Chapter 55

1644 Words
   Nanatiling nakatingin si Dhrevey sa hawak niyang mga litrato. Isa-isa niya itong tinitingnan. Bawat litrato na nakikita niya ay napapaisip siyang mabuti. "Napahusay naman ng mga kumuha ng litratong ito," sambit niya. Ang taong nakikita niya sa litratong kanyang hawak ay walang iba kundi si Scarmey. May kuha ito na kasama nito si Audrey, habang nasa isang apartment na tinutuluyan ni Scarmey. Litrato nito kasama ang mga dark monarch, lalo na si Francess. May kuha rin na dumalo ito sa isang party at family dinner ng mga Montemayor. Lahat ng mga lugar na napupuntahan lagi ni Scarmey ay may kuha. Maging iyong nakasama nito ang kanyang anak na si Shan. Napatango-tango si Dhrevey at tumingin sa babaeng nakaupo sa isang couch, nakasandal sa katabi nitong lalaki. Ang mag asawang si Nammie at Luis, na isa sa mga mahuhusay na spiya ng mga Assassin. "Where did you get this, Nammie?" tanong niya sa dalawa. Umayos ito ng upo. "Well, someone send me that pictures. It's an unknown person and after sending that, I can't find who is that person. Nagulat din ako sa mga pictures na iyan. Noong una hindi ako interesado na kilala siya, but I find mysterious," seryosong sabi ni Nammie. Tumayo ito at lumapit kay Dhrevey. "Audrey knows her, and also found out that Gailla knows her too. I find it interesting, so we made an investigation about her. Sinabi ba saiyo ni Audrey na isa siyang human tester? Na isa ito sa mga naka-survive?" saad ni Nammie kay Dhrevey. Bahagyang natigilan si Dhrevey at kuno't noong nakatingin kay Nammie. "Walang sinabi sa akin si Audrey tungkol diyan," sagot ni Dhrevey. "She's a human tester survivor," biglang sabi ni Luis. Kaya napatingin si Dhrevey dito. "Audrey told you that she's a spy right? Well, we can't find her name at the list of our spy. Even if she's using her name Scarmey or Miya. We can't find her information, but its appears suddenly when Audrey got back," muling sabi ni Luis. Napatitig naman si Dhrevey dito at iniisip ang mga sinasabi nito. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang sasabihin niya. Bigla siyang nalito sa mga nalaman niya. Alam naman niya sa sarili niyang may tinatagong lihim sina Audrey, pero sa nalaman niya ngayon ay naging komplekado ito para sa kanya. "About that pictures, can see you the letters of each pictures?" narinig niyang sabi ni Nammie. Napatingin siya dito, saka tumingin sa pictures na hawak niya. Tiningnan niya ang sinasabi nito at napansin nga niya ang dalawang letra na nasa itaas ng bawat litrato. "B.P," sambit ni Dhrevey at tumingin kina Nammie. "Anong mayroon dito?" nagtatakang tanong niya sa dalawa. Nagkatinginan ang mag asawa at napatango sa isa't isa. Bago muling tumingin kay Dhrevey. "Hinala namin ay Black Phantom ang nagpadala nito. Narinig namin ang tungkol sa kanila doon sa Underworld. May inutusan ako doon para kilalanin sila, pero hindi sila madaling makilala. Bago nawala ang taong nagpadala ng mga litrato na iyan, ay na trace pa namin ang location nito at nalaman namin na sa Underworld ito galing. Hindi man ako siguro, pero sa tingin ko ang dalawang letra na iyan ay Black Phantom," paliwanag ni Luis sa kanya. Napaisip ng mabuti si Dhrevey sa mga sinabi nito. Muli siyang tumingin sa mga hawak niyang litrato at nanahimik. Hinayaan naman siya ng dalawa na mag isip. Hindi pa man siya siguro ay may nabubuo na sa isip niya. Nalilito siya sa kung ano ang dapat niyang gawin. Kailangan niya itong pag isipang mabuti at huwag magpadalos-dalos. Naisip niya, na kung sa Underworld nga na-trace ng dalawa ang location ng sender, isang tao lang ang pumasok agad sa isip niya. Si Gailla. Si Gailla ang kilala bilang Empress ng Underworld, na ka-alyansa naman niya dito sa Acapella. Nais niyang maghinala na may kinalaman si Gailla at baka kilala nito ang Black phantom, na biglang pumasok sa Underworld. Kaya naman kailangan niyang makasiguro sa kung ano ang nangyayari sa Underworld. Habang nakatingin siya sa litrato ni Scarmey, ay may napansin siya. Doon lang niya nakita na parang pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Para bang nakita na niya ito sa kung saan. Mariin siyang napatitig dito, hanggang sa makabuo siya ng plano. "Maghiwalay muna kayong dalawa," seryosong sabi niya sa mag asawa at tumingin dito. Nakita niya kung paano natigilan ang mga ito at nagtatakang nakatingin sa kanya. "M-Maghiwalay? Dhrevey naman, bakit naman kami maghihiwalay? Wala kaming problema, kasal kami at mahal namin ang isa't isa," saad agad ni Luis at hinawakan pa ang kamay ni Nammie, na naguguluhan rin sa sinabi ni Dhrevey. Nasapo naman ni Dhrevey ang kanyang noo at napahilot ng bahagya. "I mean, maghiwalay muna kayo para sa ipapagawa kong misyon," pagtatama ni Dhrevey sa kanyang sinabi. Napabuga naman ng hangin si Luis at nakahinga ng maluwag sa sinabi ni Dhrevey. "Hays, akala ko talaga paghihiwalayin mo na kaming dalawa. By the way, anong misyon?" sabi ni Luis. Napatitig muna si Dhrevey sa dalawa at tumayo. "Ang misyong gagawin niyo ay tungkol sa pagkatao ni Scarmey at sa pagkilala sa Black phantom. Nammie, I want you to know about Scarmey. Gawin mo lahat para makilala pa siya at ako na ang bahala sa iba, dahil nasa poder ko na siya ngayon, then you, Kuya Luis," sabi ni Dhrevey at bumaling kay Luis. "I want you to know the phantom. Habang inaalam mo ang tungkol sa kanila ay mag utos ka rin ng mga tauhan mo, upang manmanan si Gailla. Nasisiguro kong may tinatago pa siya tungkol sa bagay na ito," sabi ni Dhrevey dito. Nagkatinginan ang mag asawa, bago tumango sa inutos ni Dhrevey. Napangisi si Dhrevey, nang may pumasok sa isip niya. "Now, it's between us; Audrey, Gailla and me. Let's see whose secret will be revealed first," nakangising sabi ni Dhrevey. Biglang nakaramdam ng excitement si Dhrevey sa kanyang naisip. Tila ba hindi na siya makapaghintay kung sino sa mga ang una niyang mahuhuli. Matapos nilang mag usap ay nagpaalam na ang mag asawa na umalis, upang maghanda sa magiging misyon ng mga ito. Nang makalabas na ang dalawa ay pareho lamang silang tahimik, hanggang sa makasakay silang dalawa sa kanilang sasakyan. Bago paandarin ni Luis ang kotse ay nagsalita ito. "Tungkol kay Scarmey," sambit nito. Napalingon naman si Nammie sa kanyang asawa dahil sa sinabi nito. "May nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Hindi ako sigurado pero iyon ang isinisigaw ng isip ko," sabi ni Luis at bumaling sa asawa. Seryoso na rin ang tingin ni Nammie sa kanya. Maging ito ay sumasang-ayon sa sinabi nito. "Iyon rin ang nasa isip ko. May sagot na tayo pero hindi pa tayo sigurado. Kailangan pa nating alamin ang lahat," sabi ni Nammie. Tumango si Luis at pinaandar na ang kotse paalis ng headquarters. Kahit na may sarili na silang pamilya ay sila parin ang pinagkakatiwalaan ni Dhrevey pagdating sa lihim na mga misyon. Kaya kahit na maraming pagkakataong suwayin ang utos nito ay mas pinili nilang manatili para dito. Dahil maging sila ay napapansin na rin ang pagbabago sa paligid nila. Nasa iisang Organisasyon sila at magkakakilala, ngunit parehong may lihim na mga tinatago. Samantala, sa Monte University. Ilang araw na ang lumipas, simula nang malaman ng ina ni Francess ang tunay na pagkatao ni Scarmey. Kaya sa mga araw na iyon ay laging naglalasing si Francess. Nais niyang kalimutan ang mga nangyari, ngunit sadyang bumabalik pa rin sa isip niya ang mga iyon. "Francess, ano ba, tama na nga iyan?" awat ni Candice at kinuha ang hawak nitong alak. Kanina pa sila nakatingin kay Francess na umiinom ng beer. Kaya hindi na nakatiis pa si Candice at inawat na nito Francess. "Hindi maaalis iyang nasa isip mo. Hindi ito makakatulong saiyo, sa tingin mo ba magiging maayos ang lahat kung ganito ka?" saad ni Candice dito. Hindi nagsalita si Francess sa sinabi ni Candice. Nag aalala na ang mga ito dahil lagi siyang lasing kapag pumapasok. Kapag nandito naman sila sa hideout nila ay wala itong ginawa kundi uminom at hindi nagsasalita. Walang alam ang mga ito, na alam na ng ina niya kung sino si Scarmey kaya hindi siya maintindihan ng mga ito. Tumingin si Francess sa mga ito. "Nalilito na ako sa kung anong gagawin ko. Kilala na ni Mommy si Scarmey at balak niyang kunin si Scarmey para raw sa akin. Ngunit nasisiguro kong iba ang gusto niyang mangyari," pag amin niya. Natigilan naman ang mga ito dahil sa sinabi niya. Maging si Candice ay seryosong napatitig sa kanya. "Seryoso? Kilala na siya ni tita?" nagugulat na sabi ni Cristofer. "Naku lagot, paano na iyan?" sabi naman ni Lendon. "Siguradong may binabalak sila kay Scarmey. Wala pa akong naririnig kina Mommy, pero lagi siyang umaalis ngayon. Hindi ko alam kung anong ang ginagawa nila," sabi naman ni Candice. Pareho silang natahimik at iniisip kung ano ang pweding mangyari kay Scarmey. Nasapo ni Francess ang kanyang noo. "Mahal ko si Scarmey," biglang sabi niya kaya napatingin sa kanya ang mga kasama niya. "Sinabihan ako ni ate, na ako lang ang pweding magligtas kay Scarmey sa kamay nina Mommy. Ngunit kapag ginawa ko iyon ay magiging kalaban nila ako," sabi ni Francess at tumingin sa mga kasama niya, na hindi makapaniwala sa mga nalaman. Pareho silang natahimik habang nag iisip sa kung ano ang maari nilang gawin. Ngunit nagulat silang lahat sa sunod na sinabi ni Francess. "Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko, kahit wala akong kasiguraduhan na may nararamdaman din siya sa akin. P-protektahan ko siya laban sa pamilya ko at hindi ko hahayaang gawin nila ulit ang ginawa nila kay Scarmey noon. This time, I will definitely protect her," seryoso niyang sabi. Nagkatinginan ang mga kasama niya at hindi nagsalita. Hinayaan siyang magdesisyon ng mga ito, ngunit naroon pa rin ang pag aalala nila dahil nasisiguro silang nasa alanganing sitwasyon ngayon ang kaibigan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD