Sabay na bumaba sina Miya at Shan sa kotseng minamaneho ni Miya. Nagkatinginan sila at tumango. Naglakad sila papasok sa Bar, kung saan dinadaos ang kaarawan ni Allyana. Nakikita nilang marami nang pumapasok sa loob, kaya naglakad na sila. Nauuna si Shan, dahil nasa kanya ang invitation card na binigay ni Allyana sa kanila. Nang nasa pintuan na sila ng bar ay hinarang silang ng bouncer, kaya binigay ni Shan ang hawak niyang card. Tiningnan muna nito ang card bago sila papasukin. "Marami ata siyang bisita ngayong gabi," sabi ni Shan at napatango naman si Miya. "Yeah, but something strange," seryosong sabi ni Miya habang tinitingnan ang paligid. Kaya napatingin rin si Shan sa paligid at doon niya napansin na sa kanila nakatingin ang ilan sa mga ito. Umiiwas lang kapag tumitingin sila.

