Tumalikod na siya pero nagsalita ulit ako dahilan para matigilan.
“Bakit mo to ginagawa?” tanong ko
“Malalaman mo kapag natalo mo ako” at naglakad na siya paalis. Susundan ko sana pero mabilis siyang nawala sa paningin ko.
Bahay
“So Beslyn, pupunta nga dito sina Crystol?” yan agad ang salubong sa akin ni Angeline. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa dinning room. Umupo ako doon at pinaghain ni Manang. Habang pinaghahain ako ay nag dial ako sa phone ko.
“Ano nga?!” iritang tanong niya.
“Tanong mo kay Beslyn” at tinutok sa kanya ang phone ko na sinagot na ni Selene
Sinamaan muna niya ako ng tingin bago kunin ang phone ko at tinakbo. Maya-maya bumalik siya na parang zombie kung maglakad.
“Nakakainis! Hindi pa ako handang makita siya!” sigaw niya pero tinignan ko lang siya.
“Anong gagawin ko?” tanong niya sa akin habang nakasubsob ang mukha sa table.
“Kailan daw sila dadating?” tanong ko sabay subo ng kanin
“One month nalang daw ang hihitayin nila. Tss.”
“Edi magready ka na. Pactice mo na speech mo.” Tumayo na ako at nilagay sa sink ang pinagkainan. Dumeretso ako sa sala, sumunod naman siya.
“Galit ba siya?” tanong niya.
“Hindi ko alam. Noong umalis ka never na niya binanggit. Para walang nangyari. Alam mo naman yun, ayaw niya may nakakakitang nasasaktan siya. Pero madalas ko siya naririnig na umiiyak sa kwarto niya nung umalis ka.” Pagkasabi ko nun at humiga siya sa sofa at nilagay ang braso sa mata niya.
“Mas mabuti kung magkaroon kayo ng time na mag-usap kapag nagkita na kayo,” sabi ko sa kanya.
“Mahal ko pa siya Lyn.” Napatigil ako sa sinabi niya. “Madalas sabihin ng parents namin na puppy love lang kasi sino ba naman ang maniniwala na 13 years old lang kami tapos inlove na? Pero sa ilang taon na pagsasama namin alam ng puso at isip ko na totoo ang nararamdaman ko. Siya ang first at true love ko kaya kahit ang tagal na ng lumipas mahal na mahal ko pa siya.”
Hindi lang ako umimik at nakinig sa kanya. Kaming lima, bata pa lang kami magkakasama na kami. 15 years old lang ako ng magmahal ako. Kahit napakabata ko, alam ko na minahal ko talaga siya dahil kung hindi ko siya minahal, bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako kapag naiisip kong wala na siya?
“Mahal pa niya kaya ako after all this years?” nagulat ako sa tanong niya. This time nakatingin na siya sa mata ako at kita ko na ang maganda niyang mukha na nabasa na ng luha. Hindi ako nakasagot at nag-iwas nalang ng tingin.
‘Mahal ka pa niya. Kaya nga nagagawa niya pang kumanta.’
Isang dahilan kung bakit sumama sa banda si Crystol ay para kumanta siya sa harap ng babaeng mahal niya. Para maiparamdam niya kung gaano niya ito kamahal sa pamamagitan ng pagkanta niya. At kung may isang rason man para tumigil ito ay dahil tumigil na rin siya sa pagmamahal sa babaeng iyon.
--