Chapter 6

3926 Words
UNDERGROUND BATTLE   “Hindi nalalayo ang itsura ng battle ground nila sa Korea,” namamanghang sabi ni Gel nang makarating kami kung saan nila ginagawa ang undeground battle nila.   “So I guess ikaw ang tumawag sa akin” sabi ng isang lalaking lumapit sa amin na sa tingin ko ay siyang tinatawag nila na Scheduler.   “Yeah. So where are they? Ang pinagmamalaki niyong pinakamalakas dito?” naiinip na tanong ni Gel   “Just wait. Parating na rin naman sila.”   “Yeah. Siguraduhin mo lang na may binatbat yan,” sabi ni Gel na nakapagpailing sa lalaki.   “Ganyan din ang sinasabi ng mga nakakalaban ng mga naghahamon sa kanila pero umuuwi lang sila na talunan to think ang ikatlong rango lang nila ang lumalaban sa bawat naghahamon sa kanila,” napangisi na lang si Angeline o Sharp sa sinabi nito.   “Interesting,” komento ko. Kung malalakas na grupo ang naghamon sa kanila at tinalo ito ng ikatlong rango nila, mukhang malakas nga ang makakalaban ni Gel ngayon.   Maya-maya pa may dumating ng apat na kotse at bumaba ang apat na lalaki. “I think I know them,” bulong ni Sharp sa akin at laking gulat na lang naming dalawa ng mapag-sino kung sino sila.   “Do you know anything about this?” tanong niya sa akin habang gulat na nakatingin sa apat na lalaki na ngayon ay papalapit sa amin.   “No. Ngayon lang ako nagpunta dito kaya wala akong alam,” sagot ko sa kanya pero nagkaroon na ako ng kutob noong minsang maramdaman ni Nicol si Sniper at magawang iwasan ang balang nakatutok sa akin.   “So I guess kayo ang humamon sa amin,” sabi sa amin ni Rain nang makalapit. Sobrang seryoso ng mukha niya ngayon malayo sa kung paano ko siya nakilala. Lahat sila, ibang iba talaga ang aura nila.   “Yes. Got a problem?” tinaasan pa siya ng kilay ni Sharp na mukhang nainis sa tono ni Rain.   “Nah. Hindi lang kami makapaniwala na dalawang BABAE ang naglakas loob na hamunin kami,” sabi naman sa amin ni Jef.   “Don’t underestimate us. Baka kainin mo ang sinabi, mabilaukan ka pa. Besides ako lang ang lalaban sa inyo baka kasi kapag itong kasama ko ang lumaban ay hindi nyo na makita pa ang araw,” pagyayabang ni Sharp kaya siniko ka siya para tumigil.   “Psh. Puro kayo yabang! Hoy Scheduler simulan na natin to!” sigaw ni Rain. Samantalang sina Nicol, Jef at Thunder ay naupo sa isang tabi.   “Okay. Miss gusto kong ipakilala sa iyo ang pinakamalakas na g**g dito sa Pilipinas. Ang Rippers g**g. Ang unang lalaban sa iyo ay ang ikatlong rango nila na si Treis! Treis? Siya ang makakalaban mo,” sabi niya sabay turo kay Sharp. Naupo nalang din ako sa isang tabi na katapat ni Nicol. Hindi ko akalain na isa din siyang gangster.   Nagtanong kila kung sino si Sharp pero nginisian lang niya ang mga ito at hindi na nagpakilala pa.   Unang sumugod si Treis pero napaatras din ito ng may biglang itapon na dagger si Sharp sa direksyon nito. Napangisi ito at tumingin sa mga kasama niya. Ibinato ni Thunder yung hawak niyang katana kay Treis na nasalo naman nito. Sumugod ulit si Treis, this time nakalapit na siya kay Sharp. Dalawang dagger ang hawak ni Sharp na ipinagsasangga niya sa bawat hataw ng katana ni Treis. Nang akmang susugatan niya sa binti si Sharp ay agad na napigilan ito ni Sharp gamit ang dagger na nasa kanang kamay niya at gamit ang isang kamay ay isasaksak sana ang dagger na hawak noon sa tagiliran ni Treis pero nahawakan ito ni Treis dahilan para masugatan siya. Sinipa ni Sharp si Treis at umatras. Napangisi ito ng makita ang dugong dumadaloy sa sariling kamay.   “Pano ba yan. Nasugatan na kita. At mukhang malalim ah?” panunukso pa ni Sharp.   “Tss.”   Susugod na sana ulit si Treis pero tumalon ng malakas si Sharp at nagpaulan ng mga shuriken niya na iniwasan ni Treis at ginawang panangga ang katana nito. Isang paraan para madali mong maiwasan ang mga atake ni Sharp ay dapat malakas ang pakiramdam mo. Hindi siya basta basta dahil hindi madaling hulaan kung saan patungo ang mga shuriken nya. Mahihirapan ka kung mahina ang pakiramdam mo. Dahil kahit gaano ka pa kabilis hindi mo sila maiiwasan kung hindi mo mararamdaman kung saan sila patungo. Yun ang wala kay Rain kaya naman hindi niya magawang naiwasan halos ang tira ni Sharp. Mabuti nalamang at wala si Rhythm na maglalagay ng lason doon sa mga shuriken niya kung hindi kanina pa ito tulog sa dami ng sugat na natamo.   Dalawang dagger ang huling itinapon ni Sharp kay Treis at ang dalawang paa nito ang puntirya niya kaya hindi na makalakad ng maayos si Treis.   “Hmmm…akala ko ba malakas kayo?” nanunuksong sabi nito. Linapitan ni Scheduler si Treis at sinuri ang lagay kung kaya pa nito. Gustuhin mang lumaban pa ni Treis pero ayaw na siya palabanin ng kakambal niya.   Walang laban sa kanya si Rain. Kahit ako ay nahirapan nung labanan ko siya noong una.   “So ano na? Yun na yon? Wala ng gustong lumaban sa inyo?” panunukso pa niya pero biglang tumayo si Jef at Thunder.   “Hindi ko akalain na magagawa mong talunin ng ganun na lang si Treis. Ako si Dyo ang ikalawang rango dito at siya ang kakambal ni Treis na si Fior. Humanda ka babae,” seryosong sabi ni Jef o Dyo sa kanya. Si Thunder o Fior naman ay napapangisi nalang sa sinapit ng kakambal niya pero simaan lang siya ng isa.   Tinignan ko si Nicol. Nakakunot lang ang noo nito na nakatingin sa kanila tapos bigla siya tumingin sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.   “Magkaroon tayo ng kasunduan,” biglang sabi niya na nakatingin pa rin sa akin.   “Kapag natalo nina Dyo at Fior yang kasama mo, tayong dalawa ang maglalaban. At kapag natalo naman kita, sasabihin mo kung sino kayo,” sabi niya ng nakatingin sa akin.   “Paano kung hindi nagawang talunin ng kasama mo siya?” sabi ko sabay turo kay Sharp na nakatingin pa rin sa dalawa.   “Ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin namin.”   Napaisip ako sa sinabi niya. Kung sila ang pinakamalakas na gangster dito sa Pilipinas, may posibilidad na kilala nila ang Serpent Venom. Pwede akong magtanong sa kanila. Pero sa oras na gawin ko iyon siguradong madadamay sila.   “Tignan natin,” sabi ko lang at nginisian siya.   Nagsimula na ang laban. Mukhang magiging maganda ito. Dalawang dagger din ang hawak ni Fior samantalang si Dyo naman ay nakatayo lang doon at waring naghihitay ng pagsugod. Unang umatake si Fior at hinintay lang siya ni Sharp pero laking gulat niya, maging ako ng makitang nasa likod na niya si Dyo at hawak niya ito sa leeg habang si Fior ay nakatutok na rin ang dagger sa kanya.   Hindi ko malaman kung paanong nangyari iyon. Sa isang iglap ay nasa likod na siya ni Sharp.   Napangisi si Sharp. Mabilis niya siniko si Dyo at sinipa si Fior tsaka siya tumalon para makalayo doon sa dalawa.   “Hmmm. Mabilis ka Dyo,” nakangising sabi niya na nakapagpangisi din sa akin. Tinignan ko si Nicol na nakatingin lang din sa nangyayaring laban sa harapan namin.   Mukhang hindi nga lang sila basta-basta para ituring na pinakamalakas sa bansang ito.   This time nauna ng sumugod si Sharp papunta kay Dyo. Akmang sasaksakin niya ito ng hindi niya mapansin si Fior na mabilis nakarating sa likuran niya at sinaksak ang kanang balikat nito dahilan para mahulog ang isang dagger na hawak niya   Napaungol siya sa sakit at hindi pa siya nakarecover sa pagkakasaksak nito sa balikat ay mabilis na pinulot ni Dyo ang dagger na nahulog at isinaksak naman ito sa kanang binti niya at sinipa ang panga nito.   “Kahit babae ka papatulan pa rin kita lalo na kung ang kakambal ko na ang sinaktan mo,” mariing sabi ni Fior sa kanya. Hirap na hirap tumayo si Sharp. Madami ng dugo ang lumabas sa mga natamo niyang sugat.   Gusto ko mang tumayo mula sa kinauupuan ko at tulungan siya ay hindi ko magagawa dahil magagalit lang siya. Mula sa kinatatayuan ay tumalon ulit siya kahit sugatan ang isa niya binti. Nagpakawala siya ng napakaraming dagger. Tinignan ko si Dyo na walang kahirap hirap na iniiwasan ang mga ito.   Mukhang nakuha na niya ang technique para maiwasan iyon. Si Fior naman ay yumuko at ipinangsangga ang dalawang dagger na hawak nito at mabilis na tumakbo palapit kay Sharp. Sa isang iglap nakatutok na ang isang dagger ni Fior sa kanya.   “Sa laban na ito, siguro naman malinaw na ang panalo,” sabi ni Dyo at napangisi nalamang si Sharp at tumango.   “Nice duo,” komento niya at naglakad palapit sa akin.   “Tama nga ata sila na mahina ako pag hindi siya kasama,” bulong niya sa akin at umiling lang ako dahil alam ko na ang tinutukoy niya.   “Sadyang matagal ka nang hindi nakakalaban siguro,” sabi ko at tumayo na.   “Tulad ng napagkasunduan,” sabi ko kay Nicol na nakatayo na din sa harapan ko.   “Hindi ko akalain na mapapalaban ako,” nakangising baling ko kay Sharp pero nagkibit balikat lang sa akin.   “Viens. Leader of the Rippers g**g,” sabi lang niya sa akin at bigla ng sumugod. Wala kaming hawak na kahit anong uri ng sandata kaya naman mano-mano ang laban namin.   Mabagal para sa akin ang mga atake niya kaya naman walang kahirap hirap ko lang iniiwasan pero maling iwas ko lang siguradong mapupuruhan niya ako dahil sa lakas ng bawat atake niya. Bigla siyang tumigil.   “Iiwas ka na lang ba?” iritadong sabi niya. Mukhang hindi man lang siya napagod. Nagulat ako ng susuntukin niya dapat ako gamit ang kanang kamay pero tinigil niya ito at ang kaliwa niya ang tumama sa akin. Napaatras pa ako sa lakas ng atakeng niya na iyon.   “Nice,” sabi ko habang pinupunasan ang labi ko na dumugo.   “Tsk tsk tsk mukhang magsisimula na,” narinig kong sabi ni Sharp sa isang tabi kaya napangisi ako.   “Wala na ba kayong baong katana?” tanong ko kay Scheduler. Nagpindot lang siya sa phone niya at maya-maya ay may dumating lalaki na may dalang dalawang katana. Kinuha ko ang isa at hinagis kay Viens ang isa na nasalo naman niya.   “Let’s start?” tanong ko sa kanya. Hindi pa man siya nakakaporma ay mabilis na akong nakalampas sa kanya at nabigla pa siya ng mapagtantong na nagawa ko na siyang sugatan sa may pisngi ng hindi niya namamalayan.   “Hmmm. Magiging magandang laban to,” sabi ni Dyo.   Napahawak nalang si Viens sa pisnging nasugatan ko at napangisi siya.   “Mukhang nakahanap na ako ng katapat ko,” sabi niya at hinarap ako.   Tinignan ko ang katana na may bahid na niya ng dugo at pinunasa gamit ang hintuturo ko. Naramdaman ko ang pagsugod niya. Hindi ko ito nakita dahil nakatalikod ako sa kanya pero nagawa kong sanggain ang atake niya at harapin siya habang nakangisi. Itinulak niya ako at muling inatake pero nagagawa kong sanggain ang bawat  atakeng binibigay niya sa akin.   Bigla akong tumalon at tumuntong sa may likod niya. Sasaksakin ko sana siya pero nagawa niya pa rin itong sanggain dahilan para mapangiti ako at tumalon paalis sa kanya.   Patuloy lang kami sa palitan ng atake hanggang sa magkamali ako at nadali niya ako sa may tiyan pero nagawa lang niyang punitin ang damit ko. Inayos ko ang hood ko dahil natatanggal na ang clip na inilagay ko doon para hindi maalis.   Sumugod ulit ako sa kanya. Napapangiti ako dahil nahihirapan siyang iwasan ang mga atake ko sa kanya. Nasugatan ko na siya sa may kaliwang kamay niya kaya isang kamay nalang ang nagagamit niya. Bigla ko siya tinulak ng napakalas at sinipa dahilan para mapaatras at mapahiga.   Mabilis ko siyang sinugod para tapusin na ang laban pero nagulat nalang ako ng hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay nasa harap ko na siya at nakatutok na ang katana niya sa leeg ko.   Nagkatitigan muna kami bago napangiting pareho.   “What a fight!” bulalas ni Treis.   “Talo ako,” napapailing na sabi ko sa kanya.   Ibinaba na niya ang hawak na katana. Lumapit sa amin yung scheduler nila.   “Since may nanalo na, sibat na ako at maraming pang nagpapasched ng laban,” sabi niya at tumakbo paalis.   “A deal is a deal,” sabi niya sa akin. Lumapit na sa akin si Sharp at lumapit na din sa kanya ang mga kasama niya.   “Ngayon magpakilala kayo sa amin,” sabi ni Dyo o Jef nang makalapit na sa amin. Ngumisi si Sharp sa kanya.   “Ano bang makukuha niyo kung makilala niyo man kami?” tanong ko sa kaniya.   “Gusto kong makilala ang taong may kakayahang talunin ako. Masasabi ko sa sarili ko na nakatsamba lang ako sa laban natin. Habang kalaban kita ay alam ko na pinipigilan mo ang sarili mo na ilabas ang lakas mo,” sabi ni Viens o Nicol sa akin kaya napangiti na lang ako sa kanya. Mukhang may kakayanan siyang pakiramdaman kung gaano kalakas ang kalaban niya   “Kung ganon...” sabi ko at ibinaba ang hood ko pero hindi ko inalis ang mata ko. Tumalikod ako sa kanila at itinaas ang buhok ko dahilan para makita nila ang tattoo ko na nandoon.   “Wait!” pigil ni Sharp pero huli na dahil nakita na nila iyon.   “Ikaw yung...yung legendary!” sabi ni Treis habang nakaturo pa sa akin.   “Si...Me-melody?” hindi makapaniwalang sabi pa ni Fior sa akin. Samantalang sina Viens at Dyo ay pinagmamasdan lang ako kaya nginitian ko sila. Tumalikod na ako at niyaya si Sharp pero...   “Kung ikaw si Melody, sino naman ang kasama mo?” tanong ni Dyo kaya napahinto kami.   “Hindi nyo na kailangan malaman pa,” sabi ko lang at tumakbo na kami paalis.   “Bakit mo sinabi kung sino ka talaga? Akala ko ba-- tsaka kayang kaya mo naman talunin si Nicol o Viens pero nagpatalo ka pa,” sabi sa akin ni Angeline ng makarating sa bahay.   “Nabigla kasi ako sa mga galaw niya. Kamukhang kamukha ng kay Nik. Yung ginawa ko kanina ay ganun din ang ginawa ko ng makalaban ko noong una si Nik. Kung paano niya sanggain ang mga yun at kung paano ang reaction niya ay ganun na ganun si Nik--”   “Hindi siya si Nik, Lyn. Tandaan mo yan,” putol niya sa sasabihin ko dahilan para mapatigil ako.   Umakyat ako sa kwarto habang paulit ulit ang sinabi ni Gel sa utak ko.   Tama siya. Hindi siya si Nik. Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. I was wiping my tears nang tumunog ang phone ko.   From: Crystol Okay na lahat lahat. After our goodbye concert here, lilipad na kami diyan with Manager Adelaine ;)   ***   Kinabukasan   Nagstay muna ako sa may garden. Tinatamad kasi akong pumasok. Masakit pa kasi katawan ko at gusto ko matulog muna. Nahiga ako sa isang puno doon. Ipinikit ko ang mata ko at ipinatong ang isang braso ko sa mga mata ko.   Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Hindi pa man ako nakakaidlip ng maramdaman kong may papalapit pero hindi ko na siya pinansin.   “Lumabas ka na, alam kong andyan ka,” sabi niya na ikinagulat ko. Dahan dahan akong tumayo at sinilip kung sino yon at laking gulat ko na makita si Crystal na nakatingin sa isang puno. Nang tignan ko iyon ay lalong nanlaki ang mata ko sa nakita.   “Silan?” mahinang bulong ko. Anong ginagawa ng leader ng Silent g**g dito at anong kailangan niya kay Crystal?   “Ang lakas talaga ng pakiramdam mo,” sabi nito at tumawa.   “Ano ba talaga ang kailangan mo?” tanong ni Crystal.   “Gusto ko lang ipaalam sayo na ang Battle of the Bands ay namove ng mas maaga. In less than a month ay magsisimula na ito.”   “Hindi ako naniniwalang iyan lang ang ipinunta mo dito. Pwede naman sabihin ng band coordinator namin iyon. So ano ba talagang kailangan mo?” nanlilisik ang mga mata ni Crystal habang nakatingin sa kanya.   Hindi ko alam kung paano pero sa paraan ng pakikipag-usap nila, sigurado akong kilala nila ang isa’t isa. Biglang ngumisi si Silan.   “Sabihin na natin na gusto kitang bigyan ng warm up,” sabi niya at biglang tumalon ng malakas at nawala.   Oh s**t! Wag mong sabihing-   Pupuntahan ko na sana si Crystal ngunit nahuli na ako nang makita ang pagsugod ni Silan pero laking gulat ko ng magawang hawakan ni Crystal gamit ang dalawang palad niya ang katana ni Silan.   “As expected from you,” sabi ni Silan at ngumiti ito bago sinimulan nang atakihin si Crystal pero hindi ko alam kung paano. Parang ang dali lang para sa kanya na iwasan iyon at parang basang basa nito ang mga atake niya. Tinignan ko si Silan at nakangiti lang ito.   Laking gulat ko nang bigla na lamang mabilis na sumugod si Crystal sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya na may hawak na katana at sinuntok ng napakalakas sa sikmura.   “Ano? Okay na ba ang warm up na yan?” tanong ni Crystal habang hawak na ang katana ni Silan at pinapaikot ito. Kung titignan mo yung paraan ng paghawak niya parang bihasang bihasa siya sa paghawak non.   “Y-yeah,” hirap na sambit nito. Mula sa kung saan ay lumabas ang mga ka-g**g niya at inalalayan siya at mabilis din silang nawala. Naiwan si Crystal doon na nakatayo habang pinagmamasdan ang katanang hawak niya.   Naiwan akong nakatulala doon habang pilit iniintindi ang nangyari. Pinagmasdan ko lang si Crystal na tumakbo paalis sa garden.   Pagdating ko sa band room nakatulala pa rin ako.   “Oh pare! Para ka namang nakakita ng multo diyan?” sabi ni Rain sa akin. Si Jef naman tinignan lang ako na parang nagtatanong ang mga mata niya.   “Baka nakakita ng magandang chicks bro?” sabi ni Thunder pero binatukan lang siya ni Rain.   “Nasaan na si Crystal? Magpapractice na tayo ah,” pag-iiba ko ng usapan. Gusto ko rin siya tanungin tungkol sa nakita ko.   “Ahhh. Tinext ko na si Liana at papunta na daw sila,” sabi ni Thunder.   “At kailan pa kayo naging magkatext aber?” tanong Rain sa kakambal.   “Secret,” tsaka siya tumakbo. Nilapitan ko naman si Jef.   “Anong nangyari?” tanong niya.   “Wala may nakita lang ako na dapat siguro di ko nalang nakita,” sabi ko sa kanya na ipinagtaka naman niya. Magtatanong pa sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok si Crystal kasama yung kaibigan niya.   “Hello guys!”   Ang ingay talaga ng babaeng ito.   Naupo na siya sa mga upuan doon sa harap. Si Crystal naman lumapit na doon sa may mic. Nilapitan ko siya.   “Pwede ba akong magtanong?” tanong ko sa kaniya   “About what?”   “About sa nangyari sa garden kanina,” nagulat siya sa sinabi ko.   “What-”   “Nakita ko ang ginawa mo kanina,” sabi ko sa kanya.   “Hindi ko alam na kailangan ko na palang sabihin sa iyo kung ano man yon.”   “Look. Curious lang ako kung paano mo nagawa iyon. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad mo ay may kakayahang labanan ang katulad ni Silan.”   “So kilala mo siya. Kung kilala mo siya wala ako pakealam kaya pwede ba wag mo akong pakialaman. Wala ka sa pwesto para alamin kung ano ang nangyayari sa buhay ko at sa pagkakaalam ko hindi tayo ganoon ka-close para sabihin ko sayo kung paano ko nagawa iyon,” malamig na sabi niya.   “Pero myembro ka ng banda ko. At sa banda namin bawal ang magtago ng sikreto”   “Sa pagkakaalam ko hindi ako myembro ng bandang ito. Ako lang ang makakaduet mo at pagkatapos ng battle of the bands ay wala na. Hindi na ulit natin kilala ang isa’t isa,” sabi niya at naglakad paalis.   Pasalamat siya at babae siya kaya hindi ko siya magawang saktan! Pero kung lalaki lang siya kanina pa siya tumilapon.   “Friend saan ka pupunta?” sigaw ni Thunder sa kanya pero hindi siya nito sinagot   “Hala ka!” pananakot sa akin ni Rain.   Maya-maya pa biglang pumasok si Sir George kasabay ng pagbalik ni Crystal.   “Hello guys! May balita ako sa inyo,” sabi niya.   “Good or bad?” tanong sa kanya ni Jef.   “Well I don’t know kung good or bad para sa inyo. Well ang battle of the bands ay minove ng mas maaga. Meron na lang tayong less than a month para sa pagpapractice niyo. Wala pang exact date pero ang sabi ng committee gaganapin na daw ito within a month. So guys *clap clap clap* practice na!” sabi niya. Nagpunta na din kami sa kanya-kanya naming instruments.   “Oo nga pala. May napili na akong kanta na kakantahin niyo. Here.” sabi niya at may iniabot sa amin.   “Anong kanta to Sir?” tanong ko sa kanya.   “Hmm composition iyan nung kilala kong banda. Hindi ko na sasabihin kung sino man sila. Basta ipractice niyo yan. Manonood ako.”   Tapos umupo siya sa tabi nung kaibigan ni Crystal. Nagulat pa siya ng kaunti ng makita ito pero nakabawi din.   “Let’s start?” tanong niya. Tumango lang ako at kinuha na ang electric guitar ko. Si Crystal naman ay inayos na yung mic niya.   Inabot ko sa kanya ang kopya noong kanta. Tinignan muna iyon ni Crystal. Bigla nalang kumunot ang noo niyo. Tapos bigla siyang yumuko at nagtungo sa pwesto niya.   Nagsimula kaming kumanta. Noong una ay nakapikit lang ako pero pagdilat ng mga mata ko ay nakasalubong ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa siya na ang nag-iwas ng tingin at ipinikit ang mga mata. Natapos ang kanta na hindi na muling nagtama ang mga mata namin.   “Nice. I knew it! Yung emosyon? Ramdam namin. Nice guys! Ipagpatuloy yan. May chemistry kayo!” pumalakpak pa si Sir George bago bumaling kay Crystal.   “I don’t know how but you kinda sound like the singer of this song. Magkaboses kayo pero magkaiba ang paraan niyo sa pagkanta. Keep it up Crystal,” komento ni Sir George bago kami iwan doon.   “Chemistry daw!” sabay na sigaw nung kambal at nakisama pa yung kaibigan ni Crystal.   “Kaya magkaayos na kayo!” sigaw naman ni Rain.   “Tss,” nasabi ko nalang pero nanatili lang nakatingin sa akin si Crystal. Nung aalis na siya, nabigla nalang ako sa inasta ng katawan ko. Hinawakan ko siya sa braso at pagharap niya, lumabas ang isang salita na never ko pang sinabi kahit kanino.   “S-sorry. Hindi dapat ako nakialam,” sabi ko at napayuko.   ‘Ano ba tong ginagawa ko? E ano naman kung magkagalit kami?’   ‘Hindi. Ginagawa mo yan para maging maayos ang performance niyo. Tama!’   “Tss. Uuwi na kami, kita nalang tayo bukas” tsaka niya tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Sumunod na din yung kaibigan niya.   --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD