THIRD PERSON'S POV Tahimik na sinusundan ni Dhrevey ang kotseng minamaneho ni Gailla. May nailagay siyang maliit na tracking device sa kotse kanina ni Gailla. Matapos itong magpaalam na aalis na ay saka siya kumilos upang sundan ito. Kaya nakita niya rin ang isang lalaking sumakay sa kotse ni Gailla. Isa iyon sa mga tauhan ni Gailla at iyon ang nagmamaneho sa kotse nito. Nakasakay siya ngayon sa kanyang itim na motorbike at dinistansya lang niya ang kanyang sarili upang hindi siya mapansin ng mga ito. Pamilyar sa kanya ang tinatahak ng mga ito at patungo ito sa Underworld. Simula nang maging pinuno siya ng Acapella ay minsan na lamang siyang bumibisita sa Underworld. Dahil nga si Gailla naman ang namumuno dito, na kanyang kaalyansa. Nang marating ng mga ito ang Underworld ay palihi

