THIRD PERSON'S POV
Isang sunod-sunod na katok ang nagpagising sa kamalayan ni Shan. Napahawak siya sa ulo niya dahil bigla itong sumakit na parang binibiyak. Inis siyang napatingin sa pinto ng kwarto niya.
"What!" Sigaw niya sa kung sino man ang kumakatok sa pinto niya.
"Master Shan, its time for you to wake up. Nakahanda na po ang pagkain niyo," sabi ng boses babae sa labas ng kanyang pinto.
Kunot-noo naman siyang napaupo sa kama at inalala kong sino ang babaeng nasa labas. Bigla niyang nahila ang kumot, nang biglang bumukas ang pinto at niluwa mula roon ang isang nakablack-suit na babae habang may dalang tray ng pagkain.
"Who are you?" nagtatakang tanong niya sa babae.
Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya, na nakahilata pa rim sa kama. Naglakad ito habang may dalang pagkain at nilapag sa mesang katabi ng kama niya. Nanatili siyang nakatingin dito at naalala kung sino ito.
His new Butler!
Napakipit siya. Kapag talaga ang ina niya ang pumili ng magiging butler niya, kakaiba palagi. Ngunit nararamdaman niyang kakaiba ang isang ito. Hindi man lang ito nagpakita ng takot o pagkailang sa kanya. Medyo napakurap pa siya, nang muli itong tumingin sa kanya at napabuntong-hininga ng makitang nakahiga pa rin siya.
"You have a class today, so you need to prepared. I will give you 10 minutes and I'll be back," seryosong sabi nito at naglakad palabas.
Hindi alam ni Shan kung kikilos ba siya o hindi. Tila ba hindi pa rin siya makapaniwala na may bagong butler na nga siya at kung makautos ito sa kanya ay parang hindi siya ang master nito.
"Did she told me to prepare myself in just 10 Minutes? Ha!" pasinghal niyang sambit sa sarili.
Bahagya siyang napailing at muling humiga sa kama. Pipikit ulit sana siya, nang muling bumukas ang pinto. Kaya napaupo siyang muli sa kama.
"Yes, in just 10 minutes," muling sabi nito.
Sinipa niya ang kumot ng maisara na nito ang pinto. Bumangon siya at naglakad patungo sa banyo. Hindi niya alam kung bakit tila nakakaya siya nitong pasunurin. Ngunit, bukod sa kakaiba ito ay nararamdaman din niya na familiar ang aura nito. Hindi niya matukoy kung ano, basta sigurado siyang kilala niya ang babae.
Samantala, nakangising naglakad pababa si Miya o Scarmey. Hindi niya alam pero natutuwa siya sa bawat reaksyon ni Shan. Unang araw pa lamang niya bilang butler nito pero mukhang natutuwa na siya. Habang pababa, napansin niyang may nakaupo sa sofa. Nakilala niya ito. It's her grandfather, Hervey. Nais man niyang tawagin ito, ngunit kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili.
Napansin niyang nakatingin ito sa isang picture frame. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga nito. Habang nakatingin sa larawan. Dahan-dahan siyang naglakad. Lalampasan na niya sana ito, pero hindi niya matiis na pansinin ito.
"Goodmorning master," nakayukong bati niya dito.
Napatingin ito sa kanya. Nakita niyang napangiti ito.
"Magandang umaga din saiyo, Miya," ganting-bati nito sa kanya.
Saka lamang siya nag-angat ng tingin dito. Nanatili itong nakatingin sa kanya, kaya hindi niya alam kung ano ang sunod niyang gagawin. Tumingin ito sa itaas at muling tumingin sa kanya.
"Wala pa ba si Shan?" tanong nito sa kanya.
"Nag aayos na po siya."
"You can sit here, while waiting for him," sabi nito at tinuro ang kaharap nitong couch.
"No, master. Sa labas na lamang ako," sagot niya dito.
"It's okay, come here," anyaya nito.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Kahit naiilang siya, umupo na rin siya kaharap nito. Habang muli itong tumingin sa larawan na hawak nito.
"She must be very special too you, Master," sabi niya dito at napatingin sa larawang hawak nito.
Napangiti ito. Alam niyang ang tinitingan nito ay ang yumaong asawa. Ang lola niya.
"Yes, she's very special too me. It's been 18 years, when she's gone. But still, I miss her. I miss her so much. Magkasama kami sa bawat pagsubok na dumarating pero sa isang iglap, tuluyan siyang nawala sa akin at wala akong nagawa upang tulungan siya," malungkot nitong sabi.
Nanlambot ang tingin niya dito dahil sa narinig. Bigla niyang naalala ang sitwasyon ng ama at ina niya ngayon.
"I want to say something, master. What if, the person who died infront of you was alive. Ano ang mararamdaman mo?" sabi niya dito.
Bahagya itong natigilan sa sinabi niya saka napangiti, na tila may naalala.
"Masasaktan ako, syempre. Ngunit alam mo bang, minsan na siyang nawala noon sa akin? Na inakala ko talagang patay na siya. Subrang sakit iyong naramdaman ko. Gusto ko na ngang sumunod sa kanya noon, pero may dumating upang subukin ang pagmamahal ko," kwento nito habang nakangiti.
Nakita niya sa mukha nito ang saya at lungkot sa sinabi nito.
"Dumating siya upang subukin ang pagmamahal ko, sa babaeng mahal ko. Dumating sa punto na, unti-unti ko siyang minahal dahil na rin sa pakiramdam ko na siya at ang taong mahal ko ay iisa. Ngunit alam mo bang iyong 'akala ko' ay magiging totoo pala? Iyong babaeng mahal ko at ang babaeng dumating sa buhay ko ay iisa lang pala. Nagbalik siya bilang ibang tao para protektahan ang mga mahal niya. Nagbalik siya para sa akin pero ngayon tanggap ko na, na di na siya babalik pa kasama namin. Ngunit mananatili siya sa puso sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya," nakangiti nitong sabi kaya maging siya napangiti.
"Siguro nga po," tugon ni Miya sa sinabi nito.
Napansin niyang napatingin ito sa itaas kaya napatingin din siya dito. Nakita niya si Shan na nakatingin sa kanila. Tumayo siya upang salubungin ito.
"Grandpa, sigurado akong nakangiti ngayon si grandma. Syempre! Dahil hanggang ngayon pogi ka pa rin at siya parin ang nasa puso mo," nakangiting sabi ni Shan. Kaya nakita niyang napangiti ito at napailing.
"Sige na, baka ma-late ka pa. Mag ingat kayo."
"Sige, bye grandpa!"
Matapos nilang magpaalam dito ay
sabay na silang naglakad paalis ni Shan. Lihim siyang napangiti dahil may pagkamakulit din itong kakambal niya.
Nang makalabas na sila sa mansion, naiwan si Hervey na muling napatingin sa larawan ni Scarlette saka napangiti.
"Lumalaki na ang apo natin, siguro ganoon din si Dhreammy. Gabayan mo ang isa nating apo kung saan man siya ngayon, honey," sambit niya sa sarili.
"Ang batang iyon," tukoy niya at napatingin sa nilabasan ng dalawa.
Hindi niya maintindihan kung bakit tila may kakaiba dito. Nararamdaman niyang pamilyar ang aura nito sa kanya, tila ba kilala niya ang babae. Ngunit hindi niya matukoy, kung bakit dahil ngayon lang niya ito nakita. Bahagya siyang napailing saka binalik ang larawan ni Scarlette.
Samantala, pinagbuksan ni Miya ng pinto si Shan at pumasok naman ito. Umikot siya at pumasok na rin sa loon ng kotse. Pinagmamasdan lang siya ni Shan, kung paano siya kumilos. Nang pinaamdar na ni Miya ang kotse ay nagsalita si Shan.
"Isa ka ba sa reapers ng Acapella?" tanong ni Shan.
Napasulyap si Miya sa front mirror, upang tingnan si Shan bago ibinalik ang tingin sa daan palabas ng gate.
"I'm not," tanging sagot ni Miya.
Nang makalabas na sila sa gate ay bigla na lang pinaandar ng mabilis ni Miya ang kotse. Kaya naman muntik ng tumama ang noo ni Shan sa harapan ng kotse. Naihinto naman ni Miya ang kotse at lumingon kay Shan. Galit na bumaling si Shan sa kanya.
"Are you going to kill me?" galit na sabi nito.
"I'm sorry, master. Akala ko kasi nakasuot ka na ng seat belt. Ganito kasi ako magdrive, pasensya na," nakayukong sabi ni Miya at bahagyang napangisi.
"Tsk! Pagbibigyan kita dahil unang araw mo pa lang. Sige na, umalis na tayo," sabi nito sa kanya at inayos nito ang paglagay ng seat belt.
Muling pinaandar ni Miya ang kotse, habang nakatango ang ngiti niya. Nais niyang asarin si Shan at subukan kung ano ang gagawin nito sa kanya.
Pagdating nila sa school kung saan nag aaral si Shan ay sumabay na rin siya dito. Isa rin ito sa pagmamay ari ng Acapella at dito nag aaral si Shan.
"Kapag nakapasok na ako sa room ko, sa labas ka lang maghintay," sabi ni Shan habang naglalakad sila sa campus.
Hindi na sumagot si Miya at tumango na lang sa sinabi nito. Habang naglalakad sila ay napapansin ni Miya na panay ang tingin ng mga babaeng nadadaanan nila. Batid niyang kilala si Shan dito, lalo na at parang kilig na kilig ang mga ito kay Shan. Ngunit hindi lang iyon, napansin rin niya na may mga kakaking napapatingin rin sa gawin nila at sa kanya nakatingin. Deretso lang ang tingin niya, habang naglalakad kasunod kay Shan. Kaya naman bahagyang napalingon si Shan kay Miya, dahil maging siya ay napapansin rin ang mga lalaking napapatingin sa gawi nila. Napailing lang si Shan at hinayaan lang ang mga ito.
"Zef!"
Napahinto naman si Shan at napalingon sa tumawag sa kanya. Nakita niya ang dalawa niyang kaibigan sa campus nila, na papalapit sa gawi nila. Nang maabutan siya ng dalawa ay agad itong napasulyap kay Miya. Bahagya lang na yumuko si Miya at inalis ang tingin dito.
"Sino siya? Girlfriend mo?" nakangising tanong nito kay Shan. Napasulyap naman si Shan kay Miya na wala sa kanila ang tingin.
"She's my new butler," tanging sagot ni Shan sa mga ito.
Nagulat naman ang dalawa at sabay na napatingin kay Miya.
"Seryoso? Butler mo siya? Isang babae?" nagugulat na tanong ng isa nitong kaibigan.
"Tsss, nakakagulat naman talaga. Maging ako nagulat, iba pumili si Mommy. Kaya hinayaan ko na lang, tara na," sabi niya at inaya na ang mga kaibigan niyang pumasok.
Hindi pinansin ni Miya ang mga tingin ng kaibigan ni Shan. Hindi niya namumukhaan ang dalawa, dahil ngayon lang naman niya ito nakita. Nararamdaman din ni Miya, na iba ang ugali ni Shan sa school nito. Para bang natatakot ang mga ito sa presensya ni Shan.
'Kilala kaya nilang anak ng Empress si Shan?' sambit niya sa sarili niya.
Muli siyang napapatingin sa paligid at nakita niyang painggit na tili ng mga babae, pero ramdam din niya ang pag iwas ng ilan. Nasisiguro niyang may malalaman pa siya tungkol kay Shan sa lugar na ito.