Habang nakikipaglaban ang mga ito, ay ganoon rin sina Scarmey at Allyana. Halos napapantayan lang niya si Allyana at nakangisi pa itong nakatingin sa kanya, habang naglalaban sila. "May gana ka pa talagang magpanggap na butler sa sarili mong kapatid eh? Haha," sabi sa kanya ni Allyana habang nagpapalitan sila ng atake. Pasimpleng napatingin si Scarmey kay Shan na medyo malayo sa kanya at nakikipaglaban rin sa mga kasamahan ni Allyana. "Oh? Hindi niya alam? Haha, you're really amazing," muling sabi ni Allyana. Nainis si Scarmey sa sinabing iyon ni Allyana, kaya naging mabilis ang mga atake niya. Ngunit agad siyang napaiwas nang makitang may hawak na itong dagger. Pinaikot-ikot nito iyon sa kamay. "Alam mong naiinis na talaga ako saiyo? Dikit ka nang dikit kay Francess, kaya nabubwi

