Inayos ko ang aking sarili habang nakaupo sa couch at hinihintay ang pagdating niya. Magkasama kami ni tita Audrey kanina na pumasok dito pero tinawag siya ni Ma'am Gailla, kaya iniwan niya ako dito. Naikuyom ko ang kamay ko dahil bigla akong kinabahan. Hays. Hindi ko alam kung sapat na ba ang lakas at kakayahan ko para maging isang butler ni Shan, ngunit may tiwala naman ako sa aking sarili.
Napaangat ko ang aking tingin, nang mapansing bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang tao.
It's her.
Pareho silang napatingin sa akin. Kaya napatayo ako at yumuko sa kanila.
"You're here," sabi niya sa akin.
"Who is she, Dhrevey?" tanong ng kasama niya. Ngayon ko lang siya nakita pero nararamdaman kong pamilyar siya sa akin.
"Well, siya ang ni-rekomda ni Audrey sa akin, bilang bagong butler ni Shan. She's Miya," pakilala niya sa akin.
"Oh, Really?" sabi niya at tiningnan ako ng mariin. Bahagya akong napaiwas nang tingin sa kanya, dahil sa kakaiba nitong mga tingin.
"Yeah, Miya," sabi niya at bumaling sa akin.
"Hindi kita masasamahan ngayon. May ibibigay akong address saiyo at may taong kakausap saiyo doon. Siya ang magpapaliwanag sa kung anong mga dapat mong gawin, here," muling sabi niya at may binigay sa aking papel.
Tumango ako at tiningnan ang ibinigay niyang papel. Nakalagay dito ang address na sinasabi niya. Kaya nagpaalam na ako sa kanila. Hinayaan lang nila akong umalis at narinig kong nag uusap na sila. Ngunit bago pa ako makalabas sa pinto ay narinig ko pa ang sinabi no'ng kasama niya.
"Who's this girl name, Scarmey? I just heard it from, Alena," narinig kong tanong nito.
Hindi na ako huminto pa at lumabas na sa pinto saka napasandal. Tama ba iyong narinig ko? I just heard my name. Ano naman kaya ang pag uusapan nila tungkol sa akin. Napabuntong-hininga ako at umalis na sa headquarters. Pinuntahan ko na ang Address na ibinigay niya sa akin.
Lumabas ako sa kotse at napatingin sa harapan ko. Nasa harap ako ng isang malaking gate na napapalibutan ng matataas na pader. Hindi halos makita kung ano ang nasa loob dahil sa mataas na pader. Napapansin kong halos ganito ang mga nakikita ko sa mga mayayamang tao, tsk! Muli kong inilibot ang tingin sa paligid. Mabuti na lang at hindi ako naligaw kanina dahil nahirapan ako sa paghahanap nito, kung hindi ako nagtanong-tanong sa mga nadadaanan ko. Masyadong pribado ang lugar kung nasaan ang address na binigay niya.
Lumapit ako sa gate. Wala akong nakitang nakabantay o mga guards. Kundi isang Camera na nasa harap nito.
'Click'
Napaatras ako bigla, dahil sa paglabas ng apat na armalite sa bawat gilid ng gate.
'Who are you?'
"I'm Miya Moon. Pinapunta ako ni Empress Dhrevey dito," agad na sagot ko, habang nakatingin sa isang Cctv. Hindi ko pinahalatang nagulat ako, dahil nagulat ako sa paglabas ng mga armas sa gilid ng gate.
'Okay.'
Biglang bumukas ang gate kaya naglakad ako papasok. Nang makapasok ako, bigla akong napahinto sa nakikita ko. I was amazef for what I saw in front of me. It looks like, I'm in Europe. Dahil sa isang mansion na nasa harapan ko. Katulad siya sa mga nakikita kong mansion O building na nasa England. Pwedi ring ikumpara sa isang palasyo dahil sa laki at lawak ng mansion.
Maging ang hardin na napapagitnaan ng mga puno at Water falls. Napakagandang tingnan.
"Hello, Miya.."
Napalingon ako sa biglang nagsalita at nakita ko ang isang matangkad na babae na nakasuot ng black suit.
Bahagya siyang ngumiti sa akin at tiningnan akong mabuti.
"Empress told me about you, so I will tell you everything you need to know. Follow me," aniya.
Nagsimula siyang maglakad, kaya sumunod na rin ako. Muli akong napatingin sa paligid. Talagang kakaiba ang pamilyang ito. Ang pamilya kung saan hindi ko nakasama ng matagal.
Pumasok kami sa isang pinto at bumungad sa akin ang ganda ng loob.
"Master," sabi niya at bigla siyang yumuko, kaya napatingin ako bigla sa tinawag niyang master. Natigilan ako dahil pamilyar siya sa akin.
Napatingin din siya sa akin at tiningnan akong mabuti.
"Who is she?" tukoy nito sa akin.
"She's the new butler of Shan, Master Shawn," pakilala niya sa akin.
"Oh, Alright. I need to leave just tell Dhrevey," sabi nito at nilampasan kami.
Ngunit bahagya siyang napalingon muli sa akin, kaya napayuko ako saka lamang siya umalis.
"Who is he?" tanong ko ng makalabas na ito.
"He's master Shawn, twin brother of empress Dhrevey," sabi niya kaya napalingon ako sa nilakaran nito.
Siya pa ang kakambal ng ina ko?
Nagpatuloy kami sa paglalakad, hanggang sa makarating kami sa pinaka-sala ng mansion. I saw some pictures, lalo na ang isang Malaking portrait. Bahagya akong napatitig dito. It's a family picture, At mukhang bata pa sila tingnan dito. I saw my grandmother and someone beside her maybe it's my grandfather and there's another 3 person. I saw my mother's face and the guy I saw earlier; my mother's twin brother. Then a girl who's not familiar to me. Maybe it's they're younger sister. My aunt.
"Lesley, who is she?"
Napalingon ako sa nagsalita. It's him. He's my grandfather.
"Master, she's the new butler of Shan. She's Miya Moon," pakilala niya sa akin dito.
Napatingin siya sa akin at bahagya akong tinitigan kaya napayuko ako.
"Hmm, I think Dhrevey trusted you. But I will remind you, your a woman and my grandson is a man. You know the limitation of both of you, right?" sabi nito sa akin.
Napatango ako.
"Yes master," sagot ko.
"Okay, nasa kwarto si Shan kasama ng mga kaibigan niya. You can go there," sabi nito saka kami tinalikuran.
"Okay, master," sagot nitong tinawag na Lesley. Hmm, she's Lesley?
Bigla siyang bumaling sa akin.
"Katabi lang ng kwarto mo ang kwarto ni shan, kaya madali mo lang syang mapupuntahan. And remember being a butler, you need to do everything just to make him safe. Bawal siyang pumunta sa M.A.O, or makigkita kani-kanino. Pagbawalan mo siya kung maari. Higit sa lahat, kung nasaan siya naroon ka. Protect him, that's your duty as his butler," seryoso niyang sabi sa akin. Tumango siya at naunang naglakad sa akin. Sumunod lang ako sa kanya, habang nililibot ko nang tingin ang paligid. For sure, hindi ako maliligaw dito.
"Ipapakilala kita sa kanya. Make sure na magiging matapang ka pag kaharap siya, okay?" paalala niya sa akin.
Tumango ako. Binuksan niya ang pinto na nasa harapan namin. Narinig ko kaagad ang tawanan sa loob. Mukhang nagkakatuwaan sila. Napabuntong-hininga ako. Kaya ko ito.
"Master Shan," tawag niya kay Shan.
Napalingon siya sa gawi namin, maging ang kasama niya. Natigilan pa ako ng makita kung sino ang mga kasama niya. Napahinto sila sa ginagawa nila, mukhang naglalaro sila ng billiard.
"Lesley, bakit? Sino iyang kasama mo?" taning ni Shan.
"She's Miya Moon. She will be your new Butler," pakilala ni Lesley sa akin.
Bumaling siya sa akin saka naglakad papalapit sa amin. Mariin niya akong tiningnan at sinuring mabuti.
"Sigurado ka? Siya ang bagong butler ko?" nagtatakang tanong niya kay Lesley.
"Oo, siya ang tinutukoy ni Empress na magiging bagong butler mo.She will start tomorrow, so you must be good at her. You know your mother, master," sabi ni Lesley.
Napakamot siya ng batok at tumalikod sa amin. Napatingin ako sa isang taong kanina ko pa napapansing nakatingin. Nahuli ko siya at bigla akong kinindatan. Hindi ko pinahalatang kilala ko siya kaya ngumiti lang siya.
"Miya, lets go. Marami pa akong sasabihin saiyo," sabi ni Lesley sa akin. Sumunod ako sa kanya ng lumabas siya. Ngunit bago pa ako makalabas, lumingon ako at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin.
Ranzy.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama saka napapikit. I still can't believe that I'm here in my family's home. Kahit na hindi nila ako kilala. Maraming sinabi sa akin si Lesley. Tungkol sa kong ano ang dapat kong gawin. Mukhang mahirap pasunurin si Shan, pero gagawa ako ng paraan para mapasunod ko siya.
Napangisi ako sa naisip ko. Lets see, kung hanggang saan ako sa pagpapanggap kung ito.