SCARMEY'S POV Maaga lang kaming nakauwi ni Shan, mula sa pinapasukan niyang paaralan. Wala namang masyadong nangyari, habang naroon kami. Ngunit napansin kong masyadong tahimik si Shan. Hindi niya ako pinapansin mula pa no'ng nasa kotse kami, hanggang dito sa mansion. Ngunit napapansin ko naman ang tingin niya, habang nakatalikod ako. Tsss, alam ko namang may nais siyang sabihin, pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. "Hi everyone!" Napalingon kami sa biglang dumating. Nakita ko siya na naglalakad papasok ng mansion. My mother. "Hi Mom," bati agad ni Shan at lumapit sa kanya. Humalik siya sa pisngi nito at sabay silang naglakad palapit sa amin. Kasalukuyan kasi kaming nandito sa sala at nag uusap iyong mag lolo. Habang nakatayo lang ako sa gilid at pinagmamasdan sila. Napansi

