Chapter 56

1679 Words
   Matapos makasama ni Francess ang kanyang ka-grupo ay nagpasya na siyang umuwi. Nang makarating siya sa mansion nila ay nakita niya si Allyana na nakaupo sa couch, sa may sala. Nagtataka siyang nakatingin dito at napatingin naman ito sa kanya. Ngumiti sa kanya si Allyana, ngunit seryoso lang ang tingin niya dito. "Hi Francess," bati nito. "Anong ginagawa mo dito?" seryoso niyang tanong dito. Bahagyang napataas ni Allyana ang kilay at napangisi sa tanong na iyon ni Francess. "Your mother was the one who invited me here. Well, I'm glad to see you. How are you?" nakangising saad nito na lalo ikinakunot-noo ni Francess. "What?" "You heard it right, Francess. Alam ko naman ang lahat, kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nandito. Isa pa, fiancee mo ako kaya maaari akong pumunta dito kahit anong oras kong gusto," muling sabi ni Allyana sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Lalo na sa huli nitong sinabi na Fiancee siya nito. Naglakad palapit si Francess patungo kay Allyana. Matapang naman siyang tiningnan nito. "What do you mean by that? Fiancee? It's already cancelled," mariing sabi niya dito. Napangisi si Allyana at hinawakan siya bigla nito sa pisngi. Agad siyang umiwas pero makulit pa rin ito, kaya hinawakan niya ang kamay nito. "Tigilan mo na ang kalokohang ito, Allyana at umalis ka na," sabi niya dito. Napailing si Allyana. Iniangat nito ang dalawang kamay at inilagay sa dibdib ni Francess saka hinaplos ito. "Come on, Francess. Kahit anong gawin mo, sa akin ka pa rin mapupunta at hindi sa babaeng iyon. Alam kong magpapanggap lang kayong dalawa, kaya bakit ka pa umiiwas sa akin?" saad ni Allyana. Naiinis na hinawakan ni Francess ang kamay ni Allyana at pabalya niya itong inalis. Kaya bahagyang napaatras si Allyana at muntik ng mapaupo sa couch. "Tumigil ka na, dahil hindi ako mapupunta saiyo. Siya ang mahal ko at sa kanya lang ako. Huwag mong angkinin ang isang taong wala ka namang karapatan," seryosong sabi ni Francess at tinalikuran ito. Ngunit napahinto siya, nang magsalita ito. "No matter what, Francess. You are mine. If I need to kill her, then I will. Lee see, how long you can protect her," seryosong sabi ni Allyana. Naikuyom ni Francess ang kamao niya at mabilis na lumapit kay Allyana. Hinawakan niya ito sa may leeg at mariing tiningnan. "Kapag may ginawa ka sa kanya, sisiguraduhin kong pati ikaw mawawala rin," galit na sabi niya kay Allyana. Ngunit naroon pa rin ang tapang sa mga mata ni Allyana. Hindi siya nagpatalo sa tingin ng mga mata nito sa kanya. "Enough." Narinig ni Francess ang boses ng ate niya, na pumipigil sa kanila. Kaya naman marahas niyang binitiwan si Allyana, na tuluyan ng napaupo sa couch. Lumapit sa kanila si Francine at tiningnan sila ng seryosong dalawa. "Why she's here?" walang emosyong tanong ni Francess. "We invited her. So, Allyana, Mom wants you to go upstairs to talk too you. Go on," sabi ni Francine kay Allyana. Tumango ito at iniwan silang dalawa. Nang makaalis na ito ay lumapit si Francess kay Francine. "Ate, anong ibig sabihin nito? Anong binabalak ni Mommy?" nag aalalang tanong ni Francess dito. Tiningnan lang siya ni Francine at napabuntong-hininga. "All I can say is, Mom wants her back. She ordered our spy and gangs to get Scarmey. One of them was Allyana, that's why she's her," tanging sabi ni Francine at tumalikod na kay Francess. Ngunit bago pa siya tuluyang umalis at muli siyang nagsalita. "I know, It's hard to accept everything, but you need to do something. Find it to yourself, of what can you do about this situation," sabi nito at tuluyang iniwang si Francess. Hindi nakapagsalita si Francess, hanggang sa mawala na ito. Napapikit siya at napaupo sa my couch. Hindi niya alam kung ano nga ba ang kailangan niyang alamin sa pagkakataon na ito. Ngunit desidido na siya, na p-protektahan si Scarmey. "Son?" Nag angat ng tingin si Francess at nakita niya ang kanyang ama, na malungkot na nakatingin sa kanya. "Dad," tawag niya rito. "Let's talk somewhere," sabi nito sa kanya. Matapos iyon sabihin ng kanyang ama ay nauna na itong naglakad. Napabuntong-hininga siya at sumunod na sa kanyang ama. Naabutan niya itong nakatayo sa gilid ng pool, kaya nilapitan niya ito. "What is it, dad?" tanong niya sa ama. Bumaling ito sa kanya at naroon pa rin ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. "Francess, alam kong mahirap para saiyo ang nangyayari dahil importante saiyo ang babaeng iyon. Nais ko mang pigilan ang ina mo, ngunit alam mong wala akong magagawa," usal nito. Iniwas nito ang tingin ang tingin sa kanya. Alam niya ang sinasabi nito, kahit anong gawin nila ay wala silang magagawa upang pigilan ang gusto ng kanyang ina. Ngunit buo na rin ang desisyon niya na kalabanin ang sariling ina. "Sa aming dalawa, siya ang may batas. Ayaw niyang mangialam ako sa organisasyon, kaya naka-fucos lang ako sa mga negosyo natin. Pinapairal nila ni Akira ang kagustuhang maghigante. Ngunit sa mga lumipas na taon, lagi kong tinatanong sa sarili ko. Para saan ba ang ipinaghihigante nila?" saad ng kanyang ama at muling tumingin sa kanya. Nakita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya. Naisip na rin niya iyon, ngunit gaya nga nang sabi ng kanyang ama ay wala silang magagawa sa kagustuhan ng mga ito. "Gusto kong unawain at inintidihin ang mga nais nilang gawin pero talagang hindi ko maintindihan. Kung tutuusin ang pamilya ng babaeng minamahal mo ay may dahilan, para maghigante dahil sa ginawa nila dito. Kaya naman nais kong sabihin saiyo, na ikaw lang ang makakapigil ng lahat na ito. Ang nararamdamang pagmamahal mo sa kanya ay makakapagpigil sa hidwaan ng dalawang pamilya at organisasyon, Francess," mariing sabi ng kanyang ama sa kanya. Naguguluhan naman si Francess sa sinasabi nito, ngunit isa lang talaga ang pumasok sa isip niya. Kundi ang ipaglaban ang nararamdaman niya kaya Scarmey. "Ngunit sa pagkakataong ito dad, hindi ko pa alam kung may nararamdaman ba siya sa akin. Nang dahil sa ginawa nila Mommy sa kanya noon, ay maging ako damay sa galit niya. Galit siya sa akin, sa ating lahat," sabi niya dito. Napatango naman ang ama niya at naiintindihan ang kanyang sinabi. "Alam ko iyon, kaya nga patunayan mo sa kanya. Malalaman mo naman kung wala siyang nararamdaman saiyo, kung hahayaan ka niyang mamatay. Ngunit hindi lang iyon ang paraan para malaman mo iyon, makikita mo sa mga mata niya kung ano ang totoo niyang nadarama," sagot ng kanyang ama. Pakiramdam niya ay gumaan ang kanyang nararamdaman dahil sa sinabi ng kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat at napangiti sa kanya. "Gawin mo ang nararapat, Francess," muling sabi nito. Napatango si Francess at ngumiti sa kanyang ama. Hindi niya alam kung magagawa nga ba niya iyon, ngunit susubukan niya. Mahalaga sa kanya si Scarmey, kaya gagawin niya ang lahat para dito at para protektahan laban sa kanyang ina, maging sa mga taong nais itong saktan.       "I've heard you want her out of your life, because you want Francess," sabi ni Prescilla kay Allyana na nakatayo sa harap niya. Habang nakaupo naman si Francine sa couch at nakikinig sa pinag uusapan ng dalawa. "Yes, tita. Gusto ko siyang mawala sa landas ko, dahil sa ginawa niya sa akin," seryosong sagot ni Allyana dito. Nang dahil sa kanyang sinabi ay may naalala ni Prescilla, kung ano ang ginawa ni Scarmey dito. Kaya naman tiningnan niya ito nang masama. "I still can forget of what you have done to Francess. Hindi ako makapaniwala na habang nililigawan ka ng anak ko ay may lihim kayong relasyong ng panganay kong anak na si Franco. You disappointed me to that, Allyana," mariing sabi ni Prescilla dito. Napayuko naman si Allyana dahil sa sinabi nito. Alam niya kung gaano ito nadismaya sa nangyari. "I'm really sorry, tita. I made a mistake. I hope you can forgive me," nakayukong sabi ni Allyana. Napatango-tango si Prescilla. Nararamdaman niyang nagsisisi na nga ito sa nangyari, ngunit naroon pa rin ang nararamdaman niyang pagkadismaya dito. "Sige, patatawarin kita kapag nagawa mo nang maayos ang ipapatrabaho ko saiyo. Nais kong dalhin mo dito sa Scarmey," seryosong utos ni Prescilla. Nag angat nang tingin si Allyana at napangisi sa utos na iyon ni Prescilla. "Gagawin ko iyan, tita, para na rin makagante ako at tuluyan na siyang mawalansa landas ko," nakangising sabi ni Allyana. Napangisi naman si Prescilla at napatango sa naging sagot ni Allyana. "Mabuti naman kung ganoon, kapag nagawa mo iyon ay ibibigay ko rin ang gusto mo. Ngunit huwag kang masyadong magpadalos-dalos, hawak na siya ng mga Assassin. Kaya naman medyo mahihirapan ka sa bagay na ito," paalala ni Prescilla. "Huwag kang mag alala tita, may paraan ako. Magtiwala lang kayo sa akin," nakangiting sabi ni Allyana. "Sige, iyon lang ang sasabihin ko saiyo. Makakaalis ka na," saad ni Prescilla. Tumango naman si Allyana at naglakad na palabas. Kaya naiwan ang mag ina sa loob ng silid. Tahimik lang si Francine at hinahayaang magsalita ang ina niya kanina. Bumaling sa kanya ang ina at seryoso siyang tiningnan. "Sa ngayon, ayokong mangialam ka sa kung paano nila makukuha si Scarmey. Kapag hawak na natin ang babaeng iyon ay doon magsisimula ang trabaho mo. Minsan mo na akong binigo, Francine, kaya kapag ginawa mo ulit iyon ay hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko saiyo, naiintindihan mo?" mariing sabi ni Prescilla dito. Napatango si Francine. "Yes, Mommy," sagot nito. Napairap si Prescilla at inalis na ang tingin dito. Mayamaya ay nagpaalam na si Francine na umalis at hinayaan lang niya ito. Tahimik na nag iisip si Prescilla at hindi na siya makapaghintay pa na makuha muli si Scarmey. 'Sherra, kung namatay ka na noon pa. Hindi na sana sila madadamay. Kaya kasalanan mo kung ano ang mangyayari sa mga taong nasa paligid mo," sambit ni Prescilla sa sarili habang nag iisip pa na maaring maging plano niya. Matapos no'n ay lumabas na rin siya sa silid-aklatan at pumunta sa lugar kung saan niya makikita ang kapatid na si Akira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD