Chapter 5

2206 Words
LIANA FERNANDEZ Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. May kung anong matalim na bagay ang lumipad patungo sa akin pero nagawa ko itong iwasan. Idinilat ko ang mga mata ko at tama ang aking hinala. Ang shuriken master na si Angeline Fernandez na kilala sa tawag nilang Sharp.   Nagpakawala siya ng marami pang shuriken pero madali ko din naman itong naiiwasan. Napakunot ang noo ko.   “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.   “Hmmm…giniginsing ka?”   “Tss. Sa ang sarap mo namang manggising” sarkastikong sabi ko.   “Tsaka matagal din tayong di nagkita. Gusto ko lang icheck kung ikaw pa rin ang Melody na bukod tanging nakakaiwas sa mga shuriken ko,” sabay pakawala ng mas marami pang shuriken pero ang ikinabigla ko ay bukod sa mga shuriken ay may kasama na rin itong mga dagger. Nadaplisan ang kanang binti ko at ang pisngi ko pero patuloy pa rin siya. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin at may nakatutok ng dagger.   “Tss. Kailan mo pa isinama ang mga daggers kapag lumalaban ka?” tanong ko sa kanya.   “Matagal akong nawala Melody. Pero hindi ibig sabihin noon ay huminto ako sa pag-eensayo. Noong minsan kasi na subukan kong takasan si Hell may nakita akong dagger na nakatago doon sa pinagkulungan niya. Pinag-aralan ko iyon hanggang sa malaman ko na kung paano ito gamitin. At nang makaalis na ako sa puder niya sinubukan ko itong gamitin kasabay ng mga shurikens ko” binaba na niya ang dagger na nakatutok sa akin.   “Kain na tayo! May pasok pa tayo e.”   “Ehhh! Tayo?!” takang tanong ko.   “Oo. Kaka-enrol ko lang.”   “Ano?! Paanong—hoy! Tapos ka na sa pag-aaral!”   “Oo nga kung ang edad ko talaga ang ibibigay ko. But I gave them a fake information about me. Ako na ngayon si Liana Fernandez. 23 years old.” at tumakbo na palabas   Anak ng! Sabi ko na nga ba! Hindi kasi halata sa itsura niya na 27 years old na siya. Tss.   “Wag mo ko titigan Beslyn. I’m serious,” sabi niya. Kanina ko pa kasi siya tinitignan habang kumakain e.   “Bakit Liana ang pangalan na ginamit mo at hindi nalang Angel?”   “Hmmm pangalan ng band niyo yun e. Tsaka para naman malayo sa Angeline no.”   “Pagkatapos sa school, saan ka pupunta?” tanong ko. Si Angeline ang tipo na hindi makakatagal ng hindi lumalaban sa isang araw kapag may iniisip siya. Alam ko naman na hindi pa rin nawawala sa isip niya ang pagdating nina Crystol e.   “Kilala mo nga ako.” Sabay ngisi niya. “Balita ko may underground battle din sila dito. Gusto ko hamunin ang pinakamalakas na g**g nila dito.” Dadag pa niya.   “Hindi pwede. Walang pwedeng makaalam na bumalik ka na,” sabi ko.   Noong mawala kasi siya ay marami ang humanap sa kanya at marami din ang gustong pumatay sa kanya upang makuha ang rank niya. Katulad ko ay malakas din si Angeline. Kasing lakas nga niya si Crystol e at silang dalawa ang madalas na lumaban ng magkasama noon.   Ako ang rank 1 gangster sa Korea. Walang naglalakas na loob na humamon sa akin dahil alam nilang wala silang laban. Kung meron man ay mga malalakas talaga sila. Si Crystol ang rank 2 at rank 3 si Angeline. Si Jeremy ang Rank 4 at si Selene naman ang rank 5. Kahit sino ay hindi pa nakita lumaban si Angeline ng mano-mano. Palagi lang shuriken niya ang pinanlalaban niya kaya lagi nilang iniisip na nakuha lang niya ang rank niya dahil kasama niya lagi si Crystol. Kaya naman ng mawala siya ay hinanap nila siya dahil akala nila ay matatalo nila ito kung wala si Crystol sa tabi niya at yun ang pagkakamali nila.   “I don’t care. Matagal na din ang huling laban ko. Sige na Melody. Pretty please?” sabi niya with puppy eyes.   “Tss. Okay. Pero may dalawa ako kondisyon.”   “Shoot,” nakangiting sabi niya.   “Una dapat kasama ako. At pangalawa, hindi nila pwede malaman kung sino tayo. Dahil mahirap ng mahanap tayo-”   “Ng Serpent Venom at maunahan ka nila sa pag-atake. Yeah sure.”   ***   School   “Good morning class. We have a new student here. Come here Ms. Fernandez and please introduce yourself?” sabi ng professor namin dahilan para mapatingin kaming lahat sa pinto.   “Hello,” nakangiting bati niya.   “Ang ganda niya pare!” narinig kong sabi ng kaklase kong lalaki.   “Pare, anghel ba yan?” sabi nung isa pa. Kung ano-anong comment pa ang narinig ko.   “Class please quiet! Ms. Fernandez. Please introduce yourself.”   “Yes Sir. Ahm. I’m Liana Fernandez. 23 years old. Hope I can make friends here,” tsaka siya ngumiti ulit.   “Thank you Ms. Fernandez. You may take you sit,” sabi ng teacher namin. Naglakad na yung babae at naupo sa tabi ko.   “Can I sit here?” tanong niya.   “Nakaupo ka na,” sabi ko pero nagsmile lang siya sa akin. Kinulbit naman ako ni Thunder na nasa likod ko kaya liningon ko siya.   “Pare. Hingin mo number dali!” sabi niya habang inaabot ang phone niya pero binatukan ko lang siya at hindi na pinansin pa.   “Okay class dismiss!”   Dali dali kong inayos ang gamit ko. Half day lang kaming kasama sa banda ngayon dahil kailangan naming magpractice. Excuse naman kami.   “Seatmate,” tawag sakin ng babaeng yun. Tinignan ko lang siya.   “I heard na kasama ka sa banda dito. Pwedeng manood kasama yung friend ko na nag-aaral din dito?”   “Ay nako Miss Liana, pwedeng pwede!” sabat ni Thunder.   “Hindi pwede pumasok ang kahit na sino sa band room bro,” saway ni Rain sa kanya.   “Oo nga. Pero pwede kung kaibigan natin siya. Friend na kita right?” tanong ni Thunder. ‘Playboy talaga kahit kalian!’   “Of course!” sabay palupot niya sa kamay ni Thunder.   “Let’s go friend?”   So no choice kami dahil kailangan namin siya isama. Nauna na sila sa band room. Sumama na ako sa pagsundo sa friend niya na dahil nandoon din naman si Crystal at nang masabi ko na excuse kami.   “Dito ang room niya?” tanong ko. Karoom kasi ni Crystal e.   “Yeah. Wait lang” sabi niya at dire-diretsong pumasok sa loob.   “Tawagin mo na si Crystal pare,” sabi naman ni Thunder. Pero nung papasok na sana ako ay siya namang labas ni Crystal na nakatakip pa ang libro sa mukha.   “Crystal!” tawag ni Thunder kaya napatingin siya.   “There you are Beslyn!” sabi ni Liana na nasa ikod niya. ‘Magkakilala sila?’   “Oh! Let’s go guys. Andito na din naman si Lyn!”   “Lyn?” tanong ni Thunder   “Yeah! Crystal--”   “Tawagan namin. Beslyn” sabat ni Crystal at tinignan si Liana.   “So magkakilala kayo?” tanong ko.   “We’re bestfriends!” masayang sabi ni Liana.   “Bakit pala kayo nandito?” tanong ni Crystal.   “Well. Isama sana kita na manood ng band practice nila,” sabi ni Liana.   “Ahhh. May practice tayo?” tanong ni Cystal sa akin.   “Wait. Tayo? Kasama ka?” sobrang pagtataka ni Liana.   “I’ll explain later. So may practice?” tanong niya ulit   “Yeah. Excuse tayo,” sagot ko.   “Okay,” sabi niya at naglakad na.   Nauuna sila maglakad sa amin. Mukhang may pinag-uusapan pa sila pero di na namin marinig.   “Alam ba ni Crystol ito?” narinig kong tanong ni Crystal.   “Malalaman niya rin,” sagot naman ni Liana   “Sino si Crystol?” tanong ni Thunder   “Boyfriend niya,” sabi ni Liana at nag-make face kay Crystal at tinawanan lang siya nito.   “Ang ganda mo pala pag tumatawa,” sabi ni Thunder nang makita ang tawa ni Crystal.   “Makapagsalita ka friend parang ngayon mo lang siya nakitang tumawa ah?” sabi naman ni Liana   “Ngayon lang nga” sabay naming sabi ni Thunder.   “Seriously?!” tumango lang kami.   “So may boyfriend ka pala Crystal?” tanong ni Thunder.   “Huwag nga kayo maniwala sa babaeng yan,” sabi niya at naglakad ng mabilis.   “Wait Beslyn!”   “Ano ba kasi pinagsasabi mo don?!” bulong niya pero narinig ko naman.   “Bakit totoo naman. Noong kami pa tapos kasama ka sa lakad namin, mas sweet pa siya sayo!”   “Shhhh! Wag ka nga maingay! Tss bitter ka pa din sa akin? Sa lahat naman ng pagseselosan? Seriously?” sinamaan lang siya ng tingin ni Liana.   “Hello!” malakas na bungad ni Liana kina Jef at Rain.   “Hi friend!” sabi naman ni Rain at tinanguan lang siya ni Jef.   “Di niyo nasabi na kabanda niyo pala si Beslyn!”   “Wow! Kilala mo si Crystal!”   “Of course!” sabi niya.   ***   Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin kay Gel na kausap yung kambal.   Baliw talaga ang babaeng to. Noong kasi sila pa ni Crystol ay lagi akong sinasama ni Crystol sa lakad nilang dalawa. Eh sweet kasi si Crystol sa akin kaya madalas mapagkamalan na kami kaya lagi akong pinagseselosan ni Angeline. Sa lahat naman na pagseselosan niya, ako pa na nakababatang kapatid ni Crystol?   Naupo muna ako sa tabi niya habang inaayos nila Jef yung mga instruments.   “Buti hindi nila nakilala ang boses mo?”tanong ni Angeline akin.   “Ewan? Siguro dahil matagal na akong nawala. Tsaka hindi naman tulad ng mga kantang kinakanta talaga ng banda namin yung kinanta ko nung audition e.”   “Tss. Si Nicol, kamukha niya si Nik at kaugali din.”   Natigil ako sa sinabi niya. Tama siya. Kaugaling kaugali ni Nik si Nicol. Nakilala ko siya ng husto kapag nagtututor ako sa kaniya. Kaugali niya talaga ito. At may pagkakahawig din sila.   “Kamukha o kaugali man niya si Nik lagi mong tandaan Lyn. Hindi siya si Nik dahil wala na siya at hindi mo na maibabalik pa.” Natahimik ako sa sinabi niya at pinagmasdan lang si Nicol.   “Tara na Cystal!” yaya sa akin ni Jef kaya tumayo na ako.   After ng practice ay agad kaming umalis ni Gel dahil nga gusto niya makalaban ang malakas na gangster dito. Kaya naman nandito kami ngayon sa isang room ng bahay naming na ngayon lang ulit nabuksan. Nasa loob ng room na ito lahat ng klase ng weapon at mga damit na comportableng isuot kapag lumalaban.   Pinili ko yung leather short at black sando ko na may nakasulat na ‘F*ck Off’. Kumuha din ako ng blazer na may hood para kahit liparin ang buhok ko ay hindi nila mapansin yung tattoo ko sa batok. Si Gel naman ay nakapants at isang long sleeve black na hapit na hapit sa katawan niya. Natakpan din ang tattoo niya sa may kanang balikat. Naglagay din kami ng maskara pero tanging mata lang namin ang nakatakip.   “Nasabi mo na ba sa messenger ng mga gangster dito?” tanong ko sa kanya habang palapit kami sa black jaguar niya.   “Ako pa? Sa tagal kong nawala, madami akong nakalaban at may connection na ako sa lahat ng bansa no.”   “Ano?! So alam nila na ikaw si Sha--”   “Relax. Wala akong binigay na pangalan sa kanila pero sila ang nagbigay ng pangalan sa akin.”   “At ano yun?”   “Unknown,” sabi niya at tumawa.   Nasapo ko na lang ang ulo ko sa sinabi niya.   “Seryoso no,” sabi niya. Pagpasok naming sa kotse niya ay mabilis niya itong pinaandar patungo sa Underground nila dito.   ***   “Ahm Nic,” tawag sa akin ni Rain at seryoso ang mukha niya ngayon. “Tumawag si Scheduler.”   “Oh. Kaya mo na yan,” sabi ko sa kanya.   “No. Hindi ko siya kakayanin” seryosong sabi niya.   “Siya? Isa lang siya?” tanong ko at tumango lang ito. “Sino nanaman bang may lakas na loob yan?”   “Isang di kilalang babae na lumalaban saan mang panig ng mundo. Madami na akong balita sa kanya at wala pang nakakatalo sa kanya. Kahit sino. Nakalaban na niya ang bawat g**g sa iba’t ibang bansa at hindi sila ordinaryong g**g Nik. Malalakas sila.”   “Takot?” pang-aasar ni Thunder sa kanya.   “Hindi bro. Ang gusto ko lang ay samahan niyo ako at kapag hindi ko na kinaya ay makialam na kayo?” sabi niya.   “Nah pass ako bro. I have a date,” sabay ngisi sa kakambal.   Kung ganun nga kalakas ang babaeng yon ay possible ngang hindi siya kayanin ng isang Treis.   “No Fior. Sasamahan natin si Treis,” madiing sabi ko at mabilis na naglakad patungo sa kotse ko.   ‘Hindi kaya isa siya sa Dementor g**g? Or siya na mismo si Melody?’   --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD